Partido Komunista ng Pilipinas
Ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP, Ingles: Communist Party of the Philippines) ay ang pangunahing partido Komunista sa Pilipinas. Binuo ang partido sa isang malayong barangay sa lungsod ng Alaminos, Pangasinan noong 26 Disyembre 1968 ni Jose Maria Sison,[1] alinsunod sa pagbiyak nito mula sa nakatatandang Partido Komunista ng Pilipinas. Itinyak ni Sison ang pagsilang nito sa Barangay Dulacac sa tatluhang hangganan ng Alaminos, Bani at Mabini sa Pangasinan, kung saan itinanghal ang "kongreso ng muling pagtatag" ng PKP sa isang barung-barong malapit sa bahay ng mga Navarette, ang mga magulang sa kasal ni Arthur Garcia, isa sa mga tagapagtaguyod ng PKP.[2] Inihayag ni Sison na ang mga gerilyang Komunista at nagtanghal ng mga "gawaing kultural" at nagdiriwang ng ika-39 anibersaryo ng kilusan.[3] Noong 26 Disyembre 2007, idiniriwang naman ng Partido Komunista ng Pilipinas ang ika-39 anibersaryo nito.
Maoista ang ideolohiya ng PKP at lumalaban ito ng "digmaang bayan" sa pamamagitan ng armadong sangay nito, ang Bagong Hukbong Bayan, simula ng 1969. Nakikilahok ito sa Maoistang Pandaigdigang Kumperensiya ng mga Partido at Organisasyong Marxista-Leninista. Namumuno rin ang PKP sa Pambansang Prenteng Demokratiko.
Ang PKP ay nakikipaglaban sa isang digmaang gerilya laban sa estado mula nang itatag ito. Bagama't ang mga hanay nito sa pagsisimula ay humigit-kumulang 500 lamang, mabilis na lumaki ang partido, dahil umano sa pamamahayag at pagpapataw ng batas militar ng dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos sa kanyang dalawampu'y isang taong pamumuno. Sa pagtatapos ng pamumuno ni Marcos sa bansa, lumawak ang bilang ng mga mandirigma na kinabibilangan ng mahigit 10,000 na manghihimagsik. Sa isang talumpati sa harap ng Kongreso ng US noong 1986, inamin ni Pangulong Corazon Aquino ang mabilis na paglago ng partido bilang dulot ng mga pagtatangka ni Marcos na pigilan ito sa pamamagitan ng "paraan ng paglago nito" sa kanyang pagtatatag ng batas militar, at iminungkahi niya na tingnan ito ng ibang mga pamahalaan bilang aral sa pagharap sa mga komunistang pagaalsa.[4]
Noong 2019, sinabi ni Sison na dumarami ang bilang ng mga miyembro at tagasuporta nito, sa kabila ng mga pahayag ng gobyerno ng Pilipinas na malapit nang masira ang organisasyon.[5] Ang organisasyon ay nananatiling isang underground na operasyon, na ang pangunahing layunin nito ay ang ibagsak ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng armadong himagsikan at alisin ang impluwensya ng U.S. sa Pilipinas. Binubuo ito ng Pambansang Demokratikong Hanay ng Pilipinas, isang kasamahan ng iba pang mga panghimagsikang organisasyon sa Pilipinas na may magkakahanay na mga layunin; ang Kabataang Makabayan, na nagsisilbing bagwis-pangkabataan; at ang Bagong Hukbong Bayan, na nagsisilbing armadong bagwis nito.
Sa kasalukuyan, ang PKP ang tinuturing pinakamalaking Marxista, Leninista, at Maoista[6] na panghimagsikang pangkat sa mundo, na mayroong humigit-kumulang 150,000 miyembro, kung paniniwalaan ang mga kadre at opisyal nito.[7]Padron:Isang di-primaryang pinagmulan ang kailangan
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Joma Sison recalls birth of CPP in Alaminos - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-26. Nakuha noong 2009-04-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2014-12-26 sa Wayback Machine. - ↑ "Inquirer.net, Joma Sison recalls birth of CPP in Alaminos". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-26. Nakuha noong 2009-04-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2014-12-26 sa Wayback Machine. - ↑ Abs-Cbn Interactive, Sison: 'Cultural activities' to mark CPP 39th anniversary[patay na link]
- ↑ Aquino, Corazon (1986). Wikisource.
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) – sa pamamagitan ni/ng - ↑ "Joma claims CPP-NDF growing stronger". The Philippine Star. Nakuha noong 9 Mayo 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ the Philippines, Communist Party of (2016). Constitution and Program of the Communist Party of the Philippines.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sison, Jose Ma. (1 Enero 2022). "The people will intensify the revolution as crisis of the ruling system will worsen". Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Enero 2022.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)