Harley Quinn
Harley Quinn | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Tagapaglathala | DC Comics |
Unang paglabas | Batman: The Animated Series "Joker's Favor (Setyembre 11, 1992)" |
Unang paglabas sa komiks | The Batman Adventures #12 (Setyembre 1993) |
Tagapaglikha | Paul Dini (manunulat) Bruce Timm (tagaguhit) |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Harleen Frances Quinzel[1][2] |
Kasaping pangkat | Suicide Squad Birds of Prey Justice League Gotham City Sirens Secret Six Secret Society of Super Villains |
Kakampi | Joker Poison Ivy Bud at Lou |
Kilalang alyas | The Cupid of Crime[3] The Maiden of Mischief[4] |
Kakayahan |
|
Si Harley Quinn (Dr. Harleen Frances Quinzel) ay isang kathang-isip na karakter na lumalabas sa medya na nilalabas ng DC Entertainment. Nilikha nina Paul Dini at Bruce Timm upang magsilbi bilang isang bagong supervillainess at isang romantikong interes para kay Joker sa Batman: The Animated Series noong Setyembre 11, 1992, sa kalaunan, siya ay nagkaroon ng adaptasyon sa komiks ni Batman sa DC Comics na naging kanoniko, simula sa The Batman Adventures #12 (Setyembre 1993).
Madalas na kasabwat ni Harley Quinn ang kalaguyong si Joker, na naging pasyente niya nang nagtrabaho siya bilang isang internong sikiyatriyo sa Arkham Asylum ng Lungsod ng Gotham.[5][6] Hango ang kanyang alyas sa pangalang "Harlequin", isang karakter na nagmula sa commedia dell'arte (ngunit ginamit ito para sa isang alternatibong unibersong bersyon niya sa animasyong pelikulang Justice League: God and Monsters). Nakipatambalan siya sa mga kaparehong kontrabidang sina Poison Ivy at Catwoman, ang tatluhang nakilala bilang ang Gotham City Sirens; kadalasang nilalarawan si Ivy bilang malapit na kaibigan at romantikong interes ni Harley.[7] Simula noong komiks na The New 52, nilalarawan siya bilang isang antiheroine at isang umuulit na kasapi ng Suicide Squad na umalis sa abusadong relasyon kay Joker; bagaman, sa karamihan sa ibang medya, nilalarawan pa rin ang karakter bilang isang supervillain at kasintahan ni Joker.[8]
Orihinal na binosesan ni Arleen Sorkin sa DC animated universe, lumabas siya simula noon sa iba't ibang mga proyekto ng DC na binosesan ng mga artista tulad nina Tara Strong, Hynden Walch, Laura Bailey, Jenny Slate, Melissa Rauch, Laura Post, at Kaley Cuoco; ang huli ay binigay ang boses para sa karakter sa sariling animasyong serye. Si Mia Sara naman ang gumanap na Harley Quinn noong 2002 sa seryeng pantelebisyon na Birds of Prey. Unang lumabas sa pelikulang totoong-tao o live-action si Harley Quinn sa pelikula ng DC Extended Universe na Suicide Squad (2016), na ginampanan ni Margot Robbie, na muling ginampanan ang karakter sa Birds of Prey (2020) at susunod na gagampanan ang karakater sa The Suicide Squad (2021).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Barba, Shelley E.; Perrin, Joy M., mga pat. (2017). The Ascendance of Harley Quinn: Essays on DC's Enigmatic Villain (sa wikang Ingles). Jefferson, North Carolina: McFarland. p. 204. ISBN 978-1476665238.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gitlin, Martin; Wos, Joe (2018). A Celebration of Animation: The 100 Greatest Cartoon Characters in Television History (sa wikang Ingles). Lanham, Maryland: Rowman & Littlefield. p. 114. ISBN 978-1630762780.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://theplaylist.net/harley-quinn-trailer-20191112/
- ↑ https://www.criticalhit.net/entertainment/birds-of-prey-101-how-harley-quinn-became-dcs-favourite-maiden-of-mischief/
- ↑ Batman '66 #3. DC Comics (sa Ingles)
- ↑ Michael Eury (ed.), Back Issue #99, TwoMorrows Publishing, 2017, p. 69, "Before she was Harley Quinn, she was the Joker's psychiatrist. ... Mad Love revealed that Harley Quinn was once Harleen Quinzel, winner of a gymnastics scholarship to Gotham State University. Pursuing a degree by romancing her way through her professors, Quinzel planned to become a pop doctor until an internship at Arkham Asylum introduced her to the Joker." (sa Ingles)
- ↑ "DC DESIGNER SERIES". DC Comics (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-11-11. Nakuha noong 2020-12-10.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Goodfriend, Wind (Hulyo 30, 2016). "Mad Love: Personality Disorders in Harley Quinn & the Joker". Psychology Today. New York City: Sussex Publishers. Nakuha noong Agosto 14, 2020.
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)