Pumunta sa nilalaman

Tiger & Bunny

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tiger & Bunny
Taigā Ando Banī
Kard ng pamagat ng serye
タイガー&バニー
DyanraPiksyong siyensiya, Superhero
Teleseryeng anime
DirektorKeiichi Satou
ProdyuserKenji Hamada (Bandai Visual)
Masayuki Ozaki (Sunrise)
Seiji Takeda (MBS)
IskripMasafumi Nishida
MusikaYoshihiro Ike
EstudyoSunrise, Bandai Visual
Inere saBS11 Digital, MBS, Tokyo MX
Takbo3 Abril 2011 – 18 Setyembre 2011
Bilang25
Manga
KuwentoSUNRISE
GuhitSakakibara Mizuki
NaglathalaKadokawa Shoten
MagasinNewtype Ace
DemograpikoSeinen
Inilathala noong2 Oktubre 2011 (ipinagpapatuloy)
Bolyum0 - 4 kabanata (ipinagpapatuloy)
Laro
Tiger & Bunny On Air Jack!
TagapamanihalaNamco Bandai Games
TagalathalaNamco Bandai Games
GenreNobelang biswal
PlatformPSP
Inilabas noongHulyo 2012
Pelikulang anime
Gekijō-ban Tiger & Bunny -The Beginning
Inilabas noong
  • 22 Setyembre 2012 (2012-09-22) (Hapon)
 Portada ng Anime at Manga

Ang Tiger & Bunny (タイガー&バニー, Taigā Ando Banī) ay isang seryeng pantelebisyong anime sa Hapon noong 2011 na inilabas ng Sunrise sa ilalim ng direksiyon ni Keiichi Satou. Sinimulan ang pagpapalabas ng serye sa Hapon noong 3 Abril 2011 sa Tokyo MX na sinusundan ng pagpapalabas muli sa BS11 Digital at MBS.[1] Ipinalabas rin sa Viz Media ang serye na ipinapakita sa Hulu at Anime News Network.[2]

Ang serye ay naganap sa taong "NC 1978" sa Lungsod ng Sternbils, isang piksiyonal, at isinakathang-isip na bersyon ng Lungsod ng New York, noon 45 taong na nakaraan, ang mga taong may mga superpower na binasagang "NEXT" ay nagsulputan at ang ilan sa kanila ay naging mga superhero. Ang bawat isa sa mga pinaka-sikat na superhero ay nagtatrabaho para sa isang kompanya at ang kanilang mga uniporme ay may patalastas para sa mga kompanyang umiiral sa totoong buhay. Ang kanilang kabayanihan ay umere sa isang sikat na palabas sa telebisyon na "Hero TV", kung saan sila nag-iipon ng mga puntos sa bawat kabayanihan na kanilang ginawa (halimbawa:pag-aresto ng mga kriminal at pagligtas sa mga sibilyan) at ang pinaka-mataas sa ranko na superhero ng serye ay gagantimpalahan ng titulong "King of Heroes".

Ang istorya ay nakatuon sa beteranong bayani na si Kotetsu T. Kaburagi a.k.a. Wild Tiger na siya ay itinakda ng isang bagong partner, sa baguhang hero o bayani sa ngalan ni Barnaby Brooks Jr. Hindi nagkakasundo ang dalawa at sila ay may magkakaibang pananaw sa pagiging isang superhero habang inuusisa ang misteryo ng pagpatay sa mga magulang ni Barnaby. Isa pang karagdagan isyu, ang paglabas ng isang mamamatay-tao na bigilante sa ngalang "Lunatic" na naging usapin ng publiko at pinakwestyun nito ang pananaw ng publiko sa kahulugan ng kabayanihan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "News: Sunrise to Start Tiger & Bunny Hero TV Series in April". Anime News Network. 23 Nobyembre 2010. Nakuha noong 23 Pebrero 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Viz Media Plans on Simulcasting Tiger and Bunny on Saturday, Abril 2nd". Viz Media. 24 Marso 2011. Nakuha noong 28 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]