Si Cecil Valdeavilla Mamiit (ipinanganak Hunyo 27, 1976 sa Los Angeles, California) ay manlalaro ng tennis mula Estados Unidos na kumatawan ng Pilipinas. Sinimulan niya ang kaniyang propesyonal na karera noong 1996. Naabot niya ang pinakamataas na ranggong sa singles sa ATP Tour noong Oktubre 11, 1999, nang siya'y naging pang-72 sa buong mundo.

Cecil Mamiit
Bansa Estados Unidos
 Pilipinas
TirahanLos Angeles
Ipinanganak (1976-06-27) 27 Hunyo 1976 (edad 48)
Los Angeles
Naging propesyonal1996
Mga laroRight-handed (two-handed backhand)
Papremyong pera$1,084,438
Singles
Rekord sa karera59–108
Mga titulo0
Pinakamataas na pagraranggo72 (Oktubre 11, 1999)
Kasalukuyang  ranggo1565 (Disyembre 3, 2012)
Resulta sa Grand Slam Singles
Australian Open2R (1999, 2001)
French Open2R (2001, 2002)
Wimbledon1R (1999, 2001, 2002)
US Open2R (1999)
Doubles
Rekord sa karera16–37
Mga titulo0
Pinakamataas na pagraranggo102 (Oktubre 30, 2006)
Resulta sa Grand Slam Doubles
Wimbledon1R (2006)
US Open1R (1996, 1999, 2000)

Personal na buhay

baguhin

Ipinanganak si Mamiit noong Hunyo 27, 1976 sa Los Angeles, California. Nag-iisa siyang anak nina Cesar Mamiit at Felisa Valdeavilla na pawang tubong Alaminos, Laguna at Sariaya, Quezon sa Pilipinas, ayon sa pagkakasunod.[1] Dahil naglalaro ng tennis ang kaniyang mga nakatatandang pinsan, hinikayat siyang ng kaniyang tiyuhin at mga magulang na subukan ang laro sa edad na anim.[2]

Pumasok siya sa Nick Bollettieri Sports Academy kung saan siya'y nakapaglaro sa mga pagsasanay nina Boris Becker, Petr Korda, Mary Pierce at Monica Seles.[1]

Karera

baguhin

Noong 1996, habang freshman sa University of Southern California, napanalunan niya ang NCAA singles championship, na wala pang nakakagawa mula nang pumasok sa Stanford University si John McEnroe noong 1978.[3][4]

Paglaro sa Estados Unidos

baguhin

Nagwagi siya ng pilak sa men's tournament sa 1999 Pan American Games sa Winnipeg, Canada nang matalo sa final sa kasamahan niyang Amerikanong si Paul Goldstein. Ang pinakamahusay niyang laro sa mga torneo ay sa 1999 San Jose tournament. Dito natalo niya sina Kenneth Carlsen, Andre Agassi (bagaman lamang si Agassi ng 6-0, 6-6 bago siya nag-default), Mark Woodforde, at Michael Chang bago natalo sa final kay Mark Philippoussis ng Australia.[3]

Paglaro sa Pilipinas

baguhin

Unang naglaro para sa Pilipinas si Mamiit sa 2005 Southeast Asian Games na ginanap sa Maynila, kung saan napanalunan niya ang gintong medalya sa men's singles, men's team at mixed doubles events, at pilak naman sa men's doules. Sa 2006 Asian Games na ginanap sa Doha, Qatar nagwagi siya ng tanso sa men's singles matapos matalo kay Lee Hyung Taik ng South Korea. Sa doubles event, siya at ang kasamang Pilipino-Amerikanong si Eric Taino ay nagwagi naman ng pilak, nang matalo sa nangungunang doubles players na sina Mahesh Bhupathi at Leander Paes ng India.

Mula niyang kinatawan ang Pilipinas sa 2007, 2009 at 2011 Southeast Asian Games kung saan nagwagi pa siya ng labing-isang medalya, kasama ang tatlo pang ginto medalya nang kaniyang maipagtanggol ang titulo sa men's singles noong 2007 laban kay Danai Udomchoke ng Thailand,[5] at kasamahang Pilipinong si Treat Huey noong 2009.

Naging bahagi rin si Mamiit ng koponan ng Pilipinas sa Davis Cup mula 2006,[6] kung saan wala siyang talo hanggang 2008. Huli siyang naglaro sa Davis Cup para sa Pilipinas noong 2011 nang magpasiya na siyang magretiro.[6][7][8]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Jose Vanzi, Sol (26 Abril 1999). "Mamiit Joining RP Squad?". Newsflash.org. Philippine Headline News. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 19 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Henson, Joaquin (14 Nobyembre 2002). "Waiting for Mamiit". Philstar.com. STAR Group of Publications. Nakuha noong 19 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Circuit Player of the Week: Cecil Mamiit". USTA. United States Tennis Association. Nakuha noong 19 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  4. Amparo, Malou (30 Marso 2011). "Sports Spotlight: Cecil V. Mamiit". BakitWhy.com. Kasama Media, LLC. Nakuha noong 19 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Mamiit beats Danai to win SEA Games gold". Hindustan Times. HT Media Limited. 14 Disyembre 2007. Nakuha noong 19 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  6. 6.0 6.1 Terrado, Reuben (31 Enero 2012). "No Mamiit for Davis Cup team as coach turns to younger squad". InterAKTV. ABC Development Corporation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-06. Nakuha noong 19 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Davis Cup - Player profile - Cecil MAMIIT (PHI)". Davis Cup. International Tennis Federation. Nakuha noong 19 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Henson, Joaquin (6 Agosto 2015). "Philippine tennis future bright with pool of young aces". Philstar.com. STAR Group of Publications. Nakuha noong 19 Agosto 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)