Pumunta sa nilalaman

Buumbilang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kabuuang bilang)
Simbolo na kadalasang ginagamit upang ipakilala ang pangkat ng buumbilang

Ang buumbilang (Ingles: integer na mula sa Latin na integer, literal na nangangahulugang "hindi ginalaw" kaya "buo": nagmula ang salitang entire sa kaparehong pinagmulan sa pamamagitan ng Pranses[1]) ay likas na bilang na kabilang ang 0 (0, 1, 2, 3, ...) at kanilang mga negatibo (0, −1, −2, −3, ...). Ito ang mga bilang na hindi na kailangang isulat na bahagi ng isang hating-bilang o desimal at pumapatak sa loob ng isang pangkat (set) {... −2, −1, 0, 1, 2, ...}. Halimbawa, mga buumbilang ang 65, 7, at −756; ang 1.6 at 1½ ay hindi. Sa ibang katawagan, buumbilang ang mga bilang na maaaring bilangin katulad ng mansanas, o daliri, at kanilang mga negatibo, gayon din ang 0.

Katulad ng mga likas na mga bilang, binubuo ang mga buumbilang ng isang sukdulang nabibilang pangkat. Kadalasang pinapakita ang pangkat ng lahat ng buumbilang sa pamamagitan ng matapang na letrang Z (o matapang na pisara (blackboard bold) , Unicode U+2124 ), na nangangahulugang Zahlen (Aleman para sa mga bilang, binibigkas /ˈtsaːlən/ "tsAH-len").[2]

Maaaring isipin ang mga buumbilang bilang mga tuldok sa mahabang walang-hanggang linya ng bilang.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Evans, Nick (1995), "A-Quantifiers and Scope", sa Bach, Emmon W (pat.), Quantification in Natural Languages, Dordrecht, The Netherlands; Boston, MA: Kluwer Academic Publishers, pp. p. 262, ISBN 0792333527 {{citation}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Earliest Uses of Symbols of Number Theory"

Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.