Pumunta sa nilalaman

Golpo ng Lagonoy

Mga koordinado: 13°35′24″N 123°40′22″E / 13.5900°N 123.6728°E / 13.5900; 123.6728
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Golpo ng Lagonoy
Ang golpo na tanaw mula sa bayan ng San Jose, Camarines Sur, kasama ang Bulkang Mayon sa bandang likod
LokasyonTangway ng Bicol
Mga koordinado13°35′24″N 123°40′22″E / 13.5900°N 123.6728°E / 13.5900; 123.6728
Urigolpo
Mga pamayanan

Ang Golpo ng Lagonoy ay isang malaking golpo sa Tangway ng Bicol ng pulo ng Luzon sa Pilipinas. Nakahiwalay ito sa sa Dagat ng Pilipinas sa pamamagitan ng Tangway ng Caramoan sa hilaga; at nakahiwalay ito sa Golpo ng Albay sa timog sa pamamagitan ng isang magkakaugnay na mga pulo kabilang ang Pulo ng Batan at Pulo ng Rapu-rapu. May lawak itong mga 3,070 kilometro kuwadrado (1,190 milya kuwadrado), kung saang 80 porysento ng lawak nito ay may lalim na sa pagitan ng 800 metro (2,600 talampakan) at 1,200 metro (3,900 talampakan).[1]

Tahanan ang golpo ng 480 mga espesye ng isda, at umabot sa kabuuang mga 20,000 metrikong tonelada ang taunang produksiyong pangingisda noong 2004, kung kaya isang pangunahing palaisdaan sa Pilipinas ang Golpo ng Lagonoy. Ang mga bahurang korales, kama ng damong-dagat, at bakawan ay bumubuo sa kritikal na tirahan para sa ekolohiya ng golpo.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Victor S. Soliman; Antonino B. Mendoza Jr.; Kosaku Yamaoka (2008). "Seaweed-associated Fishes of Lagonoy Gulf in Bicol, the Philippines" (PDF). Kuroshio Science. Kochi University. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-03-18. Nakuha noong 22 Enero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)