Rainbow Six: SMOL - Game Support

Mag-defuse ng bomb, palayain ang hostages at durugin ang kalaban sa hindi inaasahang spin na ito sa "Rainbow Six" franchise. Bumuo ng mahusay na squad, iligtas ang (smol) world!

Mga Platform: Android phone at tablet, iPhone, iPad, o iPod touch

Game category: Action

Bilang ng player: Single player

Offline play: Mayroon

Cloud saves: Mayroon

Content rating: Tingnan ang page sa app store ng game

Mga Wika: Chinese (Traditional), English (US), French, German, Italian, Japanese, Korean, Polish, Portuguese (Brazil), Spanish (Latin America), Spanish (Spain), Turkish

Developer: Ubisoft Entertainment

Mga Requirement

Para maglaro, kakailanganin mo munang i-install ito sa device mo. Kailangan mo ng:

  • Isang device na pasok sa mga minimum na kinakailangan sa device:

    • Android phone o tablet: Android 8.0, 2GB na RAM

      • Dagdag pa, hindi supported ang mga device na ito: Samsung S24+, Pixel 8, Pixel 8 Pro, Galaxy A51, Pixel 3 XL, Moto e20, Moto G7 Plus, Moto G8 Plus, Galaxy A13 5G, Galaxy A20, Galaxy A70, Galaxy Tab A 10.1, Redmi 9A

    • iPhone o iPad: iOS/iPadOS 16 o mas bago

      • Dagdag pa, hindi supported ang mga device na ito: iPhone 7, iPhone 8, iPad Pro 10.5

  • Active subscription sa Netflix

  • Internet connection para i-download at i-install ang game

  • Sapat na storage space sa device mo


Pag-install

Mula sa Netflix app

Sa Netflix app, may row na Mga Mobile Game sa home screen at tab na Mga Game sa ibaba.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game, o i-tap ang tab na Mga Game.

    Paalala:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game o ang tab na Mga Game? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan ang Paano i-update ang Netflix app sa Android device mo.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game. Bubukas ang Play Store.

  3. I-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o sa tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa Play Store

Puwede ka ring mag-search ng game sa Google Play Store.

  1. Buksan ang Play Store at i-search ang game gamit ang pangalan nito o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa search results, at i-tap ang Install.

    • Depende sa game at sa settings ng device mo, posibleng may lumabas na screen na Permissions. Piliin ang Accept.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Kapag na-install na ang game, makikita mo ito sa row na Mga Mobile Game o sa tab na Mga Game sa Netflix app. Puwede mo ring i-tap ang icon nito sa home screen ng device mo o sa app drawer.

  4. Kung hihilingin, i-tap ang Continue at pagkatapos ay mag-sign in gamit ang email address at password ng Netflix account mo

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Mula sa Netflix app

May row na Mga Mobile Game ang Netflix app sa home screen.

  1. Sa home screen sa app, mag-swipe pababa para makita ang row na Mga Mobile Game.

    Tandaan:Hindi mo ba nakikita ang row na Mga Mobile Game row? Siguraduhing pinakabagong version ng Netflix app ang mayroon ka. Tingnan ang Paano i-update ang Netflix app sa iPhone, iPad, o iPod touch.

  2. Mag-tap sa game, at i-tap ang Kunin ang Game o Laruin ang Game.

  3. I-tap ang Get o ang Cloud icon sa banner ng App Store.

  4. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  5. Bubukas ang game. I-tap ang Profile icon sa game kung gusto mong lumipat ng profile at simulang maglaro!


Mula sa App Store

Puwede ka ring maghanap ng game sa App Store.

  1. Buksan ang App Store at i-search ang game gamit ang pangalan o tingnan ang lahat ng available na Netflix games.

  2. Piliin ang game sa mga resulta ng search, at piliin ang Get o ang Cloud icon.

  3. Mada-download at mai-install na ang game. Kapag tapos na, piliin ang Open.

    • Pagkatapos ma-install ang game, puwede mo itong buksan mula sa row na Mga Mobile Game sa Netflix app, o sa pamamagitan ng pag-tap sa icon nito sa home screen ng device.

  4. Kung na-prompt na mag-log in, i-tap ang Susunod at pagkatapos ay ilagay ang email address at password ng Netflix account mo. Piliin ang Log in.

  5. Piliin ang Netflix profile mo at maglaro ka na!


Walang Netflix games sa mga profile na Pambata. Posibleng hindi lumabas ang isang game kung mas mababa sa maturity rating ng game ang setting ng maturity ng profile, o kung hindi compatible sa game ang device mo.

Nagkakaproblema ka ba sa game? Heto ang mga solusyong puwedeng subukan para sa mga karaniwang problema.

Posibleng uminit ang ilang device habang tumatakbo ang game. Para ayusin ito:

  • Sa main menu, i-tap ang Settings

  • I-enable ang Power Saving Mode at i-disable ang Haptics

Kung may napansin kang pag-skip o pagputol ng mga image habang naglalaro:

  • Sa main menu, i-tap ang Settings

  • I-enable ang Framerate Lock

Kung ayaw nang gumana ng game mo, o bigla itong sumara:

Kung hindi maganda ang performance ng game mo, nagla-lag ito, o tumatalon o patigil-tigil ang visuals nito:

Kung wala kang naririnig na sound o masyadong mahina ang volume:

  • Tingnan ang volume o sound settings ng device mo. Kung may Silent o Do Not Disturb mode ang phone mo, siguraduhing naka-off ito.

  • Kung may sariling sound settings ang game, tingnan kung naka-on at may volume ito.

  • Kung naka-connect ang device mo sa speaker o headphones gamit ang Bluetooth, subukang i-off at i-on ulit ang Bluetooth.

Kung choppy o putol-putol ang sound:

Kung nakikita mo ang isa sa mga error na ito, pumunta sa katugmang article sa ibaba para sa steps na lulutas sa problema.

Kung may iba kang nakikitang error message o code, makipag-ugnayan sa amin para ipaalam sa amin na may problema.

Kung nawala ang game progress mo, na-reset ang game save mo, o may mga nawawala kang item o currency sa game, makipag-ugnayan sa amin.

Kung hindi naayos ng steps ang problema mo o bumalik ang problema pagkatapos mong gawin ang steps, makipag-ugnayan sa amin para sa dagdag na tulong.

Hindi mo ba makita ang hinahanap mo? Tingnan ang article naming Netflix Games. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa amin kahit kailan.

Mga Kaugnay na Article