Takoyaki
Kurso | Meryenda |
---|---|
Lugar | Hapon |
Rehiyon o bansa | Osaka |
Pangunahing Sangkap | Batido, pugita, mumo ng tempura (tenkasu), inatsarang luya (beni shoga), berdeng sibuyas, sarsang takoyaki (na may mayonesa), aonori |
Baryasyon | Lutuing Taywanes |
|
Ang takoyaki (Hapones: たこ焼き o 蛸焼) ay isang hugis-bolang meryenda mula sa Hapon na gawa sa batidong de-harinang trigo at iniluluto sa isang espesyal na hinulmang kawali. Karaniwan itong pinupuno n tinadtad na pugita (tako), mumo ng tempura (tenkasu), inatsarang luya (beni shoga), at berdeng sibuyas (negi).[1][2] Pinapahiran ang mga bola ng sarsang takoyaki (kahawig ng sarsang Worcestershire) at mayonesa, at pagkatapos ay binubudburan ng aonori at mga pinagkataman ng pinatuyong katsot (katsuobushi).
Nagmula ang yaki sa yaku (焼く), na isa sa mga paraan ng pagluluto sa lutuing Hapones, na may kahulugang 'ihawin', at makikita sa mga pangalan ng iba pang mga pagkain sa lutuing Hapones tulad ng okonomiyaki at ikayaki (iba pang sikat na pagkain sa Osaka).[3] Kadalasan, minemeryenda ito, ngunit sa ilang mga lugar inihahain ito bilang pamutat kasabay ng kanin. Isa itong halimbawa ng konamono (konamon sa diyalektong Kansai), o de-harinang lutuing Hapones.
Kasaysayan
Unang pinasikat ang takoyaki sa Osaka,[4] kung saan kinilala ang isang maglalako na si Tomekichi Endo sa pag-imbento nito noong 1935. Hinango ang takoyaki mula sa akashiyaki, isang maliit at bilog na dumpling mula sa lungsod ng Akashi sa Prepektura ng Hyōgo na gawa sa de-itlog na batido at pugita.[5] Noong una, popular lang ang takoyaki sa rehiyon ng Kansai, at kalaunang kumalat sa rehiyon ng Kantō at iba pang bahagi ng Hapon. Nauugnay ang takoyaki sa mga yatai o tindahan ng pagkaing kalye, at may maraming matatatag na takoyakihan, lalo na sa rehiyon ng Kansai. Ibinebenta na ngayon ang takoyaki sa mga komersyal na tindahan, tulad ng mga supermarket at gising 24 oras na convenience store.[6]
Sikat din ito sa lutuing Taywanes dahil sa makasaysayang impluwensiya ng kulturang Hapones.[7]
Mga sanggunian
- ↑ "蛸焼" [Takoyaki]. Dijitaru daijisen (sa wikang Hapones). Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2012-06-22.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Takoyaki". Encyclopedia of Japan. Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2012-06-22.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Takiyaki, the great street snack". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-06-01. Nakuha noong 2009-02-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "蛸焼" [Takoyaki]. Nihon Kokugo Daijiten (sa wikang Hapones). Tokyo: Shogakukan. 2012. OCLC 56431036. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-25. Nakuha noong 2012-06-17.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Takoyaki - Icon of Osaka" [Takoyaki - Ikono ng Osaka] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-25. Nakuha noong 2009-10-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Takoyaki | food | Culture | Japan Dream Tours" [Takoyaki | pagkain | Kultura | Japan Dream Tours]. japandreamtours.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-16. Nakuha noong 2019-10-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "In Taiwan, top chefs are building on a long history of culinary exchange with Japan" [Sa Taywan, nagtatayo sa mahabang kasaysayan ng pagpapalitan ng pagkain sa Hapon] Naka-arkibo 2018-08-04 sa Wayback Machine., The Japan Times (sa wikang Ingles). Retrieved 2018-02-28.