Israel Finkelstein

Si Israel Finkelstein (kapanganakan: 1949) ay isang Israeling arkeologo at akademiko. Siya ay kasalukuyang propesor na Jacob M. Alkow ng Arkeolohiya sa Panahong Tanso at Panahong Bakal sa Tel Aviv University at kapwa direktor ng mga paghuhukay sa Megiddo sa Hilagang Israel. Sa nakaraan, siya ay nagsilbing direktor ng Sonia and Marco Nadler Institute of Archaeology sa Tel Aviv University mula 1996-2002.[1] Kanyang natanggap noong 2005 ang Dan David Prize.[2]

Israel Finkelstein, 2007

Siya ay ipinanganak sa Petah Tikva, Israel at nagtapos ng kanyang edukasyon sa Tel Aviv University na sumulat ng kanyang Ph.D. thesis tungkol sa mga paghuhukay sa Izbet Sartah kung saan siya rin ang direktor.

Trabaho

baguhin

Si Finkelstein ay may espesyalisasyon sa arkeolohiya sa Gitnang Silangan ng sinaunang kasaysayan sa Israel. Siya ay bumabatikos sa mas naunang henerasyon ng mga skolar na mga relihiyoso na nagbasa ng mga resulta ng mga paghuhukay ng mga ito na nag-aangking ang mga ito ay kumukumpirma sa mga salaysay ng pananakop ng mga Israelita sa Aklat ni Josue.[3] Ang konklusyong ito ng mga relihiyosong arkeologo gaya ni William Albright ay tinutulan ng mga karamihan sa mga kasalukuyang skolar at arkeologo dahil sa mga bagong ebidensiyang arkeolohikal na nahukay ng mga arkeologo sa Israel.[4] Ayon kay Finkelstein, ang Jerusalem sa panahon na nauugnay sa mga haring si David at Solomon ay isa lamang barrio(village) o sentrong pangtribo at hindi isang malawak na kaharian gaya ng binabanggit sa Bibliya.[5][6][7][8]

Ikinatwiran din ni Finkelstein na ang Bibliya ay isinulat mula ika-7 hanggang ika-5 siglo BCE.[9] Sa kabila ng kanyang pagtakwil sa pagiging totoo ng karamihan sa mga salaysay sa Bibliya, naniniwala si Finkelstein na ang "mga bagong pagkakatuklas na arkeolohikal ay hindi dapat sumira sa sariling tradisyon at pagkakalinlan".[5]

Si Finkelstein ay isa ring tagapagtaguyod ng "mababang kronolohiya" na isang rekonstruksiyong arkeolohikal na nagtatangkang lutasin ang problema sa tradisyonal na kronolohiyang Levantine sa "pamamagitan ng pagbababa ng petsa ng mga pagtitipon sa ika-11 siglo BCE tungo sa simula hanggang gitnang ika-10 siglo BCE at ika-10 siglo BCE mga pagtitipon tungo sa simulang ika-9 siglo BCE na ang huling Bakal(Iron) I/simulang Bakal(Iron) IIA na transisyon ay nakatakda sa huling ika-10 siglo BCE".[10]

Mga kolaborasyon

baguhin

Kasama sina Yuval Goren at Nadav Na'aman, si Finkelstein ay tumulong sa mineralohikal at kemikal na pagsusuri ng mga tabletang Amarna. Siya ay kapwa may-akda rin kasama ni Neil Asher Silberman ng aklat na The Bible Unearthed: Archaeology's New Vision of Ancient Israel and the Origin of Its Sacred Texts.

Mga napiling publikasyon

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. http://www.tau.ac.il/humanities/archaeology/index.html
  2. Rossner, Rena (Enero 26, 2006). "The once and future city". The Jerusalem Post. Nakuha noong Nobyembre 15, 2009. A 2005 recipient of the prestigious Dan David Prize, awarded for outstanding scientific, technological, cultural or social achievements, Finkelstein contends...{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.middleeastmonitor.org.uk/news/middle-east/2705-senior-israeli-archaeologist-casts-doubt-on-jewish-heritage-of-jerusalem
  4. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-12-06. Nakuha noong 2012-05-26.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Tel Aviv University. Digging Biblical History At 'The End Of The World'. ScienceDaily 2007-11-21. retrieved 2007-11-30.
  6. Miller, Laura King David was a nebbish Salon. 2001-02-07 retrieved 2007-11-30
  7. Archaeological Debate about a Proposed "Low Chronology" for Iron I-IIA [1]
  8. [2] Naka-arkibo 2010-11-21 sa Wayback Machine. Robert Draper, Kings of Controversy, National Geographic, December 2010.
  9. Israel Finkelstein, 'A Short Summary: Bible and Archeology,’ in Israel Finkelstein, Amihai Mazar, Brian B. Schmidt The Quest for the Historical Israel:Debating Archeology and the History of Early Israel , Society of Biblical Literature, Atlanta, 2007 pp.183-188 p.183
  10. Finkelstein, Israel A Low Chronology Update Archaeology, history and bible [3]