Pumunta sa nilalaman

Belen

Mga koordinado: 31°42′16″N 35°12′22″E / 31.7044°N 35.2061°E / 31.7044; 35.2061
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Belen o Bethlehem
Transkripsyong Other
 • Arabicبيت لحم
 • Also spelledBeit Lahm (official)
Bayt Lahm (unofficial)
Belen o Bethlehem is located in State of Palestine
Belen o Bethlehem
Belen o Bethlehem
Location of Belen o Bethlehem within the Palestinian territories
Mga koordinado: 31°42′16″N 35°12′22″E / 31.7044°N 35.2061°E / 31.7044; 35.2061
GovernorateBethlehem
Pamahalaan
 • UriCity (from 1995)
 • Head of MunicipalityVera Baboun[1]
Populasyon
 (2007)
 • Jurisdiction25,266
Name meaningbahay ng karne (Wikang Arabe); bahay ng tinapay (Wikang Ebreo & Arameo)
Websaytwww.bethlehem-city.org

Ang Belen o Bethlehem (Arabe: بيت لحم, Bayt Lam, “bahay ng karne”; Ebreo: בית לחם, Beyt Leem, “bahay ng tinapay”) ay isang lungsod sa Kanlurang Pampang. May kahalagahan ang lungsod na ito sa relihyong Kristyanismo dahil ayon sa Bibliya ay ito ang lugar na kinapanganakan ni Hesus noong unang siglo BCE hanggang unang siglo CE. Dito rin naninirahan ang isa sa mga pinakamalalaking komunidad ng mga Kristyanong Palestinong natitira pa sa Gitnang-Silangan. Tinatawag na Belenita ang isang taong taga-Belen o nagmula sa Betlehem.[2]

Panahong Cananeo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Bethelehem ay unang binanggit sa mga Liham ng Amarna noong ca. 1400 BCE bilang "Bit-Lahmu" sa Kanaan. Nagsumamo ang Hari ng Herusalen sa kanyang panginoon na Faraon ng Ehipto na muling kunin ang Bit-Lahmu mula sa panggugulo ng mga Apiru. Si Lahmu o Lachama ang Diyos na Akadyo ng pertilidad at sinamba noong ika-3 milenyo BCE na pinagtayuan nila ng templo sa bundok na kilala ngayon bilang Bundok ng Natibidad. Ang bayan ay kilala bilang Beit Lachama o "Bahay ni Lachama". Ang pagbigkas ay pareho sa loob ng 3,500 taon ngunit pinakahulugan ng iba iba sa paglipas ng panahon. Sa Kananeo ay orihinal na nangahulugang "Bahay o Templo ni Lahmu", sa Ebreo at Arameo ay naging "Bahay ng Tinapay", sa Arabiko ay naging "Bahay ng Karne".

Panahon ng Israel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naniniwala ang ilang mga skolar na ang Belen ay pareho sa Epratha sa Bibliya na nangangahulugan fertile o palaanak.

Panahon ni Hesus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Belen ang lugar na pinagpanganakan kay Hesus ayon sa Ebanghelyo ni Mateo 2:1 at Ebanghelyo ni Lucas. Ayon din sa Mateo 2:16, ipinapatay ni Dakilang Herodes (na namatay noong 4 BCE) ang mga sanggol at batang dalawang taon pababa sa Belen at mga kalapit na lugar dahil nalaman ni Herodes na inangkin ng mga Mago na ipapanganak ang "hari ng mga Hudyo" sa Belen. Ang karamihan ng mga modernong biograpo ni Herodes ay buong hindi naniniwala sa salaysay ng masaker ni Herodes ng mga sanggol sa Mateo.[3]

Salungat sa Mateo 2, isinaad sa Ebanghelyo ni Lucas Kapitulo 2 na si Hesus ay ipinanganak sa Belen noong panahon ng censo ni Quirinio na ayon kay Josephus ay nangyari noong 6-7 CE/AD.[4]

Ang mga paghuhukay sa Belen ay nagpakitang ang Belen sa Judaea ay hindi umiiral bilang isang gumaganang bayan sa pagitan ng 7 at 4 BCE na panahong pinaniniwalang ipinanganak si Hesus. May mga materyal na nahukay mula 1200 hanggang 550 BCE sa Belen gayundin mula ika-6 siglo CE ngunit walang materyal na nahukay sa Belen noong mula unang siglo (100 BCE -1 BCE) o unang siglo (1-100 CE/AD).[5]

  1. Newspapers Review: Youth Protests Dominate Daily’s Front Page. Wafa. 2012-11-14.
  2. Abriol, Jose C. (2000). "Belenita". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 412.
  3. "most recent biographies of Herod the Great deny it entirely." Paul L. Maier, "Herod and the Infants of Bethlehem", in Chronos, Kairos, Christos II, Mercer University Press (1998), p.170
  4. http://www.infidels.org/library/modern/richard_carrier/quirinius.html
  5. https://web.archive.org/web/20080415225523/http://ngm.nationalgeographic.com/geopedia/Bethlehem

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


HeograpiyaPananampalataya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pananampalataya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.