Mga Ibatan

pangkat etniko sa Batanes

Ang mga Ivatan o Ibatan ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas. Matatagpuan lamang sila sa tatlo sa sampung islang bumubuo sa Batanes-ang Itbayat, Batan, at Sabtang.

Mga Ivatan
Ibatan
Isang batang Ibatan.
Kabuuang populasyon
37,657[1]
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 Pilipinas
(Batanes)
Wika
Ivatan, Ilocano, Tagalog, English
Relihiyon
Christianity (predominantly Roman Catholicism),
minority also, ancestral worship
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Taiwanese aborigines, Ilocanos, other Austronesian peoples

Pagsasaka at pangingisda ang pangunahin nilang ikinabubuhay. Ang mga produkto nila ay mga halamang-ugat tulad ng patatas, gabi, kamote, ube, at bawang. Nagluluwas din naman sila ng baka at bawang.

Naniniwala ang mga Ivatan sa ilang pamahiin. Ayon sa kanila, ang kaluluwa ng mayayaman ay napupunta sa langit at nagiging bituin, samantalang ang mahihirap ay gumagala sa mundo bilang mga espiritu. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay kaya pinababaunan nila ang kanilang mga patay ng ilang kagamitan.

Ang mga Ivatan ay naninirahan sa mga bahay bato, kung saan protektado sila mula sa ulan, init, hangin at iba pang maaring panganib na dala ng dalawang panahon sa Pilipinas.

Sanggunian

baguhin
  1. "2010 Census of Population and Housing, Report No. 2A: Demographic and Housing Characteristics (Non-Sample Variables) - Philippines" (PDF). Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 19 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.