Pumunta sa nilalaman

Abaddon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang salitang Hebreong Abaddon (Hebrew: אֲבַדּוֹן ’Ăḇadōn, "Pagkawasak") ay mababasa sa Lumang Tipan at nag-uugnay sa Sheol.

Aklat ng Pahayag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Abaddon ay ginamit bilang isang pangalan at isinalin sa Aklat ng Pahayag na Apollyon (Koinē Greek: Ἀπολλύων, Apollúōn "Mangwawasak") ay inilalarawan bilang ang hari mula sa kalalim (abussou) na mamumuno sa hukbo ng mga balang na inilalarawan na "ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao. At sila'y may buhok na gaya ng buhok ng mga babae, at ang kanilang mga ngipin ay gaya ng sa mga leon. At sila'y may mga baluti na gaya ng baluting bakal; at ang ugong ng kanilang mga pakpak ay gaya ng ugong ng mga karro, at ng maraming kabayo na dumadaluhong sa pagbabaka.At sila'y may mga buntot na gaya ng sa mga alakdan, at mga tibo at sa kanilang mga buntot naroroon ang kanilang kapangyarihan upang ipahamak ang mga taong limang buwan."(Pahayag 9:7-10) Ito ay isang alusyon ng Nero Redivivus (sa pamayanang Kristiyano noong unang siglo CE) na ang Halimaw na si Nero na aahon mula sa kalaliman(abussou) Pahayag 11:7 ay makikidigma sa mga Hudyong Kristiyano sa Unang Digmaang Hudyong-Romano noong c. 66-70 CE at kalaunann ay mangunguna kasama ng mga Hari ng Silangang mula sa Ilog Eufrates(Imperyong Parthian) (Pahayag 7:2-3, 16:12) upang makidigma sa Dakilang Babilonya (Imperyong Romano na wumasak sa Herusalem at Ikalawang Templo sa Herusalem noong 70 CE, Pahayag 17:16 at hahantong sa huling digmaang tinatawag na Armageddon na magaganap noong unang siglo CE. Maraming iskolar ng Bibliya ay naniniwalang ang Apollyon ay korupsiyon ng pangalan ng Diyos na si Apollo at alusyon kay Emperador Nero na kilala bilang ang Diyos na Apollo sa Silangan.