Ang Westlife ay isang banda ng mga lalaking mang-aawit na Irlandes (Irish boy band), na nabuo noong Hulyo 1998 at nabuwag noong Hunyo 2012. Orihinal na nakapirma kay Simon Cowell at pinamahalaan ni Louis Walsh, ang mga huling kasapi nito ay sina Nicky Byrne, Kian Egan, Mark Feehily at Shane Filan. Dating kasapi si Brian McFadden mula 1998 hanggang sa paglisan nito noong 2004.

Westlife
Larawan ng Westlife habang nagtatanghal sa kanilang Gravity Tour noong Oktubre 2011 sa Hanoi, Vietnam
Larawan ng Westlife habang nagtatanghal sa kanilang Gravity Tour noong Oktubre 2011 sa Hanoi, Vietnam
Kabatiran
PinagmulanSligo at Dublin, Irlanda
GenrePop
Taong aktibo1998-2012; 2018-
LabelRCA, Syco, Sony, Sony BMG
Dating miyembroKian Egan
Mark Feehily
Shane Filan
Nicky Byrne
Brian McFadden
Websitewestlife.com

Nakapagbenta ng mahigit 50 milyong rekord ang Westlife sa buong daigdig, na kinabibilangan ng mga studio album, isahang awit (single), mga inilabas na bidyo, at mga compilation album.[1] Nakapag-ipon ang grupo ng 14 na numero unong mga isahang awit sa Nagkakaisang Kaharian o UK. Naabot nila ang kabuuang 26 na mga isahang awit na pasok sa nangungunang sampu sa UK sa 14 na taong karera nila. Ang Westlife ang pinakamalimit na nagwawagi ng Rekord ng Taon (The Record of the Year), na nagwagi ng apat na ulit, at noong 2012, itinala ng Official Charts Company ang Westlife bilang ika-34 sa mga mang-aawit na may pinakamabiling mga isahang awit sa kasaysayan ng musika ng Britanya.[2] Sa kabila ng tagumpay sa buong mundo, hindi napasok kailanman ng Westlife ang merkado ng Estados Unidos, na nagkaroon lamang ng isang sikat na isahang awit doon noong 2000: ang "Swear It Again" at ang kanilang album na Westlife.

Sa kasalukuyan ang grupo ayon sa mga sertipikasyon ng BPI ay nakapagbenta ng hindi bababa sa 11.1 milyong album at 6.8 milyong mga isahang awit sa UK pa lamang.[3][4]

Kasaysayan

baguhin

Pagkakabuo (1997-98)

baguhin

Sina Kian Egan, Mark Feehily at Shane Filan, kasama ang kanilang mga kababayang taga-Sligo na sina Derrick Lacey, Graham Keighron, at Michael Garrett, ay bahagi noon ng isang animang grupong mang-aawit na pop (six-member pop vocal group) na tinatawag na Six as One, na pinalitan noong 1997 bilang IOYOU. Ang grupo, na pinamahalaan ng koreograpong si Mary McDonagh at dalawang di-pormal na mga tagapamahala, ay naglabas ng isahang awit na pinamagatang "Together Girl Forever".

Natuklasan ang banda ni Louis Walsh, ang tagapamahala ng katuwang na bandang Irlandes na Boyzone, matapos siyang kontakin ng ina ni Filan, subalit nabigong magkaroon ng record deal ang grupo sa ilalim ni Cowell.

Sinabi ni Cowell kay Walsh: "Kailangan moong magtanggal ng di-bababa sa tatlo sa kanila. Magaganda ang kanilang mga boses, pero sila ang pinakapangit na bandang nakita ko sa buong buhay ko."[5] Sinabihan ang tatlo sa banda (sina Lacey, Keighron at Garrett) na hindi na sila magiging bahagi ng bagong grupo, at nagsagawa ng mga odisyon sa Dublin kung saan sina Nicky Byrne at Brian McFadden ay nakuha.

Ang bagong grupo, na nabuo noong 3 Hulyo 1998, ay pinangalanang Westside subalit ginagamit na ang pangalang ito ng ibang banda, kaya pinalitan ito ng Westlife. Sa aklat na Westlife – Our Story, ibinunyag ni Bryne na, di-gaya ng iba sa grupo, siya ay payag na palitan ang pangalan bilang West High. Pinalitan din ni McFadden ang pagbaybay ng pangalan niya at ginawa itong Bryan upang maging mas madali ang pagpirma nito ng mga autograph. Dinala ang mang-aawit ng Boyzone na si Ronan Keating upang maging katuwang na tagapamahala ni Walsh sa band. Matapos ay naglabas ang banda ng isang EP na pinamagatang Swear It Again.

Paunang album (1998-99)

baguhin

Ang unang malaking pagkakataon ng Westlife ay dumating noong 1998 nang sila ang nagbukas para sa mga konsiyerto ng Boyzone at Backstreet Boys sa Dublin. Kinalauna'y nakatanggap sila ng gantimpala sa Smash Hits Poll Winners Party.[6] Noong Abril 1999, inilabas ng grupo ang kanilang unang isahang awit, ang "Swear It Again", na kagyat na nanguna sa mga talaan sa Irlanda at sa UK sa loob ng dalawang linggo.[6] Ang kanilang ikalawang isahang awit, ang "If I Let You Go", ay inilabas noong Agosto 1999, kasama ang kinapurihang awiting "Flying Without Wings" na pinrodyus ni Steve Mac at isinulat ni Wayne Hector (ang kanilang unang Record of the Year), na inilabas noong Oktubre ng kaparehong taon, na kasunod lang ng naunang awitin. Ang "Flying Without Wings" ay kabilang sa soundtrack ng pelikula ng Warner Brothers na Pokémon: The Movie 2000. Ang kanilang unang album, na may simpleng pamagat na Westlife, ay inilabas noong Nobyembre 1999 at umakyat sa Numero 2 sa UK. Ang album ang pinakamataas ang ibinagsak sa talaan sa nangungunang 40 sa kasaysayan ng musika sa UK, nang tumalon ito sa ika-58 linggo nito sa mga talaan mula sa Numero 79 patungong Numero 3 bago bumagsak sa Numero 37 noong sumunod na linggo.

Noong Disyembre 1999, ang ikaapat at double-side na isahang awit ay inilabas, ang "I Have A Dream"/"Seasons in the Sun". Inagaw nito ang numero unong puwesto mula sa awitin ni Cliff Richard na "The Millennium Prayer" at nakuha ang unang puwesto noong Kapaskuhan ng 1999 sa UK.[7][8] Ang ikalima at huling isahang awit mula sa album, ang "Fool Again", ay nakaabot din sa #1.[9] Matapos ay nagkaroon ang grupo ng maikling paglalakbay sa UK, Estados Unidos,[10] at Asya upang suportahan ang kanilang paunang album bago maglabas ng ikalawang album.

Coast to Coast at World of Our Own (1999–2001)

baguhin

Ang Coast to Coast ay inilabas makalipas ang isang taon at naging isa na namang Numero Unong album sa UK, na tumalo sa album ng Spice Girls na Forever. Naging ikaapat na pinakamabiling album ito sa bansa noong 2000.[11][12] Ang album ay pinangunahan ng isang dalawahang-tinig (duet) kasama si Mariah Carey na umaawit ng klasikong awitin ni Phil Collins na "Against All Odds (Take a Look at Me Now)" at ang orihinal na awiting "My Love" (ang kanilang ikalawang gantimpala mula sa Record of the Year). Parehong umabot sa Numero Uno ang mga awitin sa mga talaan sa UK.[13][14] Dahil sa mga ito, nakabura ng di-inaasahang rekord ang Westlife bilang may pinakamaraming sunud-sunod ng numero unong isahang awit sa UK, kung saan ang kanilang unang pitong isahang awit nito'y nag-umpisang numero uno. Subalit noong Disyembre 2000, nabigo silang makopo ang ikawalo nila sanang numero unong isahang awit, nang ang kanilang awiting inilabas lamang sa UK at Irlanda na "What Makes A Man" ay tinalo ng paborito ng mga bata na "Can We Fix It" ni Bob The Builder, at siyang kinoronahang nangunang isahang awit sa Kapaskuhan ng taong iyon.[15] Sa labas ng UK at Irlanda, nagtagumpay rin sa mga listahan ang mga awiting "I Lay My Love on You" at "When You're Looking Like That." Noong 2001, inilunsad nila ang kanilang unang pandaigdigang paglalakbay, ang "Where Dreams Come True Tour," mas kilala sa palayaw nitong "The No Stools Tour" dahil sa reputasyon ng grupo na magtanghal habang nakaupo sa mga silya.[6][16]

Inilabas ng Westlife ang World of Our Own, ang kanilang ikatlong album, noong Nobyembre 2001. Ang mga awiting "Uptown Girl", "Queen of My Heart" at "World of Our Own" ay inilabas bilang mga isahang awit, lahat ay umakyat sa Numero 1 sa UK.[17][18][19] Ang "Bop Bop Baby" ay inilabas din bilang isahang awit, subalit umabot lamang ito sa Numero 5 sa Talaan ng mga Isahang Awit sa UK (UK Singles Chart). Noong 2002, tumulak ang Westlife sa kanilang ikalawang pandaigdigang paglalakbay, ang World of Our Own Tour (In The Round).[6]

Unbreakable, Turn Around, at paglisan ni McFadden (2002-04)

baguhin

Naglabas ang grupo ng ikalabing-isa nilang numero unong isahang awit sa UK, ang "Unbreakable", noong 2002.[20] Sa gitna ng mga bali-balitang sila'y mabubuwag na, inilabas ng Westlife ang kanilang unang album ng pinakamahuhusay na awitin (greatest hits album) noong Nobyembre ng kaparehong taon na pinamagatang Unbreakable - The Greatest Hits Vol. 1, na humarurot agad patungong Numero Uno sa UK. Ang paglalabas ay sinundan ng double-side na na isahang awiting "Tonight/Miss You Nights", na nag-umpisa sa Numero 3 sa UK.[21] Sa panahong iyon, gumawa ang Because Films Inspire ng isang dokumentaryong pang-TV na pinamagatang "Wild Westlife", sa direksiyon ni Iain MacDonald at pinagbidahan ng grupo, na nagtatampok sa kanilang pang-araw-araw na buhay bilang mga musikero at ang kanilang mga karanasan sa paglalakbay.[22] Noong 2003, lumarga ang Westlife sa kanilang ikatlong pandaigdigang paglalakbay, ang The The Greatest Hits Tour na siyang nagpatahimik sa mga bali-balitang sila'y mabubuwag na.[23]

Noong Setyembre 2003, inilabas ng Westlife ang "Hey Whatever," na umakyat hanggang sa ikaapat na puwesto sa mga Talaan sa UK.[24] Ang kanilang ikaapat na studio album, ang Turnaround, ay inilabas naman noong Nobyembre, na nagbigay sa grupo ng panibagong Numero Unong album sa UK. Ang "Mandy," isang rendisyon ng patok na awitin ni Barry Manilow, ay inilabas noong Nobyembre 2003. Ang bersiyon nila ang nagpapanalo sa kanila ng ikatlong gantimpalang Rekord ng Taon, sa loob ng limang taon.[25] Ang kanilang bersiyon ng "Mandy" ay itinuturing din na isahang awit na may pinakamalayong itinalon paitaas (mula pang-200 patungong una) sa kasaysayan ng musika sa UK.[26] Ang "Obvious" naman ay inilabas bilang panghuling isahang awit mula sa album, na nagtala sa #3.

Noong 09 Marso 2004, tatlong linggo lamang bago muling lumarga sa kanilang ikaapat na pandaigdigang paglalakbay, iniwan ni McFadden ang grupo upang maglaan ng mas maraming oras sa kanyang pamilya at gumawa ng mga solong proyekto. Sa araw na iyon, isang press conference ang isinagawa kung saan lahat ng kasapi ng grupo ay naroroon, at bawat isa'y nagbigay ng kanilang mga emosyonal na pahayag. Ang huling pampublikong pagtatanghal ni McFadden bilang bahagi ng Westlife ay sa Powerhouse nightclub na Newcastle upon Tyne noong 27 Pebrero 2004.[27][28] Nang sumunod nito'y nagsimula siya ng kanilang solong karera, at ibinalik ang pagbaybay ng kanyang pangalan patungo sa orihinal nitong "Brian." Inilabas niya ang kanyang unang solong isahang awit, ang "Real To Me," na pumasok sa talaan sa UK sa Numero Uno, at matapos nito'y inilabas niya ang kanyang unang album na Irish Son sa ilalim ng Sony Music.[29] Kinalauna'y naglabas din si McFadden ng marami pang isahang awit, subalit hindi gaanong naging matagumpay.

Hindi lalampas sa isang buwan matapos ang paglisan ni McFadden, tumulak ang grupo sa kanilang "Turnaround Tour". Isang live version ng "Flying Without Wings" mula sa kanilang paglalakbay ang inilabas bilang isang opisyal na awiting maididiskarga (download) sa UK, na nagbigay sa kanila ng titulo ng pinakaunang UK Downloads #1. Noong Setyembre 2004, nagtanghal sila sa World Music Awards, kung saan kinilala sila bilang Pinakamahusay na Mang-aawit na Irlandes noong taong iyon.

Limahan patungong apatan, cover albums, Face to Face at Back Home (2004-07)

baguhin

Naglabas sila ng album na halaw ang inspirasyon sa Rat Pack, ang ...Allow Us to Be Frank, na umabot hanggang sa Numero 3. Walang isahang awit mula rito ang inilabas sa UK. Ang "Ain't That a Kick in the Head", na may katuwang na bidyo-awit (music video), ay inilabas bilang isang pisikal na isahang awit sa ibang mga bansa sa Europa. Ang mga awiting "Smile" at "Fly Me to the Moon," na parehong may mga bidyo-awit, ay inilabas bilang digital downloads lamang.

Bago pa ang paglabas ng album na ...Allow Us to Be Frank, naghanap ang Westlife ng isang "eksaktong tagahanga" upang tulunganng itaguyod ang kanilang album mula sa kanilang isang kapanahunan lamang na espesyal na palabas na She's the One, na pinangunahan ni Kate Thornton.[30] Matapos ang mala-X Factor na estilo ng odisyon, nahanap nila si Joanne Hindley, na nagrekord ng "The Way You Look Tonight" kasama ng grupo.[6] Nagpatuloy ang Westlife na maglakbay sa Europa bilang bahagi ng kanilang "The Number Ones Tour,"[31] bago sila pansamantalang nagpahing ng apat na buwan.

Noong 04 Mayo 2005, natalo ang Westlife sa kanilang laban sa tatak-Europeo (European trademark) mula sa tatak-Aleman na "West."[32]

Noong Oktubre 2005, nagbalik ang Westlife dala ang kanilang isahang awit na "You Raise Me Up," na kinuha mula sa kanilang album na Face to Face. Noong 05 Nobyembre 2005, parehong nasa Numero 1 ang album at ang isahang awit sa UK, at kasabay nito, noong ikalawang linggo ng isahang awit. Ito ang unang pagkakataon na hawak ng Westlife ang numero uno para sa album at sa isahang awit sa iisang linggo lamang.[33][34] Ginawaran ang "You Raised Me Up" bilang kanilang ikaapat na Rekord ng Taon sa UK, para sa taong 2005. Noong Disyembre ng parehong taon, inilabas ng grupo ang "When You Tell Me That You Love Me", isang dalawahang-tinig o duweto (duet) kasama si Diana Ross, bilang kanilang ikalawang isahang awit, at nag-umpisa ito sa pinakamataas nitong posisyong #2.[35] Inilabas naman ng Westlife ang kanilang ikatlong isahang awit, ang "Amazing," na nag-umpisa sa Numero 4 at nagtatak bilang may pinakamababang bentang isahang awit hanggang ngayon.[36] Matapos nito'y lumarga na ang Westlife sa kanilang "Face to Face Tour", at naglakbay sa mas maraming mga lugar sa UK, Irlanda, Australya, at Asya. Tumatak din ang paglalakbay na ito bilang unang beses na naglakbay ang Westlife sa Tsina para sa isang konsiyerto.[37][38]

Noong huling bahagi ng 2006, lumagda ang Westlife ng panibagong limang album na kasunduan sa Sony BMG. Ang kanilang ikawalong album, ang The Love Album, ay isang album na may konsepto ng "pag-ibig" na binubuo ng rendisyon ng mga sikat na awit ng pag-ibig. Naungusan ng album ang iba pang compilation albums ng Oasis, The Beatles, at U2 sa unang linggong labas nito at tumungo agad sa Numero 1. Ang kanilang unang isahang awit mula sa The Love Album ay isang rendisyon ng klasiko ni Bette Midler na "The Rose," na kanilang naging ika-14 na Numero 1 isahang awit sa UK.[39]

Ito ang dahilan upang ang Westlife ay maging ikatlong mang-aawit (kasama si Cliff Richard) sa UK na nagkaroon ng pinakamaraming Numero 1 isahang awit, kasunod lamang nina Elvis Presley (na may 21) at The Beatles (na may 17). Tumulak naman ang Westlife sa kanilang ikawalong pandaigdigang paglalakbay, ang "The Love Tour," sa Perth, Australya.[40] Matapos ay nagtungo naman ang grupo sa iba pang mga lungsod sa Australya bago tumuloy sa Timog Aprika, sa UK, at sa Irlanda.

Noong 05 Nobyembre 2007, inilabas ng Westlife ang kanilang ikasiyam na album, ang Back Home, na naglalaman ng siyam na bago't orihinal na mga awit kasama ang tatlong awit na bersiyon nila. Nag-umpisa ang album sa Numero 1 sa mga Talaan ng Musika sa UK at ito rin ang ikalimang naging pinakamabiling album sa UK noong 2007.[41] Ang unang isahang awit na inilabas mula sa album ay isang rendisyon ng awitin ni Michael Bublé na "Home," na nakaabot hanggang sa Numero 3 sa UK.[42][43] Ang "I'm Already There," na hindi naman inilabas bilang isahang awit, ay naitala rin sa UK batay lamang sa mga download, kasunod ng isang pagtatanghal sa isang kabanata ng The X Factor.

Noong 15 Disyembre 2007, nagkaroon sila ng dalawang oras na palabas na tinawag na The Westlife Show kung saan itinanghal nila ang sampu sa kanilang mga awitin, na ang ilan ay ibinoto online ng mga tagahanga at ng ilan mula sa Back Home. Pinangunahan ito ni Holly Willoughby.[44] Ilang buwan makalipas, inanunsiyo ang "Us Against the World" at ilnilabas bilang kanilang ikalawang isahang awit sa UK at Irlanda. Bago ang paglalabas ng ikalawang isahang awit, lumarga sila sa Back Home Tour noong 25 Pebrero 2008. Ang paglalakbay na ito ang naging unang pagkakataon ng Westlife na makapaglakbay sa New Zealand, at nagtanghal ng apat na napakyaw (sold-out) na mga palabas sa Auckland, Wellington, New Plymouth at Christchurch. Samantala, ang "Something Right" ay inilabas bilang ikalawang isahang awit at ang "Us Against the World" ay naging ikatlong isahang awit sa Europa at sa rehiyong Asya-Pasipiko. Parehong naitala ito sa magagandang posisyon sa ilang mga talaan sa musika.

Ibinunyag ng Music Week sa kanilang websayt na ang Westlife ang opisyal na ikatlong nangungunang naglalakbay na mga mang-aawit sa mga taong 2005-2008, habang sila naman ang ikapitong nangungunang naglalakbay na mga mang-aawit ng taong 2008.[45]

Ika-10 anibersaryo at pamamahinga (2008–09)

baguhin

Upang ipagdiwang ang kanilang ikasampung taon sa musika, nagsagawa ng espesyal na palabas ang Westlife, ang "Sampung Taon ng Westlife" (10 Years of Westlife), isang napakyaw na konsiyerto na ginanap sa ikatatlumpu't tatlong pinakamalaking stadium sa mundo at ikaapat naman sa Europa, ang Croke Park noong 01 Hunyo 2008. Si Shayne Ward ang naging suportang akto (supporting act) para sa konsiyerto, na inilarawan ni Egan na isang "pop extravaganza". Kinumpirma ni Filan na isang katuwang na DVD ng live na konsiyerto ang ilalabas. Inanunsiyo ng grupo na sila'y mamamahinga ng isang taon matapos ang kanilang Back Home Tour at wala munang ilalabas na album sa 2008 dahil nais nilang bigyan ng mas mahabang oras ang paggawa ng kanilang ikasampung album. Tulad ng naipangako, kinumpirma ng opisyal na websayt ng grupo noong 27 Setyembre 2008 ang paglalabas ng DVD sa 24 Nobyembre 2008 na pinamagatang 10 Years of Westlife – Live at Croke Park Stadium na dumiretso sa Numero 1 sa mga Talaang DVD Pangmusika ng UK, Irlanda, Timog Aprika, Hong Kong, at New Zealand.

Sa pagtatapos ng isa pang matagumpay na paglalakbay ng grupo, inanunsiyo ni Louis Walsh sa palabas na Xpose na ang 1 Hulyo 2008 ang magiging opisyal na simula ng pinakamahabang pamamahinga ng grupo. Sinabi niyang tatagal ito ng isang taon, mula sa araw na iyon hanggang sa 1 Hulyo 2009. Noong 13 Disyembre 2008, habang nakapahinga, nagsagawa ng di-inaasahang paglabas ang Westlife sa Huling Gabi ng Pagtatanghal ng X Factor nang kanilang awitin ang "Flying Without Wings" kasama ang grupong JLS. Matapos nito'y kinapanayam sina Filan at Byrne sa The Xtra Factor kasama sina Ronan Keating at Stephen Gately ng Boyzone. Dahil sa pag-awit din ng JLS ng "I'm Already There," muling pumasok ang bersiyon nito ng Westlife sa Talaan ng mga Isahang Awit sa UK sa Numero 63 samantalang ito'y isang bagong pasok sa Talaan ng mga Isahang Awit sa Irlanda sa Numero 47 dahil lamang sa malawak na pagdiskarga (download) nito. Sa huling linggo ng Enero 2009, isang DVD na pinamagatang The Karaoke Collection ang inilabas. Naglaman ito ng ilan sa mga patok nilang mga bidyo-awit. Sa 27 Pebrero 2009 na tomo ng magasing Herald Ireland, ibinunyag ni Louis Walsh na nakapili na si Simon Cowell ng tatlong bagong mga awiting sa tingin niya'y magiging patok. Noong 18 Marso 2009, nanalo ang Westlife para sa Pinakamahusay na Mang-aawit na Pop na Irlandes sa Gantimpalang Bulalakaw ng 2009 (2009 Meteor Awards) sa ikasiyam na magkakasunod na pagkakataon.

Where We Are at Gravity (2009–10)

baguhin

Ang kanilang ikasampung album, ang Where We Are, ay inilabas noong 30 Nobyembre 2009 sa Nagkakaisang Kaharian at umabot hanggang sa ikalawang puwesto sa parehong Talaan ng mga Album sa UK at Irlanda. Ang bagong isahang awit, ang "What About Now," ay inilabas nang mas maaga ng ilang linggo noong 23 Oktubre 2009, kung saan maaaring mabili ang digital downloads nito isang araw bago ito ilabas. Ang nasabing isahang awit ay umabot hanggang sa #2 sa parehong Talaan ng mga Isahang Awit sa UK at Irlanda. Nakakuha ng kasikatan ang orihinal na bersiyon ng Daughtry sa mga odisyon ng The X Factor bago pa ang paglabas nito ng Westlife. Naging bahagi rin sila ng isahang awit pangkawanggawa (charity single) para sa Haiti noong unang bahagi ng 2010 sa awiting "Everybody Hurts", isang bersiyon ng R.E.M. na inorganisa ni Cowell. Ang paglalakbay para itaguyod ang album ay tinawag na "The Where We Are Tour". Ang album-bidyo (video album) para sa paglalakbay ay inilabas sa pormang DVD at Blu-ray noong 29 Nobyembre 2010. Ang ikalabing-isang album ay inirekord at nilinang ng manunulat ng mga awit at produsyer na si John Shanks sa Londres at Los Angeles at pinrodyus sa kabuuan ni Shanks.

Noong 14 Nobyembre 2010, ang isahang awit na "Safe" ay inilabas. Nag-umpisa ito sa Talaan ng mga Isahang Awit sa UK noong 21 Nobyembre sa ika-10 puwesto, na nagbigay sa grupo ng kanilang ika-25 isahang awit na nasa Nangungunang Sampu sa Nagkakaisang Kaharian. Ito rin ang kanilang pangunahing isahang awit na nagtala ng pinakamababang puwesto sa bansa. Ang bagong album na may pamagat na Gravity ay inilabas noong 22 Nobyembre 2010. Tumungo ito sa unang puwesto sa Irlanda at ikatlo naman sa UK. Noong Marso 2011, sinimulan na nila ang kanilang ikalabing-isang malakihang lakbay-konsiyerto, ang Gravity Tour. Ang paglalakbay na ito ang nagmarka sa grupo na unang beses nilang naglakbay patungong Oman, Namibia, Guangzhou at Vietnam upang magkonsiyerto.

Pinangalanan ang Westlife bilang ikaapat na pinakamasipag na alagad ng musika sa UK ng PRS noong 2010. Noong Agosto 2011, naiulat sa pahayagang Irish Examiner na ang mga kinita ng banda'y lumaki nang limang ulit noong 2010.

Greatest Hits at paghihiwa-hiwalay (2011-12)

baguhin

Noong 14 Marso 2011, kinumpirma ng Westlife na iniwan na nila si Cowell matapos ang 13 taon at ang kanyang record label na Syco Music makalipas ang siyam na taon. Itinurong dahilan ng grupo ang pasiya ng Syco na hindi ilabas ang kanilang ikalawang isahang awit mula sa Gravity. Naramdaman naman ni Byrne na dahilan ito kaya hindi na sila napagtutuunan ng pansin. "Pumirma kami kay Simon noong 1998 at napakahusay niya, pero heto't dumating ang The X Factor at American Idol. Si Simon mismo'y naging kilala at ang kanyang mga interes ay patungo sa iba kaysa sa Westlife. Pakiramdam nami'y hindi na kami napagtuunan ng pansin ni Simon Cowell, kung magiging matapat ako. Naroon naman iyon (todo suporta) kay Simon pero naging abala siya masyado kaya't nagagawa ang ilang mga bagay nang madalian, eh ang kailangan namin ay 'yung taong nariyan palagi."[46] Matapos bumalik sa RCA Records nang full-time para sa pang-isang taon na kontratang album, inanunsiyo nilang ang kanilang album na Greatest Hits ay ilalabas sa 21 Nobyembre 2011. Nag-umpisa itong #1 sa Irlanda at #4 sa UK. Ang una at isahang awit, ang "Lighthouse," ay inilabas noong 14 Nobyembre 2011.

Noong Oktubre 2011, pinabulaanan ni Kian Egan ang mga haka-hakang muling magiging kabahagi nila si Brian McFadden para sa isang palabas pantelebisyon. Sinabi ni Egan na: "Lahat ng tsismis hinggil sa pagbabalik ni Brian sa Westlife ay hindi totoo. Kami ay apatan na sa loob ng mahabang panahon. Mahal namin si Brian pero hindi iyon mangyayari. Kasama na ro'n ang kahit anong mga paglabas sa TV." Sa paglabas ng panibagong compilation album, lumabas ang mga espekulasyong muling magsasagawa ng isang paglalakbay ang Westlife para sa kanilang mga pinakapatok na mga awitin. Nakatakda nilang pangunahan ang ChildLine Concert sa Dublin noong 12 Nobyembre 2011 at magkakaroon ng isa pang eksklusibong konsiyerto sa O2 Blueroom, sa Dublin din noong 24 Nobyembre.

Isang paglalakbay sa UK ang unang opisyal na inanunsiyo noong 18 Oktubre 2011, na may mga petsang kinumpirma para sa Mayo 2012 at ito'y pinamagatang The Greatest Hits Tour o The Farewell Tour. Ang nasabing paglalakbay ay napakyaw nang ilang minuto lamang. Idinagdag ng Stereoboard.com na: "Matapos ang malaking pagdagsa, naubos agad-agad ang mga tiket para sa paglalakbay ng Westlife sa Mayo 2012 dahil sa pagdagsa ng mga tagahanga sa Internet upang subukang makakuha ng mga tiket para sa mga huling pagtatanghal ng maalamat na Irlandes na boyband." Bilang bahagi nito, kinomisyon ng ITV ang isang di-pangkaraniwang isang beses lamang na espesyal na pagtatanghal ng musika na magmamarka sa huling paglabas ng Westlife sa telebisyon sa kanilang pag-akyat sa entablado upang awitin ang ilan sa kanilang pinakasikat na mga kanta; ito ay pinamagatang "Westlife: For the Last Time". Isa pang palabas na pinamagatang "The Westlife Show: Live", ay isinahimpapawid mula sa Studio One ng London Studios sa parehong channel noong 1 Nobyembre 2011. Matapos ay nagkaroon sila ng live guesting sa The Late Late Show.

Noong 19 Oktubre 2011, opisyal na inanunsiyo ng Westlife na sila'y maghihiwa-hiwalay na matapos ang kanilang album na Greatest Hits at ng kanilang lakbay-konsiyerto ng pamamaalam (farewell concert tour).

Makalipas ang 14 na taon, 26 na patok na awiting nasa nangungunang sampu kasama ang 14 na numero unong isahang awit, 11 album na nasa nangungunang lima, 7 rito ay nasa unang puwesto at sa kabuua'y nakapagbenta ng mahigit 44 na milyong kopya sa buong mundo, 10 napakyaw na mga paglalakbay at di-mabilang na mga alaalang pahahalagahan namin kailanman, ipinahahayag namin ngayon ang aming balak na maghiwa-hiwalay na ng landas matapos ang aming koleksiyon ng mga pinakamahuhusay na awitin sa darating na Pasko at sa aming lakbay-pamamaalam sa susunod na taon. Ang desisyon ay mapayapa sa kabuuan at matapos ilaan ang aming buong buhay-pagtanda nang magkakasama hanggang ngayon, nais naming magkaroon ng pamamahingang nakamit na namin at maghanap ng mga bagong pagkakaabalahan. Nakikita namin ang mga koleksiyon ng mga pinakamahuhusay na awitin at ang lakbay-pamamaalam bilang isang tumpak na pamamaraan upang ipagdiwang ang aming di-mapapantayang karera kasama ang aming mga tagahanga. Hinahangad na naming makapaglakbay at makita ang aming mga tagahanga sa huling pagkakataon.

Sa pagdaan ng mga taon, ang Westlife ay naging higit pa sa isang banda para sa amin. Ang Westlife ay isang pamilya. Nais naming pasalamatan ang aming mga tagahanga na naging kasama namin sa kahanga-hangang paglalakbay na ito at naging bahagi na rin ng aming pamilya. Hindi namin inakala nang magsimula kami noong 1998 na makalipas ang 14 na taon, kami ay nagrerekording pa, naglalakbay, at naglalabas ng mga patok na awitin nang magkakasama. Isa itong panaginip na nagkaroon ng katuparan para sa aming lahat.

Kian, Mark, Nicky at Shane[47]

Inilarawan nila ang kanilang pagkakabuwag bilang "mapayapa" (amicable) at nais nila ng isang "nakamit na pamamahinga" (well-earned break).[48][49][50] Gayunpaman, sa mga kinalaunang ulat mula sa Daily Record sinabi na nagkaroon ng "di-maiayos na alitan" sa loob ng banda,[51] subalit itinanggi ito ng isang malapít sa banda na nagsabing: "Walang masamang tinapay sa banda, magkakaibigan pa rin sila. Pero lahat ng magagandang bagay ay nagtatapos din at gusto na nilang magkanya-kanya ng gawain."[52] Kinalaunan, itinanggi rin ito ng banda at tinawag ang pagbuwag bilang isang "napagkasunduang pasiya."[53] Isang mas malawak na kuwento sa likod ng pagbuwag ang isinalaysay ng Daily Mail.[54] Isang ikalawang pahayag ang inilabas sa pamamagitan ng kanilang opisyal na sityo, na nagsasabing ang kanilang mga tagahanga'y nananatiling kanilang pinakamatibay na suporta.[55][56]

Inilarawan ng ilang mga tagahanga sa mga social network ang kanilang sarili na tila sila'y "nawasak" (devastated) matapos lumabas ang ulat tungkol sa kanilang pagkabuwag.[57][58] Hinulaan ng ilang midya ang isang posibleng muling pagsasama-sama ng banda sa hinaharap,[50] subalit tinapos ng Westlife ang haka-hakang iyon at nangakong hindi na sila muling mabubuo.[59]

Isinagawa ng banda ang kanilang pinal na konsiyerto noong 23 Hunyo 2012 sa Croke Park Stadium sa Dublin, Irlanda. Napakyaw ang 82,000 kapasidad ng palabas sa loob lamang ng 5 minuto. Dahil sa matinding paghingi, isa pang petsa ang idinagdag sa Croke Park noong 22 Hunyo 2012.[60] Ipinalabas din nang live ang kanilang pinal na konsiyerto sa mahigit 200 sinehan sa buong mundo sa buong UK, Irlanda, Australya, Belhika, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, Alemanya, Indonesia, Malta, Mexico, Netherlands, Norway, Poland, Slovakia, at Timog Aprika.[61]

Tatlong buwan matapos silang mabuwag, ibinunyag ni Byrne na nagkakaroon ng alitan ang isa't isa sa banda nitong mga huling taon ng banda, na nagbunsod sa kanilang maghiwa-hiwalay na at pakiramdam niya'y panahon na upang magkanya-kanya na sila.[62]

Estilong pangmusika

baguhin

Sa paglipas ng mga taon sa kanilang larangan, nagbago ang musika ng Westlife, mula sa pagiging teen pop hanggang sa tunog pop, at maging sa blues na may diin sa mga ballad. Itinuturing ng banda ang kanilang sarili bilang isang bandang pop na nagrerekord ng mga awiting pop na kung minsa'y binubuo ng mga ballad at mga awiting pag-ibig (love songs). Nakilala ang Westlife sa kanilang mga teen pop na awitin noong kanilang mga unang taon na may mabagal, katamtaman, at masiglang mga awitin. Kabilang sa mga album nilang kilala sa pagkakaroon ng tunog teen pop ay ang Westlife, Coast to Coast, World of Our Own at Turnaround. Habang dumaraan ang mga taon, sinubukan nila ang ibang mga uri gaya ng jazz at big band gaya ng makikita sa album nilang Allow Us to Be Frank noong 2004, at uring pop-rock noong 2009 sa kanilang album na Where We Are. Habang tumatagal, sinubukan naman nila ang adult contemporary, na higit na makikita sa kanilang cover album na The Love Album. Makikita rin ang kanilang mga matured na mga awiting pop sa kanilang mga LP, Face to Face at Back Home, at Gravity na album. Sagot ni Filan noong sila'y tinanong hinggil sa radikal na pagbabago sa kanilang musika: "Nagbago talaga kami – nagkaroon ng pagbabago sa musika namin pero hindi naman biglaan. Hindi magbabago nang basta na lang ang Westlife, pero sa tingin ko mas nagiging kapana-panabik kami, naiiba, at mas katutuwaan ng mga tagahanga."[63]

Noong nag-uumpisa pa lamang sila, kalimitang laman ng kanilang musika ay hinggil sa pag-ibig at mga awiting nagbibigay-inspirasyon, subalit habang tumatagal, kinukuha nila ang pagkakataong magkaroon ng mga awiting mula sa mga pang-araw-araw na karanasan ng isang tao sa buhay. Karamihan sa mga patok na awitin ng grupo'y isinulat ng mga may karanasan nang manunulat ng mga awit, partikular na sina Steve Mac at Wayne Hector.

Mga pakikipagtrabaho

baguhin

Nakasama ng grupo ang ilan sa mga tinitingalang mang-aawit katulad nila Mariah Carey (Against All Odds (Take a Look at Me Now)), Lulu (Back at One), Joanne Hindley (The Way You Look Tonight), Diana Ross (When You Tell Me That You Love Me), Donna Summer (No More Tears (Enough Is Enough)) at Delta Goodrem (All Out Of Love). Nakipagtrabaho rin sila sa The Vards (If I Had Words), sa artistang taga-Indonesia na si Sherina (I Have A Dream), at kay Amr Diab (My Love). Nirekord din ang mga awitin at isinama sa iba't ibang mga album. Noong 2002, muling nirekord ng Westlife ang sikat na "Flying Without Wings" kasama ang Mehikanong mang-aawit na si Cristian Castro, at kasama ang Koreanong mang-aawit na si BoA bilang dalawang hiwalay na duweto.

Nagtanghal na rin ang Westlife ng mga live duet kasama ang marami pang ibang mang-aawit gaya nina: Sinéad O'Connor (Silent Night), Donny Osmond (Crazy Horses), Mariah Carey (Never Too Far/Hero Medley), Secret Garden (You Raise Me Up), Lionel Richie (Easy), Ronan Keating (The Dance), Dolores O'Riordan ng The Cranberries (Little Drummer Boy), Roy Orbison (Pretty Woman), Delta Goodrem (All Out of Love), Raymond Quinn (That's Life), Leehom Wang (You Raise Me Up), Mary Black (Walking in the Air), Kevin Spacey (Fly Me to the Moon), Do ("Heaven"), Boyzone (No Matter What), Various artists "All-Stars" (That's What Friends Are For; Merry Christmas Everybody; I Wish It Could Be Christmas Everyday), at maging sa kanilang mga ama (That's Life). Nagtanghal din sila bilang mga panauhing bituin (guest star) kasama ang mga dating kalahok sa X Factor gaya ng JLS kung saan inawit nila ang sikat na 'Flying Without Wings.'

Piling diskograpiya

baguhin

Mga album

baguhin
Bilang Taon Album Tsart
Nagkakaisang Kaharian
Tsart
Irlanda
Sertipikasyon sa
Nagkakaisang Kaharian
1 1999 Westlife 2 1 4x Platinum
2 2000 Coast To Coast 1 1 5x Platinum
3 2001 World Of Our Own 1 1 4x Platinum
4 2002 Unbreakable - The Greatest Hits Vol. 1 1 1 4x Platinum
5 2003 Turnaround 1 1 2x Platinum
6 2004 Allow Us To Be Frank 3 1 2x Platinum
7 2005 Face To Face 1 1 4x Platinum
8 2006 The Love Album 1 1 3x Platinum
9 2007 Back Home 1 1 3x Platinum
10 2009 Where We Are 1 1 -

Mga Numero Unong Isahang Awit sa UK

baguhin
Bilang Petsa ng Paglabas Awitin Album Linggo
1 12 Abril 1999 Swear It Again Westlife 2
2 09 Agosto 1999 If I Let You Go Westlife 1
3 18 Oktubre 1999 Flying Without Wings Westlife 1
4 06 Disyembre 1999 I Have A Dream/Seasons In The Sun Westlife 4
5 27 Marso 2000 Fool Again Westlife 1
6 18 Setyembre 2000 Against All Odds (Take a Look at Me Now) Coast To Coast 2
7 30 Oktubre 2000 My Love Coast To Coast 1
8 26 Pebrero 2001 Uptown Girl Coast To Coast 1
9 05 Nobyembre 2001 Queen of My Heart World Of Our Own 1
10 18 Pebrero 2002 World Of Our Own World Of Our Own 1
11 04 Nobyembre 2002 Unbreakable Unbreakable - The Greatest Hits Vol. 1 1
12 17 Nobyembre 2003 Mandy Turnaround 1
13 24 Oktubre 2005 You Raise Me Up Face To Face 2
14 06 Nobyembre 2006 The Rose The Love Album 1

Mga Sanggunian

baguhin

Maliban kung tuwirang tutukuyin, ang lahat ng mga sanggunian ay orihinal na nakasulat sa wikang Ingles. Isinalin ang mga bahagi ng pinagkunang pahinang web batay sa konsepto at pagkakaunawa ng mga sumulat ng artikulo.

  1. Nathan Kay (11 Abril 2011). "EXCLUSIVE: Westlife Interview". Ahlan Live.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "The Official Singles Charts' biggest selling artists of all time revealed!". The Official Charts Company. UK. 04 Hun 2012. Nakuha noong 30 Nob 2014. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  3. "Certified Awards". Bpi.co.uk. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Pebrero 2013. Nakuha noong 06 Abr 2014. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  4. "The Official Top 20 biggest selling groups of all time revealed!". Officialcharts.com. Nakuha noong 06 Abr 2014. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  5. Cowell, Simon (2003). I Don't Mean to Be Rude, But... Broadway Books. ISBN 0-7679-1741-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 "Westlife on GMTV". GMTV. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-27. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Westlife, Shania Top UK. Christmas Charts". Billboard. Nielsen Business Media, Inc. 20 Dis 1999. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Sexton, Paul (10 Ene 2000). "Westlife Tops UK Singles Chart For 4th Week". Billboard. Nielsen Business Media, Inc. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Sexton, Paul (3 Abr 2000). "Westlife Go Five For Five On UK Singles Chart". Billboard. Nielsen Business Media, Inc. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Radio Concert Monitor | Billboard | Professional Journal archives from". AllBusiness.com. Nakuha noong 13 Okt 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Westlife Outlasts Spice Girls in UK Chart War". Billboard. 13 Nob 2000. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Platinum Awards". British Phonographic Industry. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-27. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Westlife Defy The 'Odds' On UK Singles Chart". Billboard charts. 25 Set 2000. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Westlife Continues UK Singles Chart Monopoly". Billboard charts. 6 Nob 2000. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Bob The Builder Ends Westlife's UK Chart Run". Billboard charts. 26 Dis 2000. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Westlife – Where Dreams Come True [2001]". Amazon UK. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Sexton, Paul (12 Mar 2001). "Westlife Return To Form On UK Singles Chart". Billboard charts. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Sexton, Paul (12 Nob 2001). "Westlife, Steps Top UK Charts". Billboard charts. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Sexton, Paul (19 Nob 2001). "Boy Bands Crowd UK Charts". Billboard charts. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Sexton, Paul (11 Nob 2002). "Westlife, Blue Top UK Charts". Billboard charts. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Sexton, Paul (31 Mar 2003). "Linkin Park, Room 5 Crash Into UK Charts". Billboard charts. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "BFI | Film & TV Database | WILD WESTLIFE (2002)". Ftvdb.bfi.org.uk. 16 Abr 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-24. Nakuha noong 13 Okt 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Westlife: The Greatest Hits Tour (2003)". Yahoo Music. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Sexton, Paul (22 Set 2003). "Darkness, Black Eyed Peas Lead UK Charts". Billboard. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Sexton, Paul (1 Dis 2003). "Young, Westlife Top UK Charts". Billboard. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Record Breakers and Trivia: Singles: Individual Hits: Number 1s". EveryHit. Nakuha noong 21 Mar 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Boy-band Westlife become foursome". BBC News. 9 Mar 2004. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Westlife – Greatest Hits Tour [2004]". Amazon UK. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Real To Me by Brian McFadden". Yahoo! UK. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Oktubre 2007. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "BFI | Film & TV Database | WESTLIFE SHE'S THE ONE (2004)". Ftvdb.bfi.org.uk. 16 Abr 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-02-22. Nakuha noong 13 Okt 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Westlife – The No.1's Tour (2005)". Amazon UK. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Headline News". Euobserver.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Enero 2012. Nakuha noong 13 Okt 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. "Westlife celebrate chart double". BBC News. 7 Nob 2005. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Sexton, Paul (31 Okt 2005). "Westlife, Robbie Williams Top UK Charts". Billboard. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. Sexton, Paul (19 Dis 2005). "Obscure Duo Nizlopi Tops UK Singles Chart". Billboard. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. Sexton, Paul (27 Peb 2006). "Madonna, Jack Johnson Take Lead On UK Charts". Billboard charts. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. "China youth prefer Westlife to politics". NineMSN. 17 Hul 2006. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-21. Nakuha noong 23 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Live at Wembley: Face To Face Tour 2006". HMV. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Sexton, Paul (13 Nob 2006). "Westlife, Jamiroquai Assume Control of UK Charts". Billboard. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "Love Westlife?". GMTV. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-23. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Sexton, Paul (12 Nob 2007). "Leona Lewis, Westlife Lead UK Charts". Billboard. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "The UK Top 40 Singles". BBC Radio 1. Nakuha noong 22 Dis 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Wemyss, Euan (12 Nob 2007). __Music__Westlife_video_interview_20071105 "Westlife: Pop's not dead!". STV. Nakuha noong 22 Dis 2007. {{cite web}}: Check |url= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  44. "The Westlife Show Live – Saturday 15 December". Tvthrong.co.uk. 15 Dis 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-04-06. Nakuha noong 13 Okt 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. Cardew, Ben. "Spice Girls top UK live league". Music Week. Nakuha noong 13 Okt 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Westlife - Westlife Felt 'Unloved' By Cowell". contactmusic.com. 13 Abr 2011. Nakuha noong 20 Nob 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "After 14 Years..." 19 Okt 2011. Nakuha noong 13 Ago 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Westlife to split after 14 years". BBC News. 19 Okt 2011.
  49. "Westlife announce split after 14 years together". The Daily Telegraph. 19 Okt 2011.
  50. 50.0 50.1 Jonze, Tim. "Westlife to split after 14 years". The Guardian. 19 Okt 2011.
  51. "Westlife blame 'irreparable rift' as they split after 14 years", Daily Record, 20 Okt 2011.
  52. "Westlife: It's over". gulfnews. 24 Okt 2011. Nakuha noong 12 Nob 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. "Westlife deny band rift rumours after split announcement – Music News". Digital Spy. 25 Okt 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Nobiyembre 2011. Nakuha noong 12 Nob 2011. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  54. Murphy, Eoin (23 Okt 2011). "The feuding, fights and fatigue that split Westlife after 14 years at the top". Daily Mail. London. Nakuha noong 12 Nob 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Official News (GLOBAL) – Statement From". Westlife. 25 Okt 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-27. Nakuha noong 12 Nob 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Statement From Westlife". 25 Okt 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-27. Nakuha noong 13 Ago 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  57. "Westlife announce that they are to split". Digitaljournal.com. Nakuha noong 12 Nob 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Lifelong fan Laura Butler on the day the music died as Westlife called it quits"[patay na link], herald.ie, 20 Okt 2011.
  59. "Westlife rule out future comeback tour". RTÉ. 4 Nob 2011.
  60. "Westlife sell out show in record breaking time and add date". Music-News.com. 22 Hun 2012. Nakuha noong 15 Ago 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  61. "WESTLIFE – THE FAREWELL CONCERT: Saturday, June 23rd". Westlifecinema.com. 23 Hun 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2012. Nakuha noong 15 Ago 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. "Nicky Bryne reveals secrets of Westlife 'hell' split". London: The Sun. 18 Set 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-18. Nakuha noong 19 Set 2012. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. Lucas, Becky (04 Abr 2011). "Shane from Westlife interview: Boyband frontman talks about getting engaged in Dubai". Time Out Abu Dhabi. ITP Digital Ltd. Nakuha noong 30 Nob 2014. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)

Mga panlabas na kawing

baguhin