Pumunta sa nilalaman

Susing salita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pakukuha muli ng impormasyon, ang susing salita, paksang pamuhatan, katawagang paksa, katawagang indeks o deskriptor ay isang termino na kinukuha ang diwa ng paksa ng isang dokumento. Binubuo ito ng isang kinokontrol na bokabularyo para magamit sa mga kasulatang bibliograpiko. Mahalagang bahagi ang mga ito para sa bibliograpikong kontrol, na ang paggana kung saan kinokolekta, inaayos at ipinamahagi ang mga dokumento sa mga aklatan. Ginagamit sila bilang mga susing salita upang kuhanin muli ang mga dokumento sa isang sistemang impormasyon, halimbawa, isang katalogo o isang search engine. Isang popular na anyo ng mga susing salita sa web ay ang mga tag na direktang makikita at maaring italaga ng mga di-eksperto. Maaring binubuo ang mga katawagang indeks ng isang salita, parirala, o alpanumerikal na katawagan. Nalilikha sila sa pamamagitan ng pagsusuri ng dokumento na puwedeng manwal sa pag-iindeks ng paksa o awtomatiko sa awtomatikong pag-iindeks; o kaya sa mas sopistikadong pamamaraan ng pagkuha ng mga susing salita. Maaring magmula ang mga katawagang indeks mula sa isang kinontrol na bokabularyo o sa malayang pagtatalaga.

Nilalagay ang mga susing salita sa isang indeks ng paghahanap. Hindi tinuturing na mga susing salita ang mga karaniwang salita tulad ng artikulo (isang, ang) o pangatnig (at, o, ngunit) dahil hindi mabisa. Ganito rin ang kaso sa wikang Ingles dahil halos lahat ng mga sayt sa Ingles sa Internet ay mayroon ang artikulong "the", at kaya walang katuturan na hanapin ito. Ang search engine na Google ay tinatanggal ang mga salitang pampigil o stop word tulad ng "the" at "a" mula sa mga indeks nito sa ilang mga taon, ngunit muli itong ipinakilala, na ginawa posible muli ang ilang uri ng tumpak na paghahanap.

Ang katawagang "descriptor" (tinagalog bilang deskriptor) ay nilikha ni Calvin Mooers noong 1948. Partikular na ginagamit ito tungkol sa isang ginustong katawagan sa isang tesauro.

Nagbibigay naman ang Simple Knowledge Organization System (SKOS) ng isang paraan upang ipahayag ang katawagang indeks kasama ang Resource Description Framework para magamit sa konteksto ng Semantikong Web.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Svenonius, Elaine (2009). The intellectual foundation of information organization (sa wikang Ingles) (ika-1st MIT Press pbk. (na) edisyon). Cambridge, Massachusetts: MIT Press. ISBN 9780262512619.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)