
LATEST UPDATES

INVITATION TO SUBMIT COMPARATIVE PROPOSALS FOR THE CORON LAGOONS WATERFRONT DEVELOPMENT PROJECT
The Palawan Private- Public Partnership (P4-SC) invites local and international companies to submit comparative proposals under a Swiss Challenge Process for the lease of an 8.8 hectares of land located in Coron, Palawan to be used for the commercial development. The estimated cost of all structures, including non-revenue structures such as roads, utilities, jetties, esplanade, etc. is PHP 7.65 billion.
The Swiss Challenge Process for the Project will be conducted in accordance with the Provincial Ordinance No. 3120, series of 202, “A Provincial Code Strengthening the Public-Private Partnership for the People (P4) Approach Towards Development, Providing for the Procedure for Selecting the Private Sector Proponent, Adopting A Contract Management Framework, and Providing Appropriations and for Other Purposes”, otherwise known as the “PPP Code of Palawan”.

FARMERS AND FISHERFOLK FORUM, ISINAGAWA SA BAYAN NG CUYO AT MAGSAYSAY
Dinaluhan ng nasa limangdaang (500) mga magsasaka at mangingisda mula sa mga bayan ng Cuyo at Magsaysay ang isinagawang ‘Farmers and Fisherfolk Forum’ na pinangunahan ng Provincial Agriculture Office (PAgO) ng pamahalaang panlalawigan na ginanap sa Cuyo, Palawan nitong nakalipas na Marso 18, 2025.

55 BENEPISYARYO APEKTADO NG ASF SA MAGSAYSAY, TUMANGGAP NG FINANCIAL LIVELIHOOD ASSISTANCE MULA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PALAWAN
Bilang bahagi ng pagpapatuloy ng pagdiriwang ng National Women’s Month 2025 na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Angat Buhay sa Bagong Pilipinas,” isinagawa ng Provincial Gender and Development Office ng Palawan ang Awarding of Financial Livelihood Assistance sa limampu’t limang (55) benepisyaryo mula sa Barangay Cocoro, Magsaysay nakaraang ika-13 ng Marso. Ang mga benepisyaryo ay kasapi ng dalawang aktibong asosasyon sa naturang barangay, kung saan karamihan sa mga miyembro ay mga kababaihang lubos na naapektuhan ng pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa kanilang lugar. Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng halagang tatlumpung libong piso (₱30,000) na magsisilbing paunang puhunan para sa kanilang napiling alternatibong pangkabuhayan, na maituturing na mahalagang hakbang patungo sa muling pagbangon mula sa pinsalang dulot ng ASF. Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial GAD Office bilang pagsunod sa mga itinatadhana ng Magna Carta of Women (RA 9710) at ng Local Government Code of 1991, partikular na sa mga probisyon hinggil sa pagkakaloob ng mga serbisyong pangkaunlaran na nakatuon sa sektor ng kababaihan. Layunin nitong matiyak na ang kababaihan sa kanayunan ay may pantay na akses sa oportunidad para sa kabuhayan, pagsasanay, at suporta mula sa lokal na pamahalaan.

MGA PRODUKTO AT PASYALAN SA PALAWAN, IBINIDA SA 10TH INTERNATIONAL TRAVEL FESTIVAL 2025
Aktibong nakilahok ang lalawigan ng Palawan sa tatlong araw na selebrasyon ng 10th International Travel Festival (ITF) 2025 na idinaos sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Cebu City Hotel and Casino mula Marso 14-16, 2025.

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN, NAGKALOOB NG MGA SEAWEED PLANTING MATERIALS AT KAGAMITANG PANGISDA SA MGA SEAWEED FARMERS AT FISHERFOLKS SA BAYAN NG AGUTAYA
Isang daan at limampung (150) seaweed farmers mula sa Barangay Concepcion at isang daang (100) mangingisda mula sa Barangay Poblacion sa munisipyo ng Agutaya, Palawan ang benepisyaryo ng seaweed planting materials at kagamitang pangisda mula sa pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office (PAgO) nitong nakalipas na Marso 12 at 14, 2025.

Pagdiriwang ng National Women’s Month sa Palawan Del Sur, Sinimulan sa Pamamahagi ng Livelihood Financial Assistance
Pormal na binuksan ng Provincial Gender and Development(GAD) Office, katuwang ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang pagdiriwang ng National Women’s Month sa lalawigan ng Palawan. Isa sa mga tampok na aktibidad ng selebrasyon ay ang Awarding of Livelihood Financial Assistance na isinagawa sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan.