Cabinda (lungsod)
Cabinda Tchiowa Cidade de Cabinda | ||
---|---|---|
Munisipalidad at lungsod | ||
| ||
Mga koordinado: 5°33′36″S 12°11′24″E / 5.56000°S 12.19000°E | ||
Bansa | Angola | |
Lalawigan | Cabinda | |
Itinatag | 1883 | |
Katayuang panlungsod | 1956 | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 1,823 km2 (704 milya kuwadrado) | |
Taas | 24 m (79 tal) | |
Populasyon (Senso 2014) | ||
• Kabuuan | 598,210 | |
• Kapal | 330/km2 (850/milya kuwadrado) | |
Klima | Aw |
Ang Cabinda (Padron:Lang-kg) ay isang lungsod sa lalawigan ng Cabinda, isang panlabas na teritoryo (exclave) ng Angola. Ang soberanya ng Angola sa Cabinda ay pinagtatalunan ng naghihiwalay na Republika ng Cabinda. Sakop ng munisipalidad ng Cabinda ang 1,823 kilometrong parisukat (704 milyang parisukat) na lawak at may 598,210 katao noong 2014. Ang tawag sa mga naninirahan sa lungsod ay Cabindas o Fiotes. Dahil sa lapit nito sa mayamang mga reserba ng langis, ang Cabinda ay nagsisilbing isa sa pangunahing mga pantalang panlangis ng bansa.[1][2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ng mga Portuges ang lungsod noong 1883 kasunod ng paglagda ng Kasunduan ng Simulambuco, sa parehong panahon ng Pulong sa Berlin.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Cabinda sa baybaying-dagat ng Karagatang Atlantiko sa timog ng lalawigan ng Cabinda, at nakapuwesto ito sa kanang pampang ng Ilog Bele.[1] Ito ay nasa layong 56 na kilometro (35 milya) hilaga ng Moanda (DR Congo), 70 kilometro (43 milya) hilaga ng bunganga ng Ilog Congo, at 137 kilometro (85 milya) timog ng Pointe-Noire (Rep. ng Congo).[3]
Mga distrito
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang Cabinda sa tatlong mga distrito o "comuna":
- Cabinda, ang sentrong pampangasiwaan ng lungsod na tahanan ng 88.6% ng populasyon nito
- Malembo, tahanan ng 3.1%
- Tando-Zinze, tahanan ng 8.3%[4]
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga wika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Ibinda na isang wika ng Bantu ay ang pangunahing wika ng kapuwa lungsod at lalawigan ng Cabinda.is the primary.[2] Sinasalita rin ang wikang Portuges, ang opisyal na wika ng Angola, bagamat pangkaramihan sa gampaning pampangasiwaan. Sapagkat sinakop ng mga Portuges ang Cabinda sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon kung ihahambing sa ibang bahagi ng Angola, hindi malawakang sinasalita ang Portuges. Gayunpaman, mabilis na lumalaki ang bilang ng mga nagsasalita ng Portuges.
Transport
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparan ng Cabinda.
Noong 2012, ipinapanukala ang isang karugtong ng daambakal upang ikabit ito sa pangunahing sistemang daambakal ng Angola, subalit kinailangan pa itong tumawid sa lupain ng Demokratikong Republika ng Congo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Cabinda". Encyclopædia Britannica. Encyclopædia Britannica Inc. 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-02-08. Nakuha noong 2014-06-21.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Cabinda" (sa wikang Portuges). Luanda, Angola: Info-Angola. 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-11-25. Nakuha noong 2014-05-21.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Google. "Cabinda (city)" (Mapa). Google Maps. Google.
{{cite map}}
:|author=
has generic name (tulong); Unknown parameter|mapurl=
ignored (|map-url=
suggested) (tulong) - ↑ "Region 1: Cabinda". Postcode Query. 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-04-23. Nakuha noong 2014-06-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Esteves Pereira; Guilherme Rodrigues, mga pat. (1906). "Cabinda". Portugal: Diccionario Historico... (sa wikang Portuges). Bol. 2. Lisbon: Joao Romano Torres. OCLC 865826167.
{{cite book}}
: Unknown parameter|chapterurl=
ignored (|chapter-url=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Profile of Cabinda Municipality Padron:Pt
- May kaugnay na midya ang Cabinda (city) sa Wikimedia Commons