Pumunta sa nilalaman

Saligang batas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 12:29, 6 Agosto 2024 ni AsianStuff03 (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
Tabernakulo ng 1935 Saligang Batas ng Pilipinas.

Ang saligang batas o konstitusyon ay isang pangkat ng mga prinsipyong saligan o pundamental o nailunsad at naitatag na mga pamarisan na pinagbabatayan o inaalinsunuran kung paano pinamamahalaan ang isang estado o iba pang organisasyon.[1] Ang pinagsama-samang mga alituntuning ito ang bumubuo (kaya't tinawag na "konstitusyon", mula sa Ingles na constitute na may kahulugang "bumubuo") sa kung ano ang entidad). Kapag naisulat na ang mga prinsipyong ito upang maging isang kalipunan o pangkat ng mga kasulatang pambatas, ang mga dokumentong ito ay masasabing bumubuo ng isang "nasusulat" na saligang batas.

Ang saligang batas ay nakatuon sa iba't ibang mga antas ng mga organisasyon, mula sa mga estadong nagsasarili magpahanggang sa mga kumpanya at mga asosasyong hindi inkorporado. Ang isang tratado na naglulunsad ng isang organisasyong internasyunal ay ang saligang batas din nito, dahil bibigyang kahulugan nito ang kung paano nabuo ang samahan iyon. Sa loob ng mga estado, maging nagsasarili man o pederado, binibigyang kahulugan ng isang saligang batas ang mga prinsipyong pinagbabatayan ng estado, ang mga hakbang na sinusunod sa paggawa ng mga batas at ng kung sino. Ang ilang mga saligang batas, natatangi na ang nasusulat na mga konstitusyon, ay gumaganap din bilang hangganan ng kapangyarihan ng estado, sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga guhit na hindi matatawid ng mga pinuno ng estado, katulad ng mga saligang karapatan (mga karapatang pundamental).

Ang Saligang Batas ng India ay ang pinakamahabang nasusulat na konstitusyon ng anumang bansang nagsasarili sa mundo,[2] na naglalaman ng 448 mga artikulo,[3][4] 12 mga talatakdaan at 100[5] mga pagsususog, na mayroong 117,369 na mga salita na nasa bersiyon nito ng wikang Ingles,[6] habang ang Saligang Batas ng mga Nagkakaisang Estado (Konstitusyon ng Estados Unidos) ay ang pinakamaiksing nasusulat na saligang batas, na mayroong 7 mga artikulo at 27 mga susog.[7]

Ang katagang "konstitusyon" ay nagbuhat sa wikang Ingles na constitution, na nagmula naman sa wikang Pranses mula sa salitang Latin na constitutio, na ginagamit sa mga regulasyon at mga kaatasan, katulad ng mga paggawa ng batas ng Imperyong Romano (constitutiones principis: edicta, mandata, decreta, rescripta).[8] Sa pagdaka, ang kataga ay malawakang ginagamit sa batas na kanon para sa isang mahalagang pagtitika, natatangi na ang isang kaatasan na ipinalabas ng Papa, na tinatawag na sa ngayon bilang isang "konstitusyong apostoliko".

Ang nasusulat na saliga'ng-batas ay kinakailangang nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: Dapat na ang nasusulat na saliga'ng-batas ay may malawak na saklaw. Maliban sa ito ay kumakatawan sa lahat ng tao at bagay sa loob ng nasasakupan nito'ng teritoryo, ito ay kinakailangan ding kumatawan sa nakaraan, sa kasalamingan ng kasalukuyan, at sa kahandaan ng hinarap. Kinakailangan ding maging payak ang isa'ng saliga'ng-batas na tanging mga prinsipyo ang pangkalahatang polisiya ang karaniwa'ng nakasaad dito. Ito ay kinakailangan upang higit makabagay ang mga titik nito sa mga pagbabago ng mga kakaharapin nito'ng kalagayan at kapanahunan. Ang saliga'ng-batas ay dapat din na maging tiyak sa bawat mga kahayagang nasasaad dito.

Kataas-taasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang saligang batas ay ang pangunahing batas kung saan lahat ng iba pang mga batas ay naaayon and lahat ng kanyang mamamayan, sampu ng pinakamatataas nitong tagapamuno, at dapat tumalima. Walang gawa ang katanggaptanggap, gaano man kabuti ang intensiyon, kung ito ay taliwas sa nasasaad sa mga titik ng saligang batas. Mali o tama, ang saligang batas ay dapat na maipatupad at maipairal sa lahat ng kundisyon dahil ano mang pagsuway dito ay pagsuway sa kataas-taasan ng pag-iral ng batas at kaayusan.

May dalawang uri ng saligang batas: ang nasusulat at ang hindi nasusulat. Ang nasusulat na saligang batas ay ang mga prinsipyong naisasakatawan ng isang kasulatang dokumento habang ang hindi nasusulat na saligang batas ay yaong kinapapalooban ng mga alituntunin na hindi pa naisasalig sa kabuuhan sa isang kongkretong anyo, bagkus ay nahahati-hati sa iba't-iba'ng anyo at kinapapalooban ng katulad ng mga kostumbre at kagawian at mga pangkalahatang katanggap-tanggap na mga prinsipyo at mga katuwiran.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. The New Oxford American Dictionary, Ikalawang Edisyon, Erin McKean (patnugot), 2051 mga pahina, Mayo 2005, Oxford University Press, ISBN 0-19-517077-6.
  2. Pylee, M.V. (1997). India's Constitution. S. Chand & Co. p. 3. ISBN 81-219-0403-X.
  3. Sarkar, Siuli. Public Administration In India. PHI Learning Pvt. Ltd. p. 363. ISBN 978-81-203-3979-8.
  4. Kashyap, Subhash (2001). Our Constitution-An introduction to India's Constitution and Constitution Law. National Book Trust, India. p. 3. ISBN 978-81-237-0734-1.
  5. Saligang Batas ng India
  6. "Constitution of India". Ministry of Law and Justice of India. Hulyo, 2008. Nakuha noong 2008-12-17. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  7. "National Constitution Center". Independence Hall Association. Nakuha noong 2010-04-22.
  8. The historical and institutional context of Roman law, George Mousourakis, 2003, p. 243

BatasPolitika Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas at Politika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.