Pumunta sa nilalaman

Bongbong Marcos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kagalang-galang

Bongbong Marcos
Si Bongbong noong 2022
Ika-17 na Pangulo ng Pilipinas
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
30 Hunyo 2022
Pangalawang PanguloSara Z. Duterte-Carpio
Nakaraang sinundanRodrigo Duterte
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2016
Kasapi ng
Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas
mula sa ikalawang distrito ng llocos Norte
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2007 – Hunyo 30, 2010
Nakaraang sinundanImee Marcos
Sinundan niImelda Marcos
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1992 – Hunyo 30, 1995
Nakaraang sinundanMariano Nalupta Jr.
Sinundan niSimeon Valdez
Gobernador ng Ilocos Norte
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2007
Nakaraang sinundanRodolfo Fariñas
Sinundan niMichael Marcos Keon
Nasa puwesto
1983–1986
Nakaraang sinundanElizabeth Keon
Sinundan niCastor Raval (OIC)
Bise Gobernador ng Ilocos Norte
Nasa puwesto
1980–1983
Personal na detalye
Isinilang
Ferdinand Romualdez Marcos Jr.

(1957-09-13) 13 Setyembre 1957 (edad 67)
Maynila, Pilipinas
Partidong pampolitikaPFP (2021–present)
Nacionalista (2009–2021)
Kilusang Bagong Lipunan (1980–2009)
AsawaLouise Araneta (k. 1993)[1]
Anak3
MagulangFerdinand Marcos Sr.
Imelda Marcos
KaanakMarcos family
Romualdez family
Pirma
WebsitioOfficial website
YouTube information
ChannelsBongbong Marcos
Genre(s)News, Vlogs
Subscribers1.74 million
Total views78.6 million
100,000 subscribers2020
1,000,000 subscribers2021

Last updated: January 8, 2022

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos, Jr. (ipinanganak noong Setyembre 13, 1957) ay isang Pilipinong pulitiko na kasalakuyang naninilbihan bílang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ay dating nanungkulan bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang ikalawa at ang tanging lalaking anak ng dating Pangulo at Diktador na si Ferdinand Marcos Sr. at ang dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Romualdez Marcos.

Taong 1980, tumakbo ang 23-taong-gulang na itong si Marcos Jr. bilang kandidato sa pagka-Bise Gobernador ng Ilocos Norte nang walang kalaban at nanalo, sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan ng kanyang amang namumuno sa buong Pilipinas sa ilalim ng batas militar noong panahong iyon. Kinalaunan, naging Gobernador siya ng Ilocos Norte noong 1983 at nanatili sa opisina hanggang mapatalsik ng Himagsikan ng Lakas ng Bayan ang kanilang pamilya mula sa kapangyarihan at lumipad papuntang Hawaii sa pagkakapatapon noong Pebrero 1986.

Pagkamatay ng kaniyang ama noong 1989, hinayaan ni Pangulong Corazon Aquino na umuwi ng Pilipinas ang nalalabi sa pamilya Marcos upang humarap sa ilang demanda.

Pagsapit ng taong 1992, nahalal at naupo siya bilang Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte hanggang 1995, at muling siyang nahalal noong 2007 hanggang 2010. Sa pagitan ng pagtatapos ng kaniyang termino noong 1995 at pagsisimula ng isa pang termino noong 2007, nanungkulan siyang muli bilang Gobernador ng Ilocos Norte na kaniyang tinakbuhan at napaghahalan. Taong 2010 rin siya nahalal bilang Senador ng Pilipinas sa ilalim ng Partidong Nacionalista at naupo hanggang 2016.

Noong 2015, tumakbo si Marcos para sa pagka-Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Halalan 2016. Sa pagkakaibang 263473 boto, 0.67 bahagdan, natalo si Marcos Jr. ng kinatawan ng Camarines Sur na si Leni Robredo. Bilang tugon, nagsampa si Marcos ng protestang elektoral sa Presidential Electoral Tribunal na naglalaman ng mga akusasyon ng mga pandaraya. Taong 2021, napagsang-ayunang ibara ang petisyon ni Marcos matapos ang isinagawang pilotong muling pagbibilang sa mga piling lalawigan ng Negros Oriental, Iloilo, at Camarines Sur na nagresulta pa ng pagdagdag pa nga ng 15093 boto sa lamang ni Robredo. Kinalaunan nang taong iyon, isinapubliko ni Marcos ang kandidatura niya para sa pagka-Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022.

Si Ferdinand R. Marcos Jr. na pinangalanang Bongbong ay ipinanganak noong Setyembre 13, 1957, kay Ferdinand E. Marcos at Imelda Remedios Visitacion Romualdez. Ang kanyang amang si Ferdinand Sr. ay isang kinatawan ng Ikalawang Distreito ng Ilocos Norte nang siya ay ipinanganak at naging Senador pagkalipas ng 2 taon. Siya ay 8 anyos nang maging Pangulo ng Pilipinas ang kanyang ama noong 1965. Dahil ipinataw ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong 1972, si Bongbong ay 18 anyos na noong 1975 na edad ng legal majority sa Pilipinas[2][3]

Ang kanyang mga ninong ay kinabibilangan ng mga crony ng kanyang ama na si Eduardo "Danding" Cojuangco Jr.,[3](p286) at pharmaceuticals magnate Jose Yao Campos.[4]

Si Bongbong ay unang nag-aral sa Institucion Teresiana sa La Salle Greenhills sa Maynila nang makamit niya ang kanyang edukasyong kindergarten at elemetarya. Noong 1970, si Bongbong ay ipinadala sa Inglatera sa Worth School na isang all-boys Benedictine institution.

Pagkatapos nito, siya ay nag-enrolyo sa St Edmund Hall, Oxford upang mag-araal ng Pulitika, Pilosopiya at Ekonomika (PPE). Gayunpaman, sa kabila nang kanyang mga maling pag-aangkin na grumadweyt siya ng BA sa Pilosopiya. Politika at Ekonomika ,[5] hindi siya nagkamit ng isang degree.[6][7][8] Naipasa ni Bongbong ang subject na Pilosopiya pero pumapalpak sa Ekonomiya at sa Politika nang dalawang beses kaya hindi siya elihible para sa isang degree.[9][10] Sa halip, siya ay nagkamit ng Special Diploma sa Araling Panlipunan,[8] na isang award na para lamang sa mga mga hindi graduate ayon sa Briton na akademikong administrador na si Sir Norman Chester.[6][11]

Pagkatapos ng People Power Revolution, nalaman ng Presidential Commission on Good Government ang kanyang tuition at found out that , USD 10,000 buwanang allowance, at ang estate na kanyang tinirhan habang nag-aaral sa Wharton gamit ang pondong mababakas sa mga pondong intelihente ng Opisina ng Pangulo at bahagi ng ilang mga 15 bank account na sikretong binuksan ng pamilya Marcos sa Estados Unidos sa ilalim ng mga pekeng pangalan..[12]

Si Bongbong ay nag-enroll sa Masters in Business Administration program sa Wharton School of Business, University of Pennsylvania sa Philadelphia, U.S. pero nabigo itong makumpleto na kanyang inangking nag withdraw siya sa programa para sa kanyang pagtakbo sa halalan bilang Bise Gobernador ng locos Norte noong 1980.[13]

Mga maagang mga tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagaman ang kanyang karera bilang politiko ay nagsimula nang siya ay 23 anyos nang siya ay maging Bise Gobernador ng Ilocos Norte, ang political profile ng kanyang ama ay nangangahulugan ang mga anak ni Marcos lalo na si Bongbong at imee ay integral na bahagi ng Marcos propaganda machine.[14] Si Bongbong ay natulak sa pambansang nang siya ay 23 anyos at ang skrutiniya sa kanya ay lalong sumidhi nang tumakbo ang kang kanyang ama bilang Pangulo noong 1965.[15]

Noong kampanya ng kanyang ama noong 1965, siiya ay gumanap bilang kanyang sarili sa pelikulang Sampaguita Pictures na Iginuhit ng Tadhana: The Ferdinand E. Marcos Story na isang biyopiko na sinasabing batay sa pagganap ng kanyang ama sa nobelang For Every Tear a Victory.[14][15] Siya ay gumanap na nagbibigay ng isang pagtatalumpati sa huli ng pelikula na kanyang sinabing nais niyang maging isang pulitiko pag siya ay lumaki.[16] Ang halaga ng pubic relations ng pelikula ay sinasabing nakatulong sa pagkapanalo ng kanyang ama bilang Pangulo ng Pilipinas noong 1965.[17]

Pagsali sa administrasyong Marcos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Marcos Jr. ay 15 anyos noong 1972 nang ang kanyang amang si Ferdinand Marcos ay magdeklara ng Martial Law at sa United Kingdom dahil ipinadala sa siya sa board sa Worth School sa West Sussex.[2] Siya ay tumuntong na 18 anyos 1975,[18] isang taon pagkatapos niyang grumadweyt sa Worth school.[19] Dahil teknikal na isa siyang bata noong Batas Militar nang ito ay ideklara, kanyang inangking wala siyang pananagutan sa mga kamaliang nangyari noon.[20][21]

Gayunpaman, ayon sa mga imbbestigador na kumatologo sa kayamanan ng mga Marcos nang sila ay mapatalsik noong 1986 ay malaki silang nakinabang sa mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.[22][23][24] Sa karagdagan, sa panahon ng kanilang pagkakatalsik noong 1986 ang parehong sina Bongbong at Imee ay humawak ng mahahalagang posisyon sa admistrasyon ng kanilang ama.[22] Si Imee ay 30 anyos nang mahirang na pinuno nang Kabataang Barangay noong mga kalaunang dekada 1970,[22] at si Bongbong ay nasa mga bente anyos nang maing bise gobernador ng probinsiya ng Ilocos Norte noong 1980, at naging Gobernador nang probinsiya ng Ilocos Norte mula 1983 hanggang mapatalsik ang pamilya Marcos sa Malacañang noong 1986.[22]

Hindi maipaliwanag na kayamanan ng Pamilya Marcos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Bongbong ay 18 noong 1975 mga 3 taon pagkatapos ipataw ang Batas Militar noong 1972. Siya ay 23 anyos noong 1981 nang iaangat nang kanyang ama ang Batas Militar noong 1981 at siya ay 28 anyos nang mapatalsik ang kanyang pamilya sa Malacanang noong 1986 sa Himagsikan sa EDSA.,[18][22][23] Siya ay matanda noong Batas Militar nang maganap ang mga paglabag sa karapatang pantao, karahasan, atrosidad at mga pagnanakaw ng kanyang mga magulang na sina Imelda Marcos at Ferdinand Marcos at kanilang mga crony[25]

Sinsabing si Bongbong ay nakinabang sa hindi maipaliwanag ng kanyang pamilya. Bukod sa mamahaling tuition, kabilang dito ang buwanang allowance na at mga tirahang kanyang ginamit at ng kanyamg kapatid na si Imee Marcos sa Wharton at Princeton sa Estados Unidos.[23] Bukod dito, ang bawat anak na Maros ay binigyan ng mga mansiyon sa Metro Manila at Baguio City.[23] Kabilang sa mga ari-ariang binigay kay Bongbong ang Wigwam House compound sa Outlook Drive sa Baguio City,[23] at Seaside Mansion Compound sa Parañaque.[23]

Sa karagdagan, si Bongbong ay hinirang ng kanyang ama bilang chairman of the board ng Philippine Communications Satellite Corp (Philcomsat) noong 1985.[22] Sa isang kilalang halimbawa na tinawag ni Finance Minister Jaime Ongpin na Kapitalismong crony. Ang administrasyong Marcos ay nagbenta ng kanilang malaking bahagi sa kanilang mga crony gaya nina Roberto S. Benedicto,[26] Manuel H. Nieto,[26] Jose Yao Campos,[27] at Rolando Gapud[27] noong 1982 sa kabila nang pagiging makita nito dahil sa tungkulin nito bilang tanging ahente sa pagkakadawit ng Pilipinas sa pandaigdigang satellite network na Intelsat.[26] Ang kanyang ama ay nagkamit ng bahaging 39.9% sa kompanya sa pamamagitan ng mga prontang kompanya sa ilalim nina Campos at Gapud.[27] Si Bongbong ay hinirang ng kanyang ama na chairman of the Philcomsat board noong 1985 na nagbigay ng buwanang sahod mula US$9,700 hanggang US$97,000"[22][26] sa kabila ng bihirang pagpunta sa opisina at walang katungkulan doon.[22][26] Ang Philcomsat ang isa sa 5 kompanyang telecommunications na kinuha ng pamahalaan ng Pilipinas noong 1986.[26]

Pagkatapos ng himagsikan sa EDSA noong 1986

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa takot na ang presensiya ng mga Marcos ay magdudulot sa isang digmaang sibil, binawi ng Pangulo ng Estados Unidos na si Ronald Reagan ang pagsuporta sa administrasyong Maros. Ang isang partido ng mga 80 indibidwal ng pamilya Marcos at ilang mga crony ay pinalipad ni Reagan sa Hawaii, Estados Unidos sa kabila daw ng pagtutol ng pamilya Marcos.[28] Si Bongbong ay kasama ng kanyang mga magulang na lumipad sa Hawaii noong 1986.[29]

Kabilang sa mga bagay na itinala ng bagong pamahalaan ng Pilipinas na naiwan ng pamilyang Marcos sa Malacanang Palace nang lumikas ito patungo sa Hawaii ang 15 mink coat, 65 parasol, 508 mga gown, 888 handbag at 71 pares ng mga sunglass at mga 1,060 pares ng sapatos.[30] Iniulat na nang tumakas si Marcos, natuklasan ng mga ahente ng U.S. Customs ang 24 maleta ng mga brick na ginto at diamanteng hiyas na itinago sa mga diaper bag. Ang mga sertipiko ng gintong bullion na nagkakahalaga ng mga bilyong dolyar ay sinasabing kasama sa mga ari-ariang personal na dinala ni Marcos at kanyang pamilya at mga crony nang bigyan sila ng ligtas na daanan ng administrasyong Reagan patungong Hawaii.

Sila ay tumungo sa Hickam Air Force Base sagot ng pamahalaan ng Estados Unidos. Pagkatapos ng isang buwan, sila ay lumipat sa dalang mga tirahan sa sa Makiki Heights, Honolulu na nakarehistro sa mga crony ni Marcos na sina Antonio Floirendo at Bienvenido at Gliceria Tantoco.[kailangan ng sanggunian]

Noong 2011, inamin ni Bongbong na kumuha siya ng US$200 milyong dolyar mula sa isang sikretong akawnt sa banko sa Credit Suisse sa Switzerland.[31] Sinabi rin ng diyaryo na si Bongbong noong 1995 ang nagtulak para sa pamilya na makuha nila ang ikaapat ng tinatayang US$2 bilyon dolyar hanggang US$10 bilyong dolyar na hindi pa nababawi ng pamahalaan ng Pilipinas sa kondisyong babawiin ang mga kasong sibil sa kanyang pamilya na kalaunang binawi ng Korte Suprema ng Pilipinas.

Ang kanyang ama ay namatay sa Hawaii noong 1989 sa edad na 72.[32] Kalaunang hinayag ng militaryong aide ng kanyang na si Arturo C. Aruiza na si Bongnomg lang ang nasa kama sa kamatayan ng kanyang ama.[33]

Gaya ng ibang mga kasapi ng pamilya Marcos pagkatapos bumalik sa Pilipinas mula sa Hawaii,[34][35][36] si Bongbong ay tumanggap nang malalang pagbatikos dahil sa pilit nito tong pagtanggi sa mga karahasan, paglabag sa karapatang pantao, mga torture, mgapanggagahasa sa mga bumabatikos sa kanyang amang diktador at maluluhong pamumuhay at hindi maipaliwanag na kayamanan.[37][38][39] Nang inalala ng mga biktima nang diktaduryang Marcos ang ika-40 tao ng pagdedeklara ng illegal na Batas Militar, hindi humingi ng patawad si Bongbong at sinabing ang hinihingi ng mga mga naging bikitikma na patawad ay kayabangan, pagpoposturang politikal at propaganda.[40][41]

Pagkakasangkot sa Pork Barrel Scam noong 2013

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Janet Lim-Napoles
Kapanganakan
Janet Luy Lim

(1964-01-15) 15 Enero 1964 (edad 60)
NasyonalidadPilipino
Trabahoutak ng Pork barrel scam
AsawaJaime G. Napoles
Anak4
Magulang
  • Johnny C. Lim
  • Magdalena L. Luy

Si Bongbong Marcos ay nasangkot sa Pork barrel scam noong 2013 nang siya ay naglipat ng ₱100 milyon sa sa NGO ni Janet Lim-Napoles sa ilalim ng Pangalang Bongets.[42] [43] Ayon kay dating pork barrel scam legal counsel, Levito Baligod, may basehan ang mga reklamo ng iBalik ang Bilyones ng Mamamayan Movement (iBB) na isinampa sa Office of the Ombudsman kung saan ang ebidensiya sa 9 na Special Allotment Request Orders mula kay Bongbong ay iniulat na ipinapasa sa isa sa mga NGO ng utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles. Binanggit ang Social Development Program for Farmers Foundation, Inc. (SDPFFI), isang NGO ni Napoles na minsang hinawawakan ng whistleblower na si Benhur Luy.[44] Ayon sa dating empleyado ng JLN Corp. na si Mary Arlene Baltazar, ang ₱500 milyon mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng mga mambabatas ay inilaan sa mga NGO ni Napoles.[45]

Sinabi rin ni Baligod na hindi lamang ang pekeng NGO ng utak ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles kunsang nakakuha si Bongbong ng 100 milyong piso sa isang pekeng NGO na nakakuha siya ng kickback na nagkakahalagang P100 milyon.[46]

Ang pag-amin ng saksing si [[Benhur Luya] na pinaeka niya ang mga pirma ng nga mga mambabatas uko sa likwidasyon at ibang dokumento ay karagdang sumusuporta sa mga pag-aangkin ni Bongbong na ang mga pirma ay pineka sa ilang NGO ni Janet Lim-Napoles. Btay sa liham n, sinasabing pinirmahan niya ang isang liham noong Marso 16, 2012 na pumpapayag sa NLDC na maglabas ng P100 million mula sa kanyang PDAF saapat na NGO: Ginintuang Alay sa Magsasaka Foundation Inc., P5 million; Agricultura Para sa Magbubukid Foundation Inc., P25 million; Kaupdanan Para sa Mangunguma Foundation Inc., P25 million; and Angri and Economic Program for Farmers Foundation Inc., P45 million.[47]

Karerang Politikal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang 1986

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang unang hinawakang tungkulin ni Bongbong ay bilang Bise Gobernador ng Ilocos Norte (1980–1983) sa edad na 23. Noong 1983, pinangunahan niya ang isang pangkat ng mga kabataang lider na Pilipino sa Tsina upang gunitain ang ika-10 anibersaryo ng ugnayan ng Pilipinas at Tsina.[48]

Si Bongbong ay naging Gobernador ng Ilocos Norte mula 1983 hanggang mapatalsik ang kanyang pamilya sa Malacanang noong 1986. At pagkatapos nito ay tumungo sa Hawaii, Estados Unidos.[49]

Kongreso, unang termino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos bumalik si Bongbong sa Pilipinas noong 1991 mula sa Estados Unidos, siya ay tumakbo at nahalal na kinatawan sa Kapulungan ng Pilipinas sa ika-2 distrito ng Ilocos Norte(1992–1995).[50] When his mother, Imelda Marcos, ran for president in the same election, however, he decided against supporting her candidacy, and instead expressed support for his godfather Danding Cojuangco.[51] Sa kanyang termino, si Bongbong ay sumulat ng 29 panukalang batas at kapwa sumulat ng 90 pang panukalang batas na lumikha sa Department of Energy and the National Youth Commission.[52] Siya rin ay instrumental sa pagsusulong ng mga kooperatiba sa paglilipat ng kanyang Countryside Development Fund (CDF) sa paglikha ng mga kooperatiba ng mga titser at magsasaka sa kanyang probinsiyang Ilocos Norte[53][54][better source needed] In October 1992, Marcos lead a group of ten representatives in attending the first sports summit in the Philippines, held in Baguio City.[55]

Noong 1995, siya ay tumakbo bilang Senador ng Pilipinas ngunit natalo.[56]

Gobernador ng Ilocos Norte

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nahalal muli si Bongbong bilang Gobernador ng Ilocos Norte noong 1998 laban sa malapit na kaibigan ng kanyang amang si Roque Ablan Jr. Siya ay nahalal sa magkakasunod na tatlong termino na natapos nooong 2007.[57]

Kongreso, ikalawang termino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2007, Si Bongbong ay walang kalaban na nahalal na dating hinawakan ng kanyang kapatid na si Imee Marcos.[58] Siya ay nahalal na Diputadong Punong Minoridad ng Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas. Sa kanyang termino. isa isa pinakamahalagang panukalang batas na kanyang sinulong ang Philippine Archipelagic Baselines Law, o Republic Act No. 9522.[52][59] Sinulong rin niya ang Republic Act No. 9502 (Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act) na naging batas noong 2009.[60]

Si Bongbong sa Kapihan sa Senado forum noong Hunyo 2014

Noong 1995, siya ay tumakbo sa Senado sa ilalim ng koalisyong NPC ngunit natalo. Nagtangka uli siya bilang Senador noong 2010 at nananalo bilang ikapitong nanalo.

Noon Nobyembre 2005, ang KBL ay lumikha ng aliansa sa Nacionalista Party (NP) sa pagitan ni Bongbong at NP chairman Senador na si Manny Villar sa Laurel House sa Mandaluyong. Si Bongbong ay naging isang bisitang kandidato ng Senado ng NP sa pamamagitan ng alyansang ito.[61]

Si Bongbong ay kalaunang naalis na kasapi ng Kilusang Bagong Lipunan ng KBL National Executive Committee noong Nobyembre 23, 2012.[62]

Dahil dito, ang NP ay humiwalay sa KBL dahil sa mga hidlutan sa loob ng partido. Gayunpaman, si Bongbong ay nanatiling kasapi ng NP senatorial line-up.[61]

Siya ay nanalong Senador noong 2010.

Sa kamara, ng ika-15 Kongreso (2010–2013), sinulong ni Bongbong ang 34 panukalang batas. Kasama rin niyang sumulat ng 17 panukalang batas na naging batas.[52] Ito ay kinabibilangan ng Anti-Drunk at Drugged Driving Act na ang pangunahing may akda ay si Senador Vicente Sotto III; ang Cybercrime Prevention Act na ang pangunahing may akda ay si Senador Edgardo Angara; at ang pinalawig na Anti-Trafficking in Persons at ang National Health Insurance Acts, na parehong ang may akda ay si Senator Loren Legarda.

Sa ika-16 na kamara (2013–2016), sinulong ni Bonbong ang 52 panukalang batas na ang 28 ay muling isinampa sa ika-15 Kongreso. Isa sa mga ito ay naging batas na Senate Bill 1186, na naglalayong ihinto ang halalang 2013 Sangguniang Kabataan (SK), na naisabatas bilang Republic Act 10632 noong Oktubre 3, 2013.

Kapwa sinulat rin ni Bongbong ang 4 na panukalang batas sa Senada noong ika-16 Kongreso. Isa sa sa mga ito, ang Panukalang batas na 712 na isinulat ni Snador Ralph Recto, na naging batas na Republic Act 10645, Ang Pinalawig na Senior Citizens Act noong 2010.[52][63]

Isa siya sa sa mga ng chairman ng mga komite sa Senado na nauukol lokal na pamahalaan at publikong paggawa. Isa rin siyang chair ng komite Senate committees on local sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Organic Act, the congressional oversight panel on the Special Purpose Vehicle Act, at isa ng napili sa komite sa mga gawaing pam-barangay.[64][better source needed]

Pagtakbo sa Bise Presidente noong 2016

[baguhin | baguhin ang wikitext]
May koleksyon ng mga sipi ang Wikiquote sa Ingles tungkol sa paksa ng artikulong ito.

Noong Oktubre 5, 2015, inanunsiyo ni Bongbong na tatakbo siya bilang Bise Presidente sa 2016 halalan.[65] Si Bongbong ay tumakbo bilang independent candidate.[66] Bago nito, tumanggi siya sa imbitasyon ni Bise Presidente Jejomar Binay, na maging running mate.[67] Noong Oktubre 15, 2015, kinumpirma ng tatakbo bilang Presidente na si Miriam Defensor Santiago na si Bongbong ang kanyang magiging Bise Preisente running mate.[68]

Siya ay natalo kay Camarines Sur Representative Leni Robredo, sa botong 263,473.[69][70]

Pagpoprotesta sa resulta ng eleksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naghain ng protesta si Bongbong sa pagkapanalo ni Bise Presidente Leni Robredo.[71][72] Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, siya ay magbibitiw kung si Bongbong ang susunod sa kanya kesa kay Robredo.[73]

Sa isang muling pagbibilang ng mga boto noong Abril 2018 na sumasakop sa polling precint ng Iloilo, Camarines Sur, na mga lugar na pinili ni Bongbong. Noong Oktubre 2019, nalaman ng tribunal na lumaki ang lamang ni Robredo ng 278,566 mga boto mula sa orihinal na boto ni Robredo na 263,473 pagkatapos ng muling pagbilang ng mga balota mula sa 5,415 presinto na pinili ni Bongbong.[74] Noong Pebrero 16, 2021, lahat ng PET ay binalewala ang protesta ni Bongbong.[75][76]

Kampanya bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2022

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inanunsiyo ni Bongbong noong Oktubre 5, 2021 na tatakbo siya bilang Pangulo ng Pilipinas sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas sa pamagitan ng isang video post sa Facebook at inendorso ng dati niyang partido na Kilusang Bagong Lipunan.[77][78] Isinumite ni Bongbong ang sertipiko ng pagkandidato sa Commission on Elections nang sumunod na araw.[79]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Bongbong ay ikinasal kay Louise "Liza" Cacho Araneta at may tatlong anak: Ferdinand Alexander III "Sandro" (born 1994), Joseph Simon (born 1995) and William Vincent "Vince" (born 1997) na nag-aral sa mga mamamahaling paaralan sa ibang bansa gaya ng Worth School at University of London sa Inglatera[80][81]

Hindi siya marunong magsalita ng Ilocano.[82]

Mga kaso sa korte

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Konbiksiyon sa hindi pagbabayad ng buwis noong 1995

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hulyo 27, 1995, kinonvict at hinatulan ni Quezon City Regional Trial Court Judge Benedicto Ulep si Bongbong ng 7 taon sa kulungan at pinagmulta ng US$2,812 dolyar dahil sa hindi pagbabayad ng buwis mula 1992 hanggang 1986 dahil sa hindi sa pagbabayad ng buwis bilang Bise Gobernador ng Ilocos Norte (1980–1983) at bilang Gobernador ng Ilocos Norte(1983–1986).[83] Inapela ni Bongbong ang desisyon sa,,[Court of Appeals of the Philippines|Court of Appeals]].

Noong Oktubre 31, 1997, pinagtibay ng Court of Appeals ang konbiksiyon dahil sa hindi pagbabayad ng buwis ngunit na hindi nakulong pinagbayad parin si Bongbong ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nang may interes na tumutugma sa PHP2,000 kada bilang dahil sa hindi pagbabayad ng buwis mula 1982 hangggang 1984 at PHP30,000 para sa 1985 at mga interes.[84] Si Bongbong ay kalaunang naghain ng petisyon na certiorari sa Korte Suprema ng Pilipinas ngunit binawi ito noong Agosto 8, 2001 kaya ang hatol ay naging pinal na at dapat ipatupad.[85]

Noong 2021. pinatunayan ng Quezon City Regional Trial Court na walang binayad si Bongbong na multa at mga buwis na dapat niyang bayaran.[86][87]

Gayunpaman may mga dokumento ang Korte Suprema. BIR at isang resibo mula sa Land Bank of the Philippines na binayaran na niya ang dapat niyang bayaran.[88][89]

Hatol ng Korte ng Hawaii, Estados Unidos noong 2011

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 2011, hinatulan si Bongbong at ang kanyang inang si Imelda Marcos ng Hawaii District Court sa ayaw magbayad sa hatol noong 1992 kaso na isinampa ng mga biktima ng diktadurya ng kanyang amang si Ferdinand Marcos. Sila ay pinagmulta ng USD353.6 milyong dolyar. [90][91][92] Ang hatol ay pinagtibay ng Ninth Circuit Court of Appeals ng Estados Unidos noong Oktubre 24, 2012 at ang pinakamalaking hatol na pinatibay ng appellate court ng Estados Unidos.[92]

Bagaman ang kaso noong 1992 ay laban kay Ferdinand Marcos, ang hatol noong 2011 ay para kay Bongbong at kanyang inang si Imelda Marcos.[93]

Ang hatol ay epektibo ring humaharang kay Bongbong at Imelda sa pagpasok sa Estados Unidos.[90]

Ayaw magbayad ng higit sa 203 bilyong piso sa buwis sa mga ari-arian ng mga Marcos

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang BIR ay sumulat kay Bongbong noong Disyembre 2, 2021 na bayaran na ang higit sa 203 bilyong pisong utang ng kanyang pamilya sa buwis sa pamahalaan ng Pilipinas na binigyan ng pinal na desisyon ng Korte Suprema ng Pilipinas noong 1997.[94]

Hindi pagsali sa mga debateng pampangaluhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Bongbong ay tinuligsa ng marami dahil sa intensiyonal na hindi paglahok sa mga debateng pamapanguluhan na isinagawa ng CNN at COMELEC at iba pa.

Pagtanggal ng Facebook at Twitter sa mga pekeng account na nauugnay kay Bongbong

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Inihayag ng Facebook at Twitter na binan o permanenteng tinanggal ang mga peke at troll na account nauugnay kay Bongbong na nagpapakalat ng mga pekeng balita. Ang dahilan ng pagtanggal ang manipulasyon at pandaraya.[95] Ayon sa isang pag-aaral, si Bongbong ang kandidatong pinaka-nakinabang sa pagpapalaganap ng mga fake news sa mga social media site gaya ng facebook at twitter ng mga troll farms.[96]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Bongbong takes a bride". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corp. Abril 19, 1993. p. 4. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 9, 2021. Nakuha noong Oktubre 10, 2021. Rep. Ferdinand (Bongbong) Marcos II wed his fiancee, Louise 'Lisa' Araneta Saturday [April 17] at the Church of St. Francis in Siesole [sic], Italy.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Legaspi, Amita O. (Setyembre 21, 2014). "Where was Bongbong Marcos when martial law was declared in 1972?". GMA News and Public Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2018. Nakuha noong Setyembre 2, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Seagrave, Sterling (1988). The Marcos dynasty. New York...[etc.]: Harper & Row. ISBN 0060161477. OCLC 1039684909.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Wilson Lee Flores (Mayo 8, 2006). "Who will be the next taipans?". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 26, 2022. Nakuha noong Enero 12, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Marcos: Special diploma from Oxford is same as bachelor's degree". Enero 21, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 31, 2022. Nakuha noong Enero 12, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Oxford: Bongbong Marcos' special diploma 'not a full graduate diploma'". RAPPLER (sa wikang Ingles). 2021-10-26. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-08. Nakuha noong 2022-01-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Resume of Senator Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr". Senate of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 18, 2015. Nakuha noong November 12, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  8. 8.0 8.1 "Oxford group: Marcos received special diploma, no college degree". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-08. Nakuha noong 2022-01-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Marcos Pa Rin! The Legacy and the Curse of the Marcos Regime". Kasarinlan: Philippine Journal of Third World Studies. 28: 456. 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 6, 2021. Nakuha noong November 6, 2021. {{cite journal}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  10. Collas-Monsod, Solita (November 6, 2021). "Yes, I tutored Bongbong in Economics". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 18, 2021. Nakuha noong Enero 12, 2022. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  11. Ariate, Joel F.; Reyes, Miguel Paolo P.; Del Mundo, Larah Vinda (Nobyembre 1, 2021). "The documents on Bongbong Marcos' university education (Part 1- Oxford University)". Vera Files. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 3, 2022. Nakuha noong Enero 12, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Manapat, Ricardo (1991) Some Are Smarter Than Others. Aletheia Press.
  13. "Bongbong Marcos: Oxford, Wharton educational record 'accurate'". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 18, 2015. Nakuha noong November 12, 2015. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  14. 14.0 14.1 Gomez, Buddy (Agosto 26, 2015). "A romance that began with deception". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 28, 2018. Nakuha noong Abril 27, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. 15.0 15.1 "Bongbong Marcos: Iginuhit ng showbiz". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 30, 2020. Nakuha noong Abril 27, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. Geronimo, Gee Y. (Oktubre 12, 2015). "9 things to know about Bongbong Marcos" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 20, 2018. Nakuha noong Abril 27, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Garcia, Myles (Marso 31, 2016). Thirty Years Later . . . Catching Up with the Marcos-Era Crimes (sa wikang Ingles). ISBN 9781456626501. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 26, 2022. Nakuha noong Enero 12, 2022.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 "Is Bongbong Marcos Accountable?". The Martial Law Chronicles Project (sa wikang Ingles). Marso 7, 2018. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 8, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Elections 2016". Inquirer.net. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-02-16. Nakuha noong 2022-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Tell it to Sun.Star: Bongbong's sins". SunStar. Pebrero 11, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 29, 2021. Nakuha noong Enero 12, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Sauler, Erika 'Carmma' to hound Bongbong campaign February 5, 2016, http://newsinfo.inquirer.net/761701/carmma-to-hound-bongbong-campaign Naka-arkibo 2020-08-05 sa Wayback Machine.
  22. 22.0 22.1 22.2 22.3 22.4 22.5 22.6 22.7 Punzalan, Jamaine No 'Martial Law' babies: Imee, Bongbong held key posts under dad's rule ABS CBN News November 25, 2016, http://news.abs-cbn.com/focus/11/22/16/no-martial-law-babies-imee-bongbong-held-key-posts-under-dads-rule Naka-arkibo 2022-01-18 sa Wayback Machine.
  23. 23.0 23.1 23.2 23.3 23.4 23.5 Ricardo, Manapat (1991). Some are smarter than others : the history of Marcos' crony capitalism. New York: Aletheia Publications. ISBN 9719128704. OCLC 28428684.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Garcia, Myles (2016). Thirty Years Later... Catching Up with the Marcos-Era Crimes. ISBN 9781456626501.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Yap, DJ (Oktubre 1, 2017). "Imee, Bongbong old enough during martial law years, says solon". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 28, 2021. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 26.2 26.3 26.4 26.5 Scott, Ann (Marso 17, 1986). "U.S. auditors to examine documents related to Philippines' alleged diverted funds" (sa wikang Ingles). UPI. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 14, 2017. Nakuha noong Abril 27, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. 27.0 27.1 27.2 Butterfield, Fox (Marso 30, 1986). "Marcos's Fortune: Inquiry in Manila Offers Picture of How it Was Acquired". The New York Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 29, 2018. Nakuha noong Mayo 29, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Duet for EDSA: Chronology of a Revolution. Manila, Philippines: Foundation for Worldwide People Power. 1995. ISBN 9719167009. OCLC 45376088.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. Holley, David (Pebrero 27, 1986). "Marcos Party Reaches Hawaii in Somber Mood". Los Angeles Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 22, 2015. Nakuha noong Agosto 16, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  30. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-08-19. Nakuha noong 2022-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. "Marcos' son still eyes share of loot". Setyembre 24, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 25, 2017. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Richburg, Keith B.; Branigin, William (Setyembre 29, 1989). "Ferdinand Marcos Dies in Hawaii at 72". The Washington Post. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 16, 2018. Nakuha noong Agosto 16, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. Aruiza, Arturo C. (1991). Ferdinand E. Marcos : Malacañang to Makiki. Quezon City, Philippines: ACA Enterprises. ISBN 9718820000. OCLC 27428517.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "EDSA People Power: Inadequate Challenge to Marcos Revisionism" (sa wikang Ingles). Center for Media Freedom and Responsibility. March 10, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 24, 2018. Nakuha noong September 23, 2018. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  35. Hernando-Malipot, Merlina (September 7, 2018). "UP faculty vows to fight historical revisionism". Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 24, 2018. Nakuha noong September 24, 2018. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  36. de Ynchausti, Nik (Setyembre 23, 2016). "Why has Marcos' propaganda lived on?". Esquire Magazine Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 27, 2016. Nakuha noong Setyembre 27, 2016.{{cite magazine}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  37. Padron:Critics
  38. Ayee Macaraig (Agosto 16, 2015). "Bongbong on 2016: No downside to being a Marcos". Rappler.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 9, 2020. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Elizabeth Marcelo (Pebrero 29, 2016). "Bongbong Marcos to critics: Allow young voters to make own judgment". GMA News Online. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 14, 2017. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. Tan, Kimberly Jane (September 21, 2012). "Martial Law in the eyes of the late strongman Marcos' son". GMA News. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 20, 2021. Nakuha noong Enero 13, 2022. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  41. Quimpo, Susan (Oktubre 14, 2012). "Enrile's memoir gives me sleepless nights". GMA News. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 17, 2022. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-13. Nakuha noong 2022-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-18. Nakuha noong 2022-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-18. Nakuha noong 2022-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-09-12. Nakuha noong 2022-01-12.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-18. Nakuha noong 2022-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-01-18. Nakuha noong 2022-01-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "The Profile Engine". The Profile Engine. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 28, 2018. Nakuha noong Nobyembre 12, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "The End of an Era – Handholding Ferdinand Marcos in Exile". Association for Diplomatic Studies and Training. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 17, 2015. Nakuha noong November 12, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  50. "Smell good, Feel good". Blackwater. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 17, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  51. Bocobo, Ariel (Disyembre 17, 1991). "Public is victim in Senate coup". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corp. p. 11. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 14, 2021. Nakuha noong Disyembre 14, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. 52.0 52.1 52.2 52.3 Bueza, Michael (Pebrero 25, 2015). "Highlights: Bongbong Marcos as legislator". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 20, 2021. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. ((cite:https://northwatch.wordpress.com/2009/12/17/bongbong%25E2%2580%2599-says-urdaneta-close-to-his-heart/%7Caccess-date=November[patay na link] 12, 2015|archive-url=https://web.archive.org/web/20180123230314/https://northwatch.wordpress.com/2009/12/17/bongbong%E2%80%99-says-urdaneta-close-to-his-heart/%7Carchive-date%3DJanuary 23, 2018|title='Bongbong' says Urdaneta close to his heart|last=Maganes|first=Virgilio Sar.|url-status=dead}}
  54. "About Bongbong Marcos". Bongbong Marcos. Inarkibo mula sa orihinal noong Abril 24, 2022. Nakuha noong Nobyembre 12, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  55. "Solons, gov't execs join cast for Sports Summit". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corp. Oktubre 21, 2021. p. 22. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 31, 2021. Nakuha noong Nobyembre 1, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. "Marcos hits alleged election cheating". United Press International. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 17, 2015. Nakuha noong November 12, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  57. "Ferdinand Bongbong R. Marcos Jr. Biography in California". digwrite. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 18, 2015. Nakuha noong Nobyembre 12, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  58. "Priest's rival claims victory". Philippine Daily Inquirer. Mayo 17, 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 22, 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  59. "R.A. 9522". lawphil.net. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 4, 2016. Nakuha noong Nobyembre 12, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  60. "G.R. No. 190837, March 05, 2014 – Republic of the Philippines, Represented by the Bureau of Food and Drugs (Now Food and Drug Administration), Petitioner, v. Drugmaker's Laboratories, Inc. and Terramedic, Inc., Respondents. : March 2014 – Philippine Supreme Court Jurisprudence". Chanrobles Virtual Law Library. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 18, 2015. Nakuha noong November 12, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  61. 61.0 61.1 Mendez, Christina (Disyembre 9, 2009). "=Nacionalista Party breaks alliance with Kilusang Bagong Lipunan". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2015. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  62. Echeminada, Perseus (Nobyembre 24, 2009). "Bongbong ousted from KBL after joining Nacionalista Party". The Philippine Star. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2015. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  63. Marcelo, Elisabeth (2014-11-11). "PNoy signs law for automatic PhilHealth coverage for senior. citizens". GMA News and Public Affairs (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-10-19. Nakuha noong 2021-10-09.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  64. "Ferdinand 'Bongbong' Marcos". politiker.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobiyembre 18, 2015. Nakuha noong November 12, 2015. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  65. Lozada, Aaron (Oktubre 5, 2015). "Bongbong to run for VP". ABS-CBN News and Current Affairs. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 7, 2015. Nakuha noong Oktubre 5, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  66. Antiporda, Jefferson (Oktubre 5, 2015). "Marcos throws hat in VP derby". The Manila Times. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 17, 2015. Nakuha noong Oktubre 8, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  67. Torregoza, Hannah (Oktubre 6, 2015). "Bongbong declares VP bid in 2016, gets Duterte's assurance of support". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 9, 2015. Nakuha noong Oktubre 6, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  68. Hegina, Aries Joseph (Oktubre 15, 2015). "Miriam Santiago confirms Bongbong Marcos is her vice president". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 17, 2015. Nakuha noong Oktubre 15, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  69. Rosario, Ben; Santos, Jel (Mayo 27, 2016). "Duterte victory affirmed; Robredo wins VP race on husband's birthday". Manila Bulletin. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 30, 2016. Nakuha noong Mayo 28, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  70. Pasion, Patty (Mayo 27, 2016). "Duterte, Robredo to be proclaimed next week". Rappler. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 28, 2016. Nakuha noong Mayo 28, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  71. "Marcos poll protest prompted years-long battle with falsehoods on social media". VeraFiles (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2021. Nakuha noong Pebrero 16, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  72. Batino, Clarissa; Calonzo, Andreo (Agosto 15, 2018). "Philippines' Duterte Won't Stop Talking About Quitting". India: Bloomberg Quient. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 15, 2018. Nakuha noong Agosto 15, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  73. Nicolas, Bernadette D. (August 16, 2018). "Duterte may resign if Bongbong wins protest" (sa wikang Ingles). BusinessMirror. Inarkibo mula sa orihinal noong Septiyembre 3, 2018. Nakuha noong September 3, 2018. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  74. "Electoral tribunal orders Comelec to comment on VP poll protest". CNN. Setyembre 30, 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 27, 2020. Nakuha noong Oktubre 27, 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  75. Navallo, Mike (Pebrero 16, 2021). "SC junks Bongbong Marcos' poll protest vs Vice President Robredo". ABS CBN News and Public Affairs (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2021. Nakuha noong Pebrero 16, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  76. Torres-Tupas, Tetch (Pebrero 16, 2021). "PET dismisses Marcos poll protest vs Robredo, stresses 'entire' case junked". The Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2021. Nakuha noong Pebrero 16, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  77. Sharma, Akanksha; Westcott, Ben (Oktubre 6, 2021). "Ferdinand 'Bongbong' Marcos, son of late dictator, announces Philippines presidential bid". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2021. Nakuha noong Oktubre 6, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  78. Punzalan, Jamaine (Setyembre 24, 2021). "Kilusang Bagong Lipunan nominates Bongbong Marcos as 2022 presidential bet". ABS-CBN News. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2021. Nakuha noong Oktubre 6, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  79. Patinio, Ferdinand (Oktubre 6, 2021). "Bongbong Marcos files candidacy for president". Philippine News Agency. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 6, 2021. Nakuha noong Oktubre 6, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  80. News, ABS-CBN (Abril 22, 2018). "Bongbong Marcos marks silver anniversary with wife Liza". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 22, 2020. Nakuha noong Abril 6, 2020. {{cite web}}: |last= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  81. "Son of Bongbong Marcos earns master's degree from London university". cnn (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 3, 2020. Nakuha noong Abril 6, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  82. ,,,"Solid North still a rock for Bongbong Marcos, but some students speaking up". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-02-09. Nakuha noong 2022-01-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  83. "Marcos Jr. sentenced to 7 years in jail". United Press International. Hulyo 31, 1995. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 11, 2022. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  84. "1995 tax evasion case could send Bongbong Marcos to jail". The Manila Times. Nobyembre 6, 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 28, 2021. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  85. 3, 2021 "RECORDS: Bongbong Marcos' 1997 tax conviction hounds him in 2022 campaign". Rappler. Nobyembre 3, 2021. {{cite news}}: Check |url= value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  86. "Court: No record of Marcos complying with tax judgment". Rappler. Disyembre 3, 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 15, 2022. Nakuha noong Enero 13, 2022.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  87. Mendoza, John Eric (2021-12-03). "Court records show Bongbong Marcos did not pay penalty in tax evasion case — petitioners". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-12-19. Nakuha noong 2021-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  88. Canlas, Jomar (2021-12-06). "BBM paid taxes, documents show". The Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-12-19. Nakuha noong 2021-12-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  89. Patag, Kristine Joy. "Marcos team answers petitioners' court certificate with BIR document of payment in tax case". Philstar.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-12-22. Nakuha noong 2021-12-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  90. 90.0 90.1 "Marcoses lose US appeal". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). 2012-10-29. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-30. Nakuha noong Nobyembre 8, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  91. "Imelda, 'Bongbong' Marcos Ordered To Pay $354M Fine". Honolulu Civil Beat (sa wikang Ingles). 2012-10-27. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-06-19. Nakuha noong Nobyembre 8, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  92. 92.0 92.1 "Group wants US order vs Imelda, Bongbong enforced". ABS CBN News an Public Affairs (sa wikang Ingles). 2015-07-02. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 8, 2021. Nakuha noong Nobyembre 8, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  93. Inquirer, Philippine Daily (Nobyembre 4, 2012). "Marcoses in contempt". Philippine Daily Inquirer (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 7, 2012. Nakuha noong Nobyembre 8, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  94. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-03-31. Nakuha noong 2022-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  95. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-03-31. Nakuha noong 2022-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  96. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-03-25. Nakuha noong 2022-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)