Pumunta sa nilalaman

Marcos ang Ebanghelista

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si San Marcos ang Ebanghelista ay ang tradisyonal na may-akda ng Ebanghelyo ayon kay Marcos. Siya ay isa sa Pitumpung Disipulo ni Kristo at nagtatag ng Simbahan ng Alexandria, isa sa apat na orihinal na pangunahing upuan ng obispo sa relihiyong Kristyanismo.

Ayon kay William Lane, isang tradisyon ang nagsasabi na si Marcos ang Ebanghelista at si Juan Marcos ay iisa. Ngunit, ayon kay Hippolytus, sa kanyang akda na Sa Pitumpung Apostoles, si Marcos de Ebanghelista (2 Tim. 4:11), Juan Marcos (Gawa 12:12, 25; 13:5, 13; 15:37), at si Marcos ang pinsan ni Barnabas (Col 4:10; Phlm 24) ay hindi iisang tao. Dinagdag niya na lahat sila ay kabilang sa Pitumpung Disipulo ni Kristo na ipindala ni Kristo upang ipalaganap ang Mabuting Balita sa kalupaan ng Judea (Lucas 10:1ff.). Kaya nga lang, noong sinabi ni Hesus na ang Kanyang Katawan ang tunay na pagkain at ang Kanyang Dugo ang tunay na inumin, maraming disipulo ang umiwan sa Kanya (Juan 6:44-6:66), siguro kabilang si Marcos. Siya ay ibinalik sa pananampalataya ni San Pedro at naging tagapaliwang ng unang Santo Papa. Isinulat niya ang Ebanghelyo ni San Marcos. Itinatag din niya ang Simbahan ng Aprika at naging obispo ng Alexandria.

Ayon kay Eusebio ng Caesarea (Eccl. Hist. 2.9.1-4), pinatay ni Herod Agrippa I, sa kanyang unang taon bilang hari ng Judea, si Santiago anak ni Zebedias at ipinaaresto si Pedro, nagbabalak na siya ay patayin din. Si Pedro ay himalang iniligtas ng mga anghel at nakatakas sa kaharian ni Herod (Gawa 12:1-19). Pumunta si Pedro sa Antioch, tapos ay sa Asia Minor (binisita ang mga simbahan sa Pontus, Galatia, Cappadocia, Asya, and Bithynia, gaya ng nakasaad sa 1 Pedro 1:1) at nakarating sa Roma sa ikalawang taon ni Emperor Claudius (AD 42; Eusebio, Ecc. Hist. 2.14.6). Haban naglalakbay, nakita niya sa Marcos at kinuha siya bilang kanyang kasama at tagapaliwanag. Ang pagpapahayag ni Pedro sa Roma ay isang tagumpay na siya ay ginawan ng mga nakatira roon ng isang statwa sa lungsod. Sa kanilang pakiusap, isinulat ni Msrcos ang mga sermon ni Pedro na bumubuo sa Ebanghelyo ayon kay Marcos (Eccl. Hist. 15-16) bago pumunta sa Alexandria noong ikatlong taon ni Claudius (AD 43).

Sa taong AD 43, sampung taon matapos ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit, pumunta si Marcos sa Alexandria at itinatag ang Simbahan ng Alexandria na ngayon ay inaangkin ng Simbahan ng KoptiK Ortodoks. Ang ilang aspekto ng liturhiyang Koptik ay nagmula mismo kay San Marcos. Siya ang naging unang obispo ng Alexandria, at pinarangalan bilang tagapagtatag ng Simbahan ng Aprika.

Ayon muli kay Eusebio (Eccl. Hist. 2.24.1), si Annianus siguro ang pumalit kay Marcos bilang obispo ng Alexandria sa ikawalong taon ni Nero (AD 62/63), ngunit hindi sigurado dahil sa kanyang kamatayan. Batay sa tradisyong Koptik, si Marcos ay namatay na martir noong AD 68. Pinaniniwalaan na noong gabi ni si Hesus ay inaresto sa hardin ng Gethsemani, sinundan siya ni Marcos at nang makita siya ng maga gwargya ng templo ay tumakbo siya at nahulog ang kanyang saping pang-ibaba.

Ang kanyang pista ay tuwing ika-25 ng Abril, at ang kanyang simbolo ay ang mukha sa kanan ng isang kerubino - ang leon.