Diskriminasyon sa presyo
Itsura
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Nagkakaroon ng diskriminasyon sa presyo kapag iba’t iba and palabis ng mga presyo at gastos (price-cost margins) sa iba’t ibang mamimili. Ang diskriminasyon sa presyo ay maaaring gawing estratehiya sa negosyo ng mga magtitinda.
Mga Uri:
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangatlong antas ng diskriminasyon sa presyo - Ang antas na ito ay nakadepende sa pagkalastisiko ng pangangailangan kung saan ang dapat singilin ng magtitinda ng mas mababang presyo ang mga kasapi ng sangay ng pamilihan kung saan mataas ang pagkalastisiko ng presyo. Halimbawa nito ay ang espesyal na presyo para sa mga estudyante at mga matatanda. Maaari rin ang presyong pangkalakal kumpara sa presyong panlokal na pamilihan.
- Pangalawang antas ng diskriminasyon sa presyo - Ang antas na ito ang pinakanaoobserbahang uri ng diskriminasyon sa presyo. Ito ay nagmumula sa kakulangan ng tumpak na impormasyon tungkol sa pagpayag ng mga mamimili sa pagbayad ng isang natatanging presyo. Sa antas na ito, ang mga magtitinda ay nagbibigay ng iba’t ibang paghahandog ng produkto na humihikayat sa mga mamimili na pumili ayon sa sariling nais.
- Unang antas ng diskriminasyon sa presyo - Ang antas na ito ay tinatawag ring perperktong diskriminasyon ngunit ito rin ang pinakakomplikadong uri ng diskriminasyon sa presyo sa usapin ng implikasyon nito sa kapakanan ng mga sangkot. Sa antas na ito, ang bawat mamimili ay nagbabayad ng kanyang sariling presyong panreserba sa produkto (reservation price).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.