Comic Sans
Kategorya | Script |
---|---|
Mga nagdisenyo | Vincent Connare |
Foundry | Microsoft |
Petsa ng pagkalabas | Oktubre 1994 |
Ang Comic Sans MS (o Comic Sans) ay isang impormal na pamilya ng tipo ng titik na inihalinsunod sa mga panitik na ginamit sa mga komiks na Amerikano sa ilang nagdaang dekada. Ang "Sans" ay pinaikling salita para sa "sans-serif." Ang modernong Comic Sans ay dinisenyo ni Vincent Connare at inilabas noong taong 1994 ng Microsoft Corporation. Ito ay nauuri na di-pormal, magkakahiwalay na pagnitik, at dinisenyo upang gayahin ang makasaysayang hitsura ng pagsusulat sa komiks at para sa paggamit sa mga impormal na dokumento at mga materyal na pang-bata.[1]
Ang pagtitik na ito ay kasama na sa Microsoft Windows mula pa noong ipinakilala ang Windows 95, sa una bilang isang pandagdag na tipo ng titik sa Windows Plus Pack at kalaunan sa Microsoft Comic Chat. Ang malawakang paggamit ng panitik na ito, kadalasan sa mga sitwasyon na kung saan hindi ito ay inilaan, ay napipintasan.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinabi ng taga-dibuho ng Microsoft na si Vincent Connare na sinimulan niya ang paggawa sa Comic Sans noong Oktubre 1994. Nakapaglikha na si Connare ng ilang mga pang-batang tipo ng titik para sa iba’t ibang gamit, kaya noong nakita niya ang isang bersyong beta ng Microsoft Bob na gumagamit ng Times New Roman sa mga lobong pang salita ng mga tauhang kartun, nagpasya siyang gumawa ng isang bagong panitik na nakabatay sa estilo ng pagsulat ng mga komiks na mayroon siya sa kanyang opisina, partikular na ang The Dark Knight Returns (niletrahan ni John Costanza) at Watchmen (niletrahan ni Dave Gibbons).
Huli na nang natapos niya ang panitik para makasama sa Microsoft Bob, ngunit sinimulan pa rin itong gamitin ng mga taga-programa ng Microsoft 3D Movie Maker, na gumagamit din ng mga gabay sa kartun at bulang pangsalita. Sa huli ito ang naging tunay na boses, ngunit nanatili ang Comic Sans para sa mga pop-up window ng mga programa at mga bahaging pangtulong. Ang pagtitik kalaunan ay ipinadala kasama ang Windows 95 Plus! Pack. Pagkatapos ito ay naging isang pirming tipo ng titik para sa bersyong OEM ng Windows 95. At sa wakas, ito ay naging isa sa mga pagpipiliang tipo ng titik sa Microsoft Publisher at Microsoft Internet Explorer. Sa huli, ito ay naging isa sa mga kusang itinalagang panitik para sa Microsoft Publisher at Microsoft Internet Explorer. Ito rin ay ginamit sa Microsoft Comic Chat, na inilabas noong 1996 kasama sa Internet Explorer 3.0.
Pagsalungat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iniulat ng The Boston Phoenix ang pagkadismaya sa malawakang paggamit ng tipo ng titik, lalo na sa hindi akmang gamit nito sa pagsulat ng mga importanteng paksa, na may mga reklamong nakatuon sa kampanyang sinimulan ng dalawang nagdidisenyong grapiko mula sa Indianapolis na sina Dave at Holly Combs sa pamamagitan ng kanilang websayt na Ban Comic Sans. Ang pagkilos na ito ay nabuo nilang dalawa noong taglagas ng 1999 matapos silang pilitin ng isang kliyente na gamitin ang Comic Sans sa isang eksibisyon ng museong pambata, at noong mga unang buwan ng 2009, ang kilusan ay naging "mas malakas kaysa kailanman." Ang pangunahing pangangatwiran ng kanilang websayt ay dahil ang ang panitik ay dapat tumugma ang tono ng kanyang teksto, at na ang panunuya ng Comic Sans ay kadalasang taliwas sa isang seryosong mensahe tulad ng "o not Enter na karatula.
Sa pulong ng parlamento ng modelong kabataan sa Ontario taong 2005, isinama ng Partidong Bagong Demokratiko sugnay na "Ban the font known as Comic Sans" sa isang pangkalahatang saklaw na panukalang-batas.
Sabi ng naguguhit ng komiks na si Dave Gibbons, na isa sa kanyang mga likha ay naging inspirasyon para sa panitik, na sabi niya sa Ingles "it was a shame they couldn't have used just the original font, because [Comic Sans] is a real mess. I think it's a particularly ugly letter form." (Nakalulungkot na hindi na lang nila ginamit ang orihinal na panitik dahil [ang Comic sans] ay tunay na magulo. Sa tingin ko ito ay isang partikular na pangit na anyo ng pagtitik.)
Ang "I'm Comic Sans, Asshole" ay ang galit na monologo ni Mike Lacher sa boses ng Comic Sans na sumasagot sa pamimintas na ibinabato dito ("You think I'm pedestrian and tacky? Guess the fuck what, Picasso. We don't all have seventy-three weights of stick-up-my-ass Helvetica sitting on our seventeen-inch MacBook Pros. Sorry the entire world can’t all be done in stark Eurotrash Swiss type") ay hinango bulang isang animasyong na maikling pelikula noong 2011 ni Joe Hollier.
Mga tanyag na paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Sa simulation video game ng buhay na The Sims at mga expansion nito, ang Comic Sans ay ginamit sa halos lahat ng teksto sa laro. Tinanggal ang paggamit sa nito sa mga sumunod na mga labas.
- Noong 2010, ang may-ari ng Cleveland Cavaliers na si Dan Gilbert ay napuna sa paggamit ng Comic Sans sa isang pampublikong sulat tungkol sa desisyon ni LeBron James na umalis sa koponan. Ang paggamit nito ay naging sanhi ng muling pagkabuhay ng interes sa, pati na rin ang pamimintas, ng Comic Sans.[3][4][5]
- Noong 2010 din, ang larong Kingdom Hearts ay nagtala ng "lihim na mensahe" gamit ng Comic Sans.
- Sa Araw ng mga Tanga noong Abril 2011, kapag isinulat ang pangalan ng panitik na "Comic Sans" at "Helvetica" sa search engine ng Google ay lalabas ang isang pahina ng mga resulta ng ganap na sa Comic Sans na panitik.
- Taong 2011, itinampok ng nakatawang websayt ng The Onion ang panitik sa isang pekeng balita kung saan tinalakay ng mga “eksperto” kung bakit nakakatawa ang itsura nito sa mga tao.
- Kapag pinipili ang Comic Sans upang ipakita ang mga mensahe sa Skype, nagbabago ang emoticon ng menu icon mula sa isang masayang smiley sa isang malungkot smiley.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Beaumont-Thomas, Ben; Connare, Vincent; Stephens, Tom. "How we made the typeface Comic Sans". The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 29 Marso 2017.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "What's so wrong with Comic Sans?". BBC News (sa wikang Ingles). BBC. 2010-10-20. Nakuha noong 2010-10-21.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cavaliers: Open Letter to Fans from Cavaliers Majority Owner Dan Gilbert" (sa wikang Ingles). 10 Hulyo 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cavs owner's letter mocked for Comic Sans font". cnn.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-04-11. Nakuha noong 24 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MG Siegler. "Cavs Owner Goes Online To Rip LeBron A New One… In Comic Sans". TechCrunch (sa wikang Ingles). AOL. Nakuha noong 24 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)