Aries
Ang Aries ang pangunahing Signo ng sodyak, at ang planetang namumuno sa kanya ay ang planetang Mars, ang planeta ng aksiyon. Ang mga taong ipinanganak sa ilalim ng signo ng Aries ay gustong parating sila ang nangunguna, kesehodang matapakan o masaktan nila ang iba. Kung merong mga ipinanganak na pinuno, siguradong ang mga Aries ito. Gusto nilang magsimula ng mga bagay-bagay na ipapatapos nila sa iba. Ayaw nilang tapusin ang isang bagay na sinimulan dahil madali silang magsawa at gusto na naman nila ng bago. Matapang, walang-takot at walang pasubali ang mga Aries kaya natural na parati silang lider. Malaki ang tiwala ng mga Aries sa sarili nila, kung matututunan sana lamang nila na mahalin at respetuhin ang iba, walang hanggang ang kanilang mga maaabot. Ayaw tumanggap ng pagkatalo o kabiguan ng mga Aries. Lalaban sila ng lalaban hanggang sa magtagumpay sila o mamamatay na lang hanggat maabot nila ang kanilang mga inaasam-asam.
Ang mga negatibong katangian ng Aries ay maramot, palaaway, walang pakundangang pagkilos o kilos na di pinag-iisipan, mainipin, madaling mayamot, agresibo, pabigla-bigla, madaling magsawa sa isang bagay, simula ng simula na di tinatapos ang mga gawain.[1]
- Namumunong Buntala: Mars
- Pinamumunuan: Namumuno sa Unang Bahay ng Horoscope
- Kalidad: Cardinal
- Elemento: Apoy
- Pagsasalarawan: Aksiyon, biglang pagkilos
- Katanyagan: Matapang
- Depekto: Arogante
Kung ang Aries ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay, o kung anumang buntala ang nasa signo ng Aries, ang suliranin ng Bahay na iyon o ng buntala na yun ay naiimpluwensiyahan ng mga kaganapang biglaan, aksiyon, enerhiya o kaya ay kaguluhan o pag-aaway.
Galeriya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B.Jain Publishers, New Delhi, 286 pages, ISBN 81-7021-1180-1