Aloe vera
Ang Aloe vera, kilala rin bilang aloeng medisinal o sabilang panggamot, ay isang uri ng mga halamang malalambot (sukulente) na pinaniniwalaang nanggaling sa Hilagang Aprika. Walang likas na pagusbong ang mga uring ito, ngunit may mga likas na tumutubong mga kamag-anak ng mga Aloe sa hilagang Aprika.[1] Kalimitang nilalarawan ang uring ito bilang isang halamang-gamot o yerba mula pa sa simula ng ika-1 daantaong AD, dahil nabanggit ito sa Bagong Tipan sa Ebanghelyo ni Juan (Juan: 19:39–40) sa mga katagang "Sumama sa kanya si Nicodemo, may dalang pabango --- mga 100 libra ng pinaghalong mira at aloe..."[2][3][4] Subalit, malabo kung ito ngang A. vera ang nilalarawang aloe sa Bibliya.
Aloe vera (sabila) | |
---|---|
Minsang tinatawag na A. vera var. chinensis ang mga may tuldok-tuldok na A. vera. | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Monocots |
Orden: | Asparagales |
Pamilya: | Asphodelaceae |
Sari: | Aloe |
Espesye: | A. vera
|
Pangalang binomial | |
Aloe vera |
Bilang pampaganda at gamot
baguhinMalawakang ginagamit ang katas ng sabila o Aloe Vera sa mga industriya ng kosmetiko (mga pamahid na pampaganda) at alternatibong medisina (pamalit na panggagamot), na ibinebenta bilang produktong may nakapagpapasigla, nakabubuhay, nakapagpapagaling, at nakapagpapaginhawang mga katangian.[5][6][7] Ngunit mayroon kakaunting ebidensiya kung epektibo nga at ligtas ang paggamit ng katas ng Aloe Vera para sa mga layuning kosmetiko o panggagamot. At kung anumang positibong katibayan ang mayroon, taliwas ito sa iba mga pag-aaral na isinagawa. [8][9][10][11] Sa kabila ng mga limitasyong ito, mayroong ilang mga paunang mga ebidensiyang maaaring magamit ang mga katas ng A. vera sa paggamot ng diyabetes at mataas na antas ng mga lipid sa tao.[10] Iniisip na dahil sa pagkakaroon ng mga kompawnd na tulad ng mga mannan, antrakinones, at lektin ang mga positibong epektong ito.[10][12][13]
Sa tropikal na Aprika, ginagamit ito bilang isang pangontra o lunas laban sa mga sugat na dulot ng palasong may lason. Kilala rin ito ng sinaunang mga Griyego at Romano, ginamit nila ito bilang pamahid ang malapot at mala-uhog o malagulamang katas (musilaheno) ng sabila sa mga sugat. Sa katunayan, nirekomenda ito ni Pliny na gamiting pamahid sa mga may sugat na mga titi. Paboritong pamurga rin ito noong Panahong Midyibal (Gitnang Panahon). Sa Tsina, katulad ng sa Kanluraning mundo ang paggamit ng sabilang ito. Sa Indiya, ginamit itong pampaginhawa at pampalamig na toniko. Umabot sa Mga Kanlurang Indiya (West Indies) ang sabilang ito noong ika-16 daantaon.[14]
Gamot na pantahanan
baguhinSa tahanan, partikular na ginagamit ang helatina o malagulamang katas ng sabila para pang-emerhensiyang pamahid sa mga paso, sugat, at dagandang (katim). Mainam din ito para sa mga panunuyo ng balat, partikular na ang eksema sa paligid ng mata at sensitibong balat sa mukha. Ginagamit din ito bilang panlunas sa mga impeksiyong sanhi ng mga punggus (halamang-singaw) tulad ng ringworm (buni). Sa Ayurbedikong panggagamot, isang mahalagang toniko ito para sa sobrang pitta (apoy).[14]
Nagagamit ang mga dahon bilang isang malakas na pamurga sapagkat mainam ito sa mga korniko o talamak (palagian at paulit-ulit) na empatso. Nakakapagpasigla ito ng daloy ng apdo at pagtunaw ng pagkain, kaya't mainam na pampagana sa pagkain. Dating kasangkapan ang katas nito, bilang pamahid sa kamay, para sa mga batang ayaw tumigil sa pagkagat ng mga daliri.[14]
Naitatanim din ito bilang halamang panloob ng tahanan sa mga pook na may katamtamang klima.[14]
Pag-iingat
baguhinIniiwasang gamitin ang sabila kung panahon ng pagbubuntis dahil sa katangiang pampurga (dahil sa nilalamang mga anthraquinone glycoside), upang hindi makunan. Nakapagdurulot din ng pagsusuka ang labis na pagkonsumo nito.[14]
Sanggunian
baguhin- ↑ Akinyele BO, Odiyi AC (2007) Comparative study of the vegetative morphology and the existing taxonomic status of Aloe vera L. Journal of Plant Sciences 2(5):558–563.
- ↑ "Aloe." Ang Mabuting Balita ayon kay Juan: 19:39-40, Ang Biblia, AngBiblia.net
- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Aloe, Juan: 19:39-40". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "John 19:39 (New International Version)". biblegateway.com. Nakuha noong 2008-06-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Forever Living Website". Nakuha noong 2008-06-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Miracle of Aloe". Nakuha noong 2008-06-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aloe Vera Australia". Nakuha noong 2008-06-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ernst E. (2000) Adverse effects of herbal drugs in dermatology. Br J Dermatol 143:923–929
- ↑ Marshall JM (2000) Aloe Vera gel: what is the evidence? Pharm J 244:360–362.
- ↑ 10.0 10.1 10.2 Boudreau MD at Beland FA (2006) An Evaluation of the Biological and Toxicological Properties of Aloe Barbadensis (Miller), Aloe Vera. Journal of Environmental Science and Health Part C 24:103–154.
- ↑ Vogler BK, Ernst E. Aloe Vera: a systematic review of its clinical effectiveness. Br J Gen Pract. 1999 Oct;49(447):823–8.
- ↑ GK King, KM Yates, PG Greenlee, KR Pierce, CR Ford, BH McAnalley, and IR Tizard (1995) The effect of Acemannan Immunostimulant in combination with surgery and radiation therapy on spontaneous canine and feline fibrosarcomas. Journal of the American Animal Hospital Association 31 (5): 439–447.
- ↑ Eshun, K., He, Q (2004) Aloe Vera: A Valuable Ingredient for the Food, Pharmaceutical and Cosmetic Industries—A Review. Critical Reviews in Food Science and Nutrition, 44(2): 91–96
- ↑ 14.0 14.1 14.2 14.3 14.4 Ody, Penelope (1993). "Aloe vera, Aloe". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)