Pagadian
Pagadian City of Pagadian | |
---|---|
Map of Zamboanga del Sur showing the location of Pagadian City | |
Mga koordinado: 7°49′38″N 123°26′11″E / 7.8272°N 123.4364°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Tangway ng Zamboanga (Rehiyong IX) |
Lalawigan | Zamboanga del Sur (Capital) |
Distrito | Unang Distrito ng Zamboanga del Sur |
Mga barangay | 54 (alamin) |
Pagkatatag | 23 Marso 1937 |
Ganap na Lungsod | June 21, 1969 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Mayor Samuel "Sammy" S. Co |
• Manghalalal | 137,303 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 378.80 km2 (146.26 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 210,452 |
• Kapal | 560/km2 (1,400/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 45,633 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-2 klase ng kita ng lungsod |
• Antas ng kahirapan | 13.36% (2021)[2] |
• Kita | ₱1,440,321,000.00 (2020) |
• Aset | ₱4,026,330,000.00 (2020) |
• Pananagutan | ₱1,926,326,000.00 (2020) |
• Paggasta | ₱835,870,000.00 (2020) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 7016 |
PSGC | 097322000 |
Kodigong pantawag | 62 |
Uri ng klima | Tropikal na klima |
Mga wika | Wikang Subanon Sebwano Wikang Chavacano wikang Tagalog |
Websayt | pagadian.gov.ph |
Matatagpuan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur, ang lungsod ng Pagadian ay isang "1st class city." Ito ang kabisera ng nasabing lalawigan at tinatayong sentro rehiyonal ng Tangway ng Zamboanga (Zamboanga Peninsula). Ang Pagadian ay binansagang "Munting Hong Kong ng Katimugan."
Mga Barangay
Ang lungsod ng Pagadian ay hinahati sa 54 na barangay. Maaaring bumisita sa artikulong| Pagadian City sa Wikipedia sa Ingles para sa mga pangalan ng mga barangay.
Kasaysayan
Isang dating barrio ng Labangan sa lumang lalawigan ng Zamboanga, ang Pagadian ay naging isang bayan noong Marso 23, 1937 sa pamamagitan ng E.O. 77 ng Pangulong Manuel L. Quezon. Si Hon. Jose Sanson ang unang alkalde ng Pagadian.
Hinati sa dalawa ang lalawigan ng Zamboanga noong Hunyo 6, 1952 sa pammagitan ng R.A. 711 na pagmamay-aari ni Kongresista Roseller T. Lim. Naging kabisera ang Pagadian noong Setyembre 17, 1952. Hinirang ang Pagadian bilang isang Lungsod noong Hunyo 21, 1969 sa pamamagitan ng R.A. 5478. Noong 2004 ay pinangalanan ang Pagadian bilang Sentro Rehiyonal para sa Tangway ng Zamboanga, bagamat planado ang paglipat nito mula sa Zamboanga noong 1990 sa administasyon ng Pangulong Corazon C. Aquino.
Heograpiya
Matatagpuan sa hilaga-silangang bahagi ng rehiyon, ang Lungsod ng Pagadian ay ang pasukan ng Zamboanga del Sur. Nagiging pasukan rin ng mga lungsod ng Ozamiz, Iligan at Cotabato. Ang Pagadian ay may kabuuan ng 331.6 sq. km. at may 54 na barangay.
Mga Pangunahing Tanawin
- Isla ng Dao Dao
- White Beach
- Pulacan Falls
- Dagat ng Muricay
- Dagat ng Bomba
- Dagat ng Poloyogan
- Lourdes Hot and Cold Springs
- Lambak ng Lizon
- Manga Falls
- Mt. Susong Dalaga
- Mt. Pinokis
- Kapatagan ng Bulatoc
- Ditoray Waterfalls
- Mga kuweba ng Kendis at Manga
- Rotonda ng Pagadian mula sa Rizal Avenue
- Katedral ng Santo Nino
Mga Kaganapan at Kapistahan
- Ang Kapistahan ng Santo Nino, kilala bilang "Pasalamat Festival," ay ginanap tuwing ikatlong linggo ng Enero.
- Ang Zambulawan Festival na ginanap tuwing Hunyo bilang alay sa buong lalawigan.
Paano Makaabot sa Pagadian?
Makaabot ang Pagadian sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Eroplano- sa kasalukuyan ay patuloy na lumilipad mula Pagadian hanggang Manila (at vise versa) sa Asian Spirit
- Bus- may mga sakayan ng bus mula Pagadian hanggang Zamboanga, Dipolog, Davao at Cagayan de Oro
- Ferry boat/barko- patungong Zamboanga at Cotabato.
Edukasyon
Ang pinakatanyag na kolehiyo ng Pagadian ay ang St. Columban College na isa sa mga sikat na kolehiyo at pamantasan sa rehiyon ito. Sa pangkalahatan ay mayroong 13 mga paaralang tertiary, kabilang ang kampus ng Western Mindanao State University-annex.
Kalusugan at Serbisyong Medikal
Ang Lungsod ng Pagadian ay mayroong 12 na ospital at klinika.
Pamahalaan
Kabilang sa Unang Distrito Kongresyonal ng lalawigan ang Pagadian City. Si Mayor Samuel S. Co ang alkalde ng lungsod sa pangalawang termino. Bilang kabisera ng Zamboanga del Sur, ang mga tanggapang panlalawigan at ang kapitolyo ay matatagpuan din sa Pagadian.
Mga exteral links
- http://elgu.ncc.gov.ph/ecommunity/pagadiancity/index.php?id1=13
- mindanews.com - Pagadian contemplates phasing out trikes
- Philippine Standard Geographic Code
- 2000 Philippine Census Information
- Pagadian City community home page
- Pagadian's Website
- ↑
"Province: Zamboanga del Sur". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)