Maria Odulio de Guzman
- Tungkol ito sa isang Pilipinong leksikograpo. Para sa Pilipinang artista, tingnan ang Malou de Guzman.
Maria Odulio de Guzman | |
---|---|
Trabaho | leksikograpo, lingguwista |
Si Maria Odulio de Guzman ay isang guro, edukadora, punong-guro, manunulat, at may-akda. Siya ang unang babaeng prinsipal ng isang mataas o sekundaryang paaralan sa Pilipinas. Naging guro siya sa Mataas na Paaralan ng Nueva Ecija sa Pilipinas mula 1918 hanggang 1928. Nakapag-aral siya mula sa Dalubhasaan ng Guro ng Estado ng Radford sa Virgina, Estados Unidos. Dati rin siyang isang propesora sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas.[1] Sumulat din siya ng mga talahuluganan ng magkakatambal na mga wikang Tagalog, Pilipino, Filipino, Ingles, at Kastila. Isa rin siyang tagapagsalinwika ng Noli me Tangere ni Jose Rizal, at kasamang tagapagsalinwika rin ng El filibusterismo, isa pang nobela ni Rizal.[2]
Mga akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kabilang sa mga inakdang disyunaryo ni M.O. de Guzman ang mga sumusunod:[3]
- English-Tagalog-Spanish and Tagalog-English Vocabulary, (kasama si Domingo de Guzman, Lungsod ng Quezon, Pressman, 1963, 228 mga pahina)
- An English-Tagalog and Tagalog-English Dictionary (1966)
- New Tagalog-English English-Tagalog (1966)
- New English-Filipino Filipino-English Dictionary (1968)
- English-Tagalog and Tagalog-English Dictionary (1966)
- New English-Tagalog and Tagalog-English Dictionary (1968)
- The New Filipino-English/English-Filipino Dictionary (January 1, 1968)
- Bagong Diksiyonaryo: Pilipino-Ingles, Ingles-Pilipino (1968)
- Diksiyunaryo Pilipino-Ingles Pilipino (Pilipino-English-Pilipino Dictionary) (1970)
- An English-Tagalog and Tagalog-English Dictionary (1979)
- English-Tagalog and Tagalog-English Dictionary (1982)
- An English-Tagalog and Tagalog-English Dictionary (January 1, 1988)
- English-Tagalog and Tagalog-English Dictionary (January 1, 1993)
- English-Tagalog and Tagalog-English (2000)
- New Tagalog-English Dictionary (2006)
- Bagong Talatinigan: Pilipino-Ingles Ingles-Pilipino ISBN 9710817450
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Boynton, Victoria and Jo Malin. Encyclopedia of Women's Autobiography: K-Z, Greenwood Publishing Group, 2005, may 625 mga pahina, nasa pahina 462-463, ISBN 0313327394, ISBN 9780313327391
- ↑ National Artist Virgilio Almario's Lecture on Rizal, FilipinoWriter.com, 19 Hunyo 2008
- ↑ Maria Odulio de Guzman, Amazon.com