Pumunta sa nilalaman

Angry Birds

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Angry Birds
NaglathalaRovio Entertainment
Nag-imprentaChillingo (2009/2012)
Rovio Entertainment
ProdyuserRaine Mäki
Harro Grönberg
Mikko Häkkinen
DisenyoJaakko Iisalo
ProgrammerTuomo Lehtinen
GumuhitTuomas Erikoinen
MusikaAri Pulkkinen
SeryeAngry Birds
EngineSDL,[1] Box2D, Unity (on Rovio Classics: Angry Birds)[kailangan ng sanggunian]
Plataporma
Release
DyanraPuzzle, casual, strategy shooter
ModeSingle-player

Ang Angry Birds (lit. Mga Galit na Ibon) ay isang palaisipang larong bidyo ng Rovio Entertainment mula sa Pinlandya. Ang laro na ito ay nagtatampok ng mga ibon na walang pakpak o binti. Gumagamit ang manlalaro ng tirador upang pabagsakin ang mga baboy na nasa itaas o sa iba't ibang istruktura. Kailangang sirain ng manlalaro ang lahat ng mga isktruktura sa mapa upang magbukas ng isa pang antas. Sa isa pang laro na itinatawag na Bad Piggies (lit. Masamang mga Baboy), iginaganap ng mga manlalaro ang mga baboy.

Pangunahing nakuha ang inspirasyon sa isang guhit ng nakaestilong ibong walang pakpak, unang nailabas ang laro para sa mga kagamitang iOS at Maemo simula noong Disyembre 2009.[3][4] Simula noon, may higit na sa 12 milyong kopya ang laro na binili sa iOS App Store,[5] na nag-udyok sa mga tagagawa na magdisenyo ng mga bersyon sa ibang touchscreen (o iskrin na napipindot) na mga smartphone, kapansin-pansin ang mga kagamitang Android, Symbian, Windows Phone, at BlackBerry 10. Lumawak na ang serye upang isama ang mga titulo para sa mga dedikadong console ng larong bidyo at personal na kompyuter. Sumunod dito ang Angry Birds 2 na nailabas noong Hulyo 2015 para sa iOS at Android. Noong mga Abril 2019, tinanggal ang orihinal na laro mula sa App Store.[6] Nailabas ang muling paglilikha ng laro noong 2012 bilang Rovio Classics: Angry Birds noong Marso 31, 2022.[7]

  • Red (Pulang Ibon) - Isang pangunahing ibon na walang anumang kakayahan.
  • The Blues/Jay, Jake, at Jim (mga Asul na Ibon) - tatlong maliliit na ibon. Pinakamahusay na gumagana sila laban sa salamin.
  • Chuck (Dilaw na Ibon) - Bumibilis kapag ginamit. Pinakamahusay laban sa kahoy.
  • Bomb (Itim na Ibon) - sumasabog kapag iginagamit ng ilang sandali. Pinakamahusay laban sa bato.
  • Matilda (Puting Ibon) - Nangingitlog ng itlog na sumasabog kapag ginamit, na maaaring makabasag ng kahoy at bato.
  • Hal (Boomerang/Berdeng Ibon) - Bumabalik na parang boomerang kapag ginamit na nakakapinsala ng kahoy at sa salamin.
  • Terence (Big Brother Bird) - Walang mga espesyal na kakayahan kapag ginamit, ngunit sinisira ang mga materyales nang madali.
  • Bubbles (Kahel na Ibon) - Lumulobo kapag ginagamit, pagkatapos ay liliit. Pinakamahusay laban sa kahoy.
  • Stella (Kulay-Rosas na Ibon) - Kapag ginamit ay lumilikha ng bula sa paligid niya, at bubuhatin niya ang mga bagay tulad ng mga bloke at baboy. Ang mga bula ay tumatagal ng higit tatlong segundo.
  • Silver (Kulay-Pilak o Kulay-Abong Ibon) - Unang ipinakilala sa Angry Birds 2 noong 2015, kaya niyang umikot sa langit at wasakin ang mga istruktura.
  • Melody - Unang ipinakilala sa Angry Birds 2 noong 2022, nilalanghap niya ang mga kalapit na bagay at iniluluwa ang mga ito.
  • Mighty Eagle - Una mong ilulunsad ang sardinas at kapag ito ay nasa lupa, ang Mighty Eagle ay darating at wawasakin ang lahat ng tamaan at nagdudulot ng lindol. Binubuga ang lahat ng mga baboy na nakaligtaan sa kanya, pagkatapos ay aalis na siya. Dapat siyang bilhin sa laro sa halagang 99 cents para magamit siya. Siya ay may walang limitasyong paggamit, maliban sa Angry Birds Friends.
  • King Pig (malakas)
  • Foreman Pig (mahina)
  • Corporal Pig (katamtaman)
  • Large Pig (mahina)
  • Medium Pig (mahina)
  • Small Pig (mahina)

Mga sumunod na mga laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Angry Birds Seasons

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Angry Birds Seasons ay inilabas noong Oktubre 21, 2010 na may espesyal na episode sa Halloween na pinamagatang Trick or Treat. Pagkatapos ng episode na iyon, isang episode na tungkol sa Pasko ang inilabas sa ilalim ng pamagat na Season's Greedings. Pagkatapos, isang espesyal na episode para salubungin ang Araw ng mga Puso na pinamagatang Hogs and Kisses, na sinundan ng isang espesyal na Araw ni Saint Patrick na pinamagatang Go Green, Get Lucky, isang Easter special na pinamagatang Easter Eggs, holiday special, Summer Pignic, Chinese mooncake festival espesyal na Mooncake Festival, Halloween 2011 , Ham'o'ween, Pasko 2011, Wreck the Halls, Lunar Special 2012, Year Of the Dragon, Cherry Blossom, upang gunitain ang tagsibol sa Japan, at episode na Piglantis, na kumukuha ng tema ng Atlantis.

Angry Birds Rio

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Marso 22, 2011, ang Angry Birds Rio ay inilabas, isang bagong laro na may 60 antas, na batay sa animated na pelikulang Rio, na inilabas sa mga sinehan noong Abril 2011, at ang sumunod na pelikulang Rio 2.[8] Ang laro ay mayroon na ngayong 180 mga antas dahil sa ilang mga update. Higit pa rito, mayroong 15 pang "nakatagong" antas sa Angry Birds Rio.

Angry Birds Space

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Marso 22, 2012, ang Angry Birds Space, ang ikalimang na laro sa serye, ay inilabas. Nagtatampok ang larong ito ng mga planeta, bagong gravity, at ang mga ibon ay binigyan ng mas pinahusay na kakayahan.[9]

Angry Birds Star Wars at Angry Birds Star Wars II

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isa pang laro, ang Angry Birds Star Wars, ay inilabas noong Nobyembre 8, 2012. Ang laro na ito ay batay sa orihinal na trilohiya ng serye ng pelikula na Star Wars, ang A New Hope, The Empire Strikes Back, at ang Return of the Jedi.

Ang sumunod sa larong ito, ang Angry Birds Star Wars II ay inilabas noong Setyembre 18, 2013. Ito naman ay ibinase sa mga pelikulang The Phantom Menace, Attack of the Clones, at Revenge of the Sith. Sa larong ito ay posible na sa unang pagkakataon na gumanap bilang ang mga baboy (The Pork Side) at mayroong higit sa 30 karakter na puwedeng laruin. Higit pa rito, posibleng palitan ng iba ang mga default na karakter.

Angry Birds Go!

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Disyembre 2013, ang Angry Birds Go! ay inilathala. Ang espesyal na tampok ng larong ito ay ito ay isang uri ng karera ng laro o soap box race.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "SDL Testimonials". Galaxygameworks.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 16, 2011. Nakuha noong Pebrero 1, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "BlackBerry shows off some of its 70,000 new third-party apps, including Skype, Rdio, Kindle, and Whatsapp". The Verge. Enero 30, 2013. Nakuha noong Enero 30, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "Angry Birds Review". IGN.com (sa wikang Ingles). Disyembre 12, 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 4, 2010. Nakuha noong Hunyo 6, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Angry Birds". Talk.Maemo.org. Pebrero 11, 2010. Nakuha noong Marso 24, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Supremely Addicting Angry Birds Hits 42 Million Free and Paid Downloads". SymbianFreak.com. Oktubre 22, 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 18, 2010. Nakuha noong Disyembre 11, 2010.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "'Angry Birds' is celebrating ten years on the App Store". Disyembre 12, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Derrick, Connor. "Angry Birds gets the remaster treatment courtesy of a re-release from developer Rovio, out today for iOS and Android". www.pocketgamer.com (sa wikang Ingles).
  8. http://www.pcworld.com/article/218181/angry_birds_rio_release_teams_with_hollywood.html
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-04. Nakuha noong 2022-09-16.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)