Pumunta sa nilalaman

Ika-15 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 1459)
Milenyo: ika-2 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  1400 dekada 1410 dekada 1420 dekada 1430 dekada 1440
dekada 1450 dekada 1460 dekada 1470 dekada 1480 dekada 1490
Si Mehmed II ng Imperyong Otomano, ang Islamikong pananakop ng Constantinople at pagbagsak ng Imperyong Bisantino. Iba't ibang mga dalubhasa sa kasaysayan ang isinalarawan ito bilang ang katapusan ng Gitnang Panahon.
The Capitulation of Granada ni Francisco Pradilla Ortiz, 1882: Sumuko si Muhammad XII kay Fermando at Isabel
Gergio Deluci, Christopher Columbus arrives in America in 1492, pinta noong 1893.

Ang ika-15 dantaon ay isang siglo na sumasakop sa mga taon sa kalendaryong Huliyano mula 1401 hanggang 1500.

Sa Europa, nakikita ang ika-15 dantaon bilang ang tulay sa pagitan ng Huling Gitnang Panahon at ang maagang makabagong panahon. Makikita sa paggunita ng maraming panteknolohiya, panlipunan at pangkalinangang pagsulong sa ika-15 dantaon bilang isang pagpapahayag ng himalang Europeo ng mga sumunod ng mga siglo. Ang perspektibong pang-arkitektura at ang larangan na kilala ngayong bilang accounting ay naitatag sa Italya.

Bumagsak ang Constantinople, na nakilala bilang ang Kabisera ng Sanlibutan at ang Kabisera ng Imperyong Bisantino (Turkiya ngayon), sa umuusbong na Turkong Otomano na Muslim, na tinatakda ang katapusan ng napakatinding impluwensiya ng Imperyong Bisantino at, para maraming dalubhasa sa kasaysayan, ang katapusan ng Gitnang Panahon.[1] Nagdulot ito ng paglipat ng mga paham na Griyego at mga teksto sa Italya, habang ang imbensyon ni Johannes Gutenberg na mekanikal na gumagalaw na tipo ang nagsimula ng pag-imprenta. Nagkaroon ng susing pagganap ang dalawang kaganapan na ito sa pagsulong ng Renasimiyento.[2][3] Nahati ang Papasiyang Romano sa dalawang bahagi sa Europa sa maraming dekada (ang tinatawag nilang Kanluraning Sisma o Paghahati), hanggang sa Konseho ng Constancia. Naiuugnay ang dibisyon sa Simbahang Katoliko at ang kaguluhan nito sa kilusang Husita na naging dahilan sa pag-usbong ng Repormasyong Protestante ng sumunod na siglo. Nabuwag ang Islamikong Espanya (Al-Andalus) sa pamamagitan ng Kristiyanong Reconquista, na sinundan ng puwersahang kombersyon at ang rebelyong Muslim,[4] na natapos sa pitong siglo ng pamumunong Islamiko at pagbalik sa Espanya, Portugal at Katimugang Pransya sa mga namumunong Kristiyano.

Ang paghanap para sa kayamanan at kaunlaran ng Sultanato ng Bengal sa India[5] ay nagdulot sa kolonisasyon ng mga Amerika ni Christopher Columbus noong 1492 at ang Portuges na paglalayag ni Vasco da Gama, na nagdugtong sa Europa at sa subkontineteng Indiyano, na naghatid sa panahon ng mga imperoyong Iberiyano.

  • 1452: Abril 15 - Leonardo da Vinci, isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto, musikero, anatomista, imbentor, inhinyero, eskultor, heometro, at pintor (namatay 1519)
  • 1492: Enero 15 – Nakipagpulong si Christopher Columbus kina Fernando at Isabel sa Alcázar de los Reyes Cristianos sa Córdoba, Andalusia, at hinimok silang suportahan ang kanyang Atlantikong paglalayag na nilayong hanapin ang isang bagong ruta patungo sa Silangang Indiyes.
  1. Maliban sa 1400

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Crowley, Roger (2006). Constantinople: The Last Great Siege, 1453 (sa wikang Ingles). Faber. ISBN 0-571-22185-8. (sinuri ni Foster, Charles (22 Setyembre 2006). "The Conquest of Constantinople and the end of empire". Contemporary Review (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2009. It is the end of the Middle Ages
  2. Encyclopædia Britannica, Renaissance, 2008, O.Ed. (sa Ingles)
  3. McLuhan 1962; Eisenstein 1980; Febvre & Martin 1997; Man 2002
  4. Harvey 2005, p. 14.
  5. Nanda, J. N (2005). Bengal: the unique state (sa wikang Ingles). Concept Publishing Company. p. 10. 2005. ISBN 978-81-8069-149-2. Bengal [...] was rich in the production and export of grain, salt, fruit, liquors and wines, precious metals and ornaments besides the output of its handlooms in silk and cotton. Europe referred to Bengal as the richest country to trade with.
  6. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who was Cheng Ho?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767., Explorers and Pioneers, pahina 111. (sa Ingles)