Aladdin
Si Aladdin (Arabe: علاء الدين, ʻAlāʼ ad-Dīn, IPA: [ʕalaːʔ adˈdiːn]; meaning, "glory of religion"[1][2]) o Aladino ay isang tauhan at pamagat ng kuwentong bayan mula sa Gitnang Silangan. Bilang kuwento, isa itong bahagi ng Ang Aklat ng Isang Libo't Isang Gabi (Mga Gabing Arabo), at isa sa pinakatanyag, bagaman idinagdag lamang ito sa kalipunang ito ni Antoine Galland.[3] Ang kuwento hinggil kay Aladdin ay pinamagatang Si Aladino at ang Mahiwagang Lampara.
Kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lalaking si Aladdin na nasa kaniyang kabataan ay sinabihan ng isang salamangkero (madyikero) na kuhanin ang isang lampara ng langis magmula sa isang yungib. Nakuha ni Aladdin ang lampara, subalit tinangka ng salamangkero na linlangin si Aladdin. Kung kaya't itinabi ni Aladdin ang lampara para sa kaniyang sarili. Nalaman ni Aladdin na mayroong isang djinn (Genie) sa loob ng lampara. Matutupad ng djinn ang bawat isang kahilingan ng may-ari ng lampara. Sa pamamagitan ng tulong ng djinn, yumaman at naging makapangyarihan si Aladdin, at napakasalan niya ang isang prinsesa. Nagbalik ang salamangkero at nalinlang nito ang asawa ni Aladdin upang maibigay sa kaniya ang lampara. Nalaman ni Aladdin na mayroon ding isang djinn sa loob ng isang singsing na pag-aari niya. Ang djinn ng singsing ang tumulong kay Aladdin upang magapi ang salamangkero, upang maibalik ang mahiwagang lampara, at upang masagip ang kaniyang asawa.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Salahuddin Ahmed (1999). A Dictionary of Muslim Names. London: Hurst & Company.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ S. A. Rahman (2001). A Dictionary of Muslim Names. New Delhi: Goodword Books.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Payne, John. Alaeddin and the Enchanted Lamp and Other Stories, (London 1901): Tektso ng "Alaeddin and the enchanted lamp"