Andijan
Andijan Andijon/Андижон | |
---|---|
Mga koordinado: 40°47′N 72°20′E / 40.783°N 72.333°E | |
Bansa | Uzbekistan |
Rehiyon | Rehiyon ng Andijan |
Unang banggit | ika-10 dantaon |
Lawak | |
• Kabuuan | 74.3 km2 (28.7 milya kuwadrado) |
Taas | 500 m (1,600 tal) |
Populasyon (2014) | |
• Kabuuan | 403,900 |
• Kapal | 5,400/km2 (14,000/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+5 (UZT) |
• Tag-init (DST) | UTC+5 (hindi ipinatutupad) |
Kodigong postal | 170100[1] |
Kodigo ng lugar | +998 74[1] |
Websayt | andijan.uz |
Ang Andijan (minsan binabaybay na Andizhan sa Ingles) (Usbeko: Andijon / Андижон / ئەندىجان; Persa: اندیجان, Andijân/Andīǰān; Ruso: Андижан, Andižan) ay isang lungsod sa Uzbekistan. Ito ang sentrong pampangasiwaan, pang-ekonomiko, at pangkultura ng Rehiyon ng Andijan. Matatagpuan ang lungsod sa timog-silangang dulo ng Lambak ng Fergana malapit sa hangganan ng Uzbekistan sa Kyrgyzstan.
Isa ang Andijan sa mga pinakamatandang lungsod ng Lambak ng Fergana. Sa ilang bahagi ng lungsod, natagpuan ng mga arkeologo ang mga kagamitan na mula pa noong ika-7 at ika-8 siglo. Sa kasaysayan, isang mahalagang lungsod sa Daan ng Sutla ang Andijan. Mas-kilala ang lungsod bilang lugar ng kapanganakan ni Babur, ang unang emperador ng dinastiyang Mughal sa Subkontinenteng Indiyano, pagkaraan niyang itinatag ang saligan ng dinastiya kasunod ng serye ng mga balakid.
Bukod sa kahalagang pangkasaysayan at pangkultura nito, isa ring mahalagang pang-industriya na lungsod ng bansa ang Andijan. Kabilang sa mga yaring produkto ng lungsod ang mga kimikal, pambahay na kasangkapan, elektroniko, produktong pagkain, muwebles, araro, poso, sapatos, mga parte para sa mga makinaryang pansakahan, samu't-saring kagamitan pang-inhinyeriya, at silyang may gulong ('"wheelchair).
Heograpiya
Ang Andijan ay nasa taas na 450 metro (1,480 talampakan) sa ibabaw ng lebel ng dagat, sa timog-silangang dulo ng Lambak ng Fergana malapit sa hangganan ng Uzbekistan sa Kyrgyzstan.[2] Sa pamamagitan ng daan ito ay nasa 22 kilometro (14 milya) hilagang-kanluran ng Asaka at 68.6 kilometro (42.6 milya) timog-silangan ng Namangan.[3] Dumadaloy ang Andijonsoy sa lungsod.
Demograpiya
Matatagpuan sa lungsod ang mga representante ng maraming mga pangkat etniko. Pinakamalaking pangkat etniko ng Andijan ang mga Uzbek, sumunod ay mga Tajik.
Taon | Pop. | ±% |
---|---|---|
1897 | 57,000 | — |
1939 | 105,000 | +84.2% |
1959 | 161,000 | +53.3% |
1970 | 188,000 | +16.8% |
1985 | 275,000 | +46.3% |
2000 | 333,400 | +21.2% |
Source: [2][4][5] |
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 "Andijan". SPR (sa wikang Ruso). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Agosto 2017. Nakuha noong 3 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Ziyayev, Baxtiyor (2000–2005). "Andijon". Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi (sa wikang Uzbek). Toshkent: Oʻzbekiston milliy ensiklopediyasi.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Andijan". Google Maps. Nakuha noong 8 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Andijon". Ensiklopedik lugʻat (sa wikang Uzbek). Bol. 1. Toshkent: Oʻzbek sovet ensiklopediyasi. 1988. pp. 42–43. 5-89890-002-0.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Moʻminov, Ibrohim, pat. (1971). "Andijon". Oʻzbek sovet ensiklopediyasi (sa wikang Uzbek). Bol. 1. Toshkent. pp. 359–360.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location missing publisher (link)