Musashi (barkong pandigmang Hapones)
Ang Musashi habang lumilisan sa Brunei noong Oktubre 1944 para sa Labanan sa Golpo ng Leyte

History | |

Hapon | |
Pangalan: | Musashi |
Kapangalan: | Lalawigan ng Musashi |
Hiniling: | Hunyo 1937 |
Tagabuo: | Mitsubishi Shipyard, Nagasaki |
Simula ng paggawa: | 29 Marso 1938 |
Inilunsad: | 1 Nobyembre 1940 |
Nilagay sa serbisyo: | 5 Agosto 1942 |
Stricken: | 31 Agosto 1945 |
Kapalaran: | Lumubog noong Labanan sa Golpo ng Leyte, 24 Oktubre 1944 |
General characteristics | |
Class and type: | Yamato-class battleship |
Displacement: |
list error:
list (help) 68,200 long ton (69,300 t) (normal) 72,800 long ton (74,000 t) (full load) |
Length: |
list error:
list (help) 244 m (800 tal 6 pul) (p/p) 263 m (862 tal 10 pul) (o/a) |
Beam: | 36.9 m (121 tal 1 pul) |
Draft: | 10.86 m (35 tal 8 pul) (full load) |
Installed power: |
list error:
list (help) 150,000 shp (110,000 kW) 12 × Kanpon water-tube boilers |
Propulsion: |
list error:
list (help) 4 × propellers 4 × steam turbines |
Speed: | 27.46 knot (50.86 km/h; 31.60 mph) |
Range: | 7,200 nmi (13,300 km; 8,300 mi) at 16 knot (30 km/h; 18 mph) |
Complement: | 2,500 |
Sensors and processing systems: |
list error:
list (help) 1 × Type 21 air search radar 1 × Type 0 hydrophone system |
Armament: |
list error: mixed text and list (help)

Armor: |
list error: mixed text and list (help)

Aircraft carried: | 6–7 floatplanes |
Aviation facilities: | 2 × catapults |
Ang Musashi (Nihonggo:武蔵) ay ang ikalawang barko ng klaseng Yamato ng Imperyong Hukbong Dagat ng Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Siya at ang kanyang kapatid na barko, ang Yamato, ay ang pinakamabigat at pinakamakapangyarihang armadong barkong pandigma na nalikha sa kasaysayan, na kayang magpatinag ng 72,800 tonelada sa kabuuang bigat at armado ng siyam na 46 na sentimetro (18.1 pulgada) na Type 94 na mga pangunahing baril. Wala sa dalawang barko ang nakaligtas sa digmaan.
Ipinangalan sunod sa sinaunang Lalawigan ng Musashi,[1] ang Musashi ay kinomisyon noong kalagitnaan ng 1942, na binago upang magsilbi bilang punong barko (flagship) ng Pinagsanib na Plota (Combined Fleet), at nanatili sa nalalabing bahagi ng taon na nagsasanay. Inilipat ang barko sa Truk noong unang bahagi ng 1943 at sumugod nang maraming ulit sa loob ng taóng iyon kasama ang plota habang bigong hinahanap ang mga puwersang Amerikano. Ginamit siya upang ilipat ang mga puwersa at kagamitan sa pagitan ng Hapon at iba't ibang mga nasakop na pulò nang maraming ulit noong 1944. Dahil naturpido noong unang bahagi ng 1944 ng isang Amerikanong submarino, napilitan ang Musashi na bumalik sa Hapon upang kumpunihin, kung saan pinalakas ng hukbong dagat ang anti-aircraft armament nito. Naroon ang barko noong Labanan sa Dagat Pilipinas noong Hunyo, subalit hindi nito nakasagupa ang mga nakapalibot na puwersang Amerikano. Pinalubog ang Musashi ng tinatayang 19 na turpido at 17 pambobomba mula sa carrier-based aircraft ng mga Amerikano noong 24 Oktubre 1944 sa kasagsagan ng Labanan sa Golpo ng Leyte. Mahigit sa kalahati ng sakay nito ang nailigtas.
Natagpuan ang napinsalang mga bahagi ng barko noong Marso 2015 ni Paul Allen at ng kanyang pangkat ng mananaliksik.[2]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Silverstone, p. 334
- ↑ Henly, Jon (04 Mar 2015 19:29 GMT). "US billionaire Paul Allen discovers wreck of Japan's biggest warship Musashi". The Guardian. UK: Guardian News and Media Limited. Nakuha noong 07 Mar 2015.
{{cite web}}
: Check date values in:|accessdate=
at|date=
(tulong)