Katalinuhan ng mga hayop
Ang katalinuhan ng mga hayop o kakayahang matuto ng mga hayop[1] ay nasusukat sa pamamagitan ng pag-alam sa kung ano ang gagawin ng mga ito sa harap ng mga bagong karanasan o pagsubok, at kung paano nila lulutasin ang mga suliranin. Karaniwang tumutugon sa paulit-ulit na kaparaanan para sa pare-parehong mga pagsubok at karanasan ang mga mababang uri ng hayop.
Mga bertebrado at imbertebrado
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karaniwang mas matatalino ang mga may-gulugod na mga bertebrado kaysa mga walang-gulugod na mga imbertebrado.[1]
Mga paraan ng pagsukat
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang metodo na pangkaraniwang ginagamit ng mga dalubhasa sa pagsukat ng kakayahan sa pagkatuto at kapasidad ng memorya ng mga hayop ang mga laberinto, o mga bagay na may salasalabat na landas.[2][3][4][5]
Mga halimbawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ilan lamang ang mga ito sa mga hayop na may maituturing na katalinuhan sapagkat natuturuan o nasusubok ng mga tao:[1]
higad | bulati | Nagbabago ng direksiyong pupuntahan para maiwasan ang panguryente. |
pugita | moluska | Nakakakuha ng mga alimasag mula sa mga palayok; nakakadaan sa mga laberinto; nalalaman ang kaibahan ng mga hugis (bilog, parisukat at tatsulok). |
bubuyog, putakti, at ipis | kulisap | Nakalalabas sa mga laberinto; natatandaan ang oras kung kailan sila makakakuha ng pagkain sa isang takdang lugar; nakapupunta ang bubuyog sa isang partikular na kulay para makakuha ng pagkain. |
isda | Nakakakilala ng kulay; nakakabisado ang laberinto; nakatatagpo ng daan palabas ng laberinto; nalalaman ng isdang nasa akwaryum ang oras ng pagpapakain. | |
palaka | amphibian | Natututong pumansin sa mga nagaalaga sa kanila; napagaalaman ng ilang palaka na hindi makakain ang mga bubuyog at mabubuhok na mga higad. |
butiki, ahas, pagong, at pawikan | reptilya | Napapaamo ng tagapag-alagang tao. |
loro, raven, at jackdaw | ibon | Nakikilala nila ang kanilang mga likas na kaaway; natututong bumilang; nakagagaya ng mga tunog ang mga loro. |
daga at iskwirel | mamalya | May higit na kakayahan sa paghahanap ng daan sa kumplikadong laberinto; nakapagbibilang ang mga iskwirel |
kabayo at baboy | unggulado | Madaling nagagawa ang pagkatuto kapag sinanay. |
aso at pusa | karniboro | Madaling turuan; natututo ang isang pusa mula sa iba pang mga pusa sa pamamagitan ng paggaya. |
lumbalumba | mamalya | Labis ang talino; mapaglaro; nagiging palakaibigan sa mga tao; may matalas na pandinig; nakagagaya ng mga tunog. |
chimpanzee | bakulaw | Nabibigyan ng lunas ang mga suliranin na mahirap para sa pangkaraniwang mga unggoy at imposible namang magawa ng mga daga at mga mamalyang nasa mababang antas; sa katalinuhan, pumapangalawa lamang sa tao ang mga matsing. |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Learning Ability Among Animals". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maze at labyrinth sa Ingles". The Scribner-Bantam English Dictionary (Ang Talahulugang Ingles ng Scribner-Bantam). 1991.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Maze sa Ingles, laberinto sa Kastila, ginamit ang baybay na laberinto para umayon sa ortograpiyang pang-wikang Tagalog". Larousse Mini Dictionary/Mini Diccionario Español-Ingles/English-Spanish (Talahulugang Kastila-Ingles/Ingles-Kastila ng Larousse). 1999.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maze, "dakong may salasalabat na landas," Bansa.org Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine. at Gutenberg.org (1915)
- ↑ "Maze, sali-salimuot, Foreignword.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-05. Nakuha noong 2008-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)