Pinalamanang tinapay
Ang pinalamanang tinapay o tinapay na may palaman ay isang uri ng pagkaing ginawa na may isa o maraming hiwa ng tinapay.[1] na may isa o maraming mga palaman.[2] Maaaring gamitin ang tinapay bilang gayun lamang, o maaaring pahiran o balutan ng mantikilya, margarina, langis o mantikang mula sa gulay, mustasa, o iba pang mga kondimento upang mapainam ang lasa o tekstura. Isa itong magaang na minandal o miryenda. Tinatawag na mga hiwa o sapin ng tinapay ang mga piraso ng tinapay na kabilang sa isang pinalamanang tinapay. Maraming mga tao ang nasisiyahan sa paggawa at pagkain ng tinapay na pinalamanan dahil madali at maginhawang ihanda ito. Madali rin itong kainin na maaaring hawakan lamang ng isang kamay na hindi gumagamit ng anumang mga kagamitan, katulad ng kubyertos, kaya't makakagawa pa ng ibang bagay ang isang malayang kamay. Ngunti may mga tao ring nais kumain ng pinalamanang tinapay habang tangan ng dalawang mga kamay. Pangkaraniwang pinababaon ito sa mga batang mag-aaral, na ibinabalot sa malinis na pambalot kaya't nananatiling sariwa at inilalagay pa sa kahong pangtahalian o kahang baunan. Halimbawa nito ang tinapay na may palamang hamburger.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Britannica Online
- ↑ Abelson, Jenn. "Arguments spread thick". The Boston Globe, Nobyembre 10, 2006. Nakuha noong 27 Mayo 2009.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.