Shinshiro
Shinshiro 新城市 | |||
---|---|---|---|
Paikot sa kanan mula sa itaas: Gusaling Panlungsod ng Shinshiro; Sityo ng dating Kastilyo ng Nagashino; Kabayanan ng Shinshiro; Pista ng Labanan sa Nagashino | |||
| |||
Kinaroroonan ng Shinshiro sa Aichi Prefecture | |||
Mga koordinado: 34°54′57.3″N 137°29′55″E / 34.915917°N 137.49861°E | |||
Bansa | Hapon | ||
Rehiyon | Chūbu (Tōkai) | ||
Prepektura | Aichi | ||
Pamahalaan | |||
• Alkalde | Ryoji Hozumi (since October 2005) | ||
Lawak | |||
• Kabuuan | 499.23 km2 (192.75 milya kuwadrado) | ||
Populasyon (Oktubre 1, 2019) | |||
• Kabuuan | 44,581 | ||
• Kapal | 89/km2 (230/milya kuwadrado) | ||
Sona ng oras | UTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon) | ||
Mga sagisag ng lungsod | |||
• Puno | Prunus serrulata | ||
• Bulaklak | Lilium auratum | ||
• Ibon | Eurasian scops-owl | ||
Bilang pantawag | 0536-23-1111 | ||
Adres | 6-1 Higashi-Iribune, Shinshiro-shi, Aichi-ken 441-1392 | ||
Websayt | Opisyal na website |
Ang Shinshiro (新城市 Shinshiro-shi) ay isang lungsod na matatagpuan sa Prepektura ng Aichi, Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019[update], may tinatayang populasyon ito na 44,581 katao sa 17,691 mga kabahayan,[1] at may kapal ng populasyon na 89.3 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 499.23 square kilometre (192.75 mi kuw).
History
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lugar ng kasalukuyang Shinshiro ay bahagi ng mga lupain ng angkang Okudaira, ang mga sinundan ng mga angkang Matsudaira at Tokugawa noong panahong Sengoku. Ang kanilang kuta, ang Kastilyo ng Nagashino sa hilagang bahagi ng kasalukuyang Shinshiro, ay ang kinaroroonan ng Labanan sa Nagashino sa pagitan ng mga hukbo ni Oda Nobunaga at ng angkang Takeda. Ang Kastilyo ng Noda na kung saang nasugatan si Takeda Shingen sa Paglusob ng Noda ay matatagpuan din sa mga hangganan ng Shinshiro. Noong panahong Edo, karamihan ng nasasakupan na ito ay isang teritoryong tenryō na tuwirang pinamunuan ng kasugunang Tokugawa sa pamamagitan ng mga tagapangasiwang hatamoto.
Kasunod ng pasimula ng panahong Meiji, itinatag ang bayan ng Shinshiro sa Distrito ng Minamishitara, Prepektura ng Aichi noong Oktubre 1, 1889 kasabay ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad. Lumawak ang teritoryo ng bayan nang idinugtong nito ang mga karatig nayon noong 1955 at 1956. Itinaas ito sa katayuang panlungsod noong Nobyembre 1, 1958.
Noong Oktubre 1, 2005, sinanib sa lungsod ng Shinshiro ang bayan ng Hōrai at ang nayon ng Tsukude (kapuwang buhat sa Distrito ng Minamishitara). Kasalukuyang sumasaklaw ang Shinshiro sa kabuoan ng dating Distrito ng Minamishitara.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang Shinshiro sa gitnang-silangang bahagi ng Prepektura ng Aichi. Malaking bahagi ng hilaga at silangang bahagi ng teritoryo ng lungsod ay nababalutan ng mga bundok at kagubatan, at karamihan ay nasa loob ng mga hangganan ng Aichi Kōgen Quasi-National Park
Kalapit na mga munisipalidad
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Prepektura ng Aichi
- Prepektura ng Shizuoka
Demograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] bumababa ang populasyon ng Shinshiro sa nakalipas na 20 mga taon.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1960 | 59,891 | — |
1970 | 54,042 | −9.8% |
1980 | 54,239 | +0.4% |
1990 | 54,583 | +0.6% |
2000 | 53,603 | −1.8% |
2010 | 49,871 | −7.0% |
Mga kapatid na lungsod
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Neuchatel, Suwisa[3]
- New Castle, Pennsylvania, Estados Unidos — mula noong Nobyembre 12, 1998
- Taketoyo, Aichi — mula noong 1984
- Newcastle upon Tyne — Inglatera
Ang Shinshiro ay bahagi ng pandaigdigang pagpupulong ng mga lungsod na may pangalang "New Castle" noong 1998, kasama ang:
- Neuburg an der Donau, Alemanya
- Neuchâtel, Suwisa
- Neufchâteau, Pransiya
- New Castle, Indiana Estados Unidos
- New Castle, Pennsylvania Estados Unidos
- New Castle, Delaware Estados Unidos
- Newcastle upon Tyne, Inglatera
- Newcastle-under-Lyme, Inglatera
- Newcastle, KwaZulu-Natal, Timog Aprika
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Shinshiro City official statistics (sa Hapones)
- ↑ Shinshiro population statistics
- ↑ "International Exchange". List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Marso 2016. Nakuha noong 21 Nobyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website (sa Hapones)
- Opisyal na websayt ng Lungsod ng Shinshiro (sa Ingles)