Pumunta sa nilalaman

Darkseid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Darkseid
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasKameyo: Superman's Pal Jimmy Olsen #134 (Nobyembre 1970)
Buong pagpapakita: Forever People #1 (Pebrero 1971)
TagapaglikhaJack Kirby
Impormasyon sa loob ng kwento
Ibang katauhanUxas
EspesyeNew God
Lugar ng pinagmulanApokolips
Kasaping pangkatDarkseid's Elite
Female Furies
Intergang
Secret Society of Super Villains
Legion of Doom
Kilalang alyasLord of Apokolips
Dark God
God of Evil
U-X
Kakayahan
  • Higit-sa-tao na lakas, bilis, at tibay
  • Henyong-antas ng katalinuhan
  • Paglipad
  • Teleportasyon
  • Telepatiya
  • Telekinesis
  • Immortalidad
  • Hindi tinatablan
  • Omega Effect

Si Darkseid (Uxas) ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Nilikha ng manunulat-tagaguhit na si Jack Kirby, unang lumabas ang karakter bilang isang kameyo sa Superman's Pal Jimmy Olsen #134 (Nobyembre 1970) bago buong ipinakilala sa Forever People #1 (Pebrero 1971).[1] Isang malupit na pinuno si Darkseid sa planetang Apokolips na ang pangwakas na layunin ay alipinin ang sansinukob sa pamamagitan ng pagtanggal sa lahat ng pag-asa at malayang kalooban sa mga nilalang sintiyensiya (o nilalang may kamalayan sa kanilang damdamin at pakiramdam).[2] Bilang isang New God (o bagong Diyos) at isang pinakamakapangyarihang nilalang sa DC Universe, una siyang inisip bilang ang pangunahing kontrabida sa saga na Fourth World (Ikaapat na Sandaigdigan) bago naging isa sa mga pinakamagagaling na kaaway ni Superman at mortal na kaaway ng Justice League.

Ang karakter ay nasa ika-6 sa Pinakamagagaling na mga Kontrabida sa Komiks sa lahat ng panahon ng IGN at ang ika-23 sa Pinakamagagaling na Kontrabida sa lahat ng panahon ng magasin na Wizard.[3] Sa kalahatan, nagkaroon ng adapsyon si Darkseid mula sa komiks tungo sa iba't ibang anyo ng midya, na nagkaroon na kilalang pagboses nina Michael Ironside sa DC animated universe, Andre Braugher sa Superman/Batman: Apocalypse, at Tony Todd sa DC Animated Movie Universe. Pagkatapos ng pagkakabanggit ng maraming beses sa DC Extended Universe, unang lumabas ang karakter sa pelikula na Zack Snyder's Justice League, kung saan ginampanan siya ni Ray Porter.

Kasaysayan ng paglalathala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagbalik si Jack Kirby sa DC Comics sa Superman's Pal Jimmy Olsen #133 at agad na sinimulan ang pagtatag ng mga karakter upang ilatag ang pundasyon para sa bagong likha na epikong Fourth World. Si Darksaid ang magiging pangunahing kontrabida, na nagkaroon ng maikling pagpapakita (o kameyo) sa Superman's Pal, Jimmy Olsen #134 (Nobyembre 1970) at buong nagpakita sa Forever People #1 (Pebrero 1971). Orihinal na dinesenyo ang karakter bilang pangunahing kontrabida sa mga titulong Forever People, Mister Miracle at New Gods. Pagkatapos na matapos ang mga titulong ito, nagpatuloy si Darkseid na maging pangunahing kontrabida sa maraming komiks ng DC Universe, na kinakalaban sina Superman at Batman. Sang-ayon sa manunulat na si Mark Evanier, minodelo ni Kirby ang mukha ni Darkseid sa aktor na si Jack Palance, habang nagkaroon si Kirby ng inspirasyon sa personalidad ng kontrabida kay Adolf Hitler at Richard Nixon.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Sacks, Jason; Dallas, Keith (2014). American Comic Book Chronicles: The 1970s (sa wikang Ingles). TwoMorrows Publishing. pp. 39–40. ISBN 978-1605490564.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Greenberger, Robert; Pasko, Martin (2010). The Essential Superman Encyclopedia (sa wikang Ingles). Del Rey. pp. 71–dating 73. ISBN 978-0-345-50108-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Darkseid is number 6" (sa wikang Ingles). IGN. Nakuha noong Abril 5, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Evanier, Mark (Nobyembre 10, 2006). "The Palance-Darkseid Connection". News From Me.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Real Life Inspirations Behind Some of the Best Comic Book Villains". ScreenRant (sa wikang Ingles). Marso 30, 2014. Nakuha noong Oktubre 12, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)