Pumunta sa nilalaman

Zombie

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 13:32, 5 Agosto 2016 ni WayKurat (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Isang babaeng tao na nagmaskara at gumaganap bilang isang nabuhay na bangkay.

Ang zombie /zom·bi/ ay isang taong patay na subalit naging bangkay na nabuhay at gumagalaw sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pangkukulam.[1][2] Isa itong maalamat na taong patay na nagbalik sa pagiging "buhay" o gumagalaw bilang isang naglalakad na bangkay. Tinatawag na "patay na binuhay" ang maaalamat na mga bagay na muling napagalaw. Nagmula ang mito ng mga bangkay na buhay sa Karibe. Naging napakatanyag na mga nilalang na ito sa mga pelikula ng katatakutan. Mga nilalang ito na binuhay o nabuhay sa pamamagitan ng agham o salamangka, at kumakain ng laman o utak ng mga nabubuhay na tao.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Zombie - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Zombie". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 108.

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.