Pumunta sa nilalaman

John David Booty

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbabago noong 04:35, 10 Pebrero 2024 ni Jojit fb (usapan | ambag)
(iba) ←Lumang pagbabago | Kasalukuyang pagbabago (iba) | Mas bagong pagbabago→ (iba)
John David Booty, 2007

John David Booty John David Booty (ipinanganak nuong ika-3 ng Enero taong 1985 sa Shreveport, Louisiana) ay ang pangunahing quarterback ng koponan ng football sa University of Southern California. Siya ay tinawag na “Joh David” Booty dahil ang pangalan ng kanyang ama ay John Booty at kung minsan ay tinataguriang J.D.

Karera sa kolehiyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa kabila ng pagpasok sa USC bilang isang prospek para sa pagiging quarterback, si Booty ay naglaro sa loob ng tatlong taon sa USC bilang back-up ni Matt Leinart na nanalo ng Heisman Trophy at siya ring pumalit sa isa ring nanalo ng Heisman na si Carson Palmer. Nung siya ay dumating sa USC, ang kompetisyon para sa posisyon ng pangunahing quarterback nuong 2003 season ay walang manlalaro na masasabing kakaiba ang galing sa lahat kaya’t nang mapili si Matt Leinart bilang starter, marami ang nagtanong kung mananatiling starter lamang si Leinart hangga’t matutuhan ni Booty ang opensa.

Si Booty ay naoperahan sa likod dahil sa nakaumbok na disc sa kanyang spine noong huling araw ng Marso ngunit muling nakarekober at nakuha ang starting spot para sa 2006 season.

Pumasok si Booty sa 2006 season bilang isang redshirt junior kahit siya ay halos kasing-idad na ng mga seniors at ang kanyang college credits ay halos pwede na mag qualify sa kanya sa estado ng isang senior.

Sa panimula ng 2006 season, si Booty ay isa sa 15 manlalaro na nasa “watch list” para sa Maxwell Award bilang isang mahusay na manlalaro ng college football sa kabila na ang nasabing watch list ay maaaring mabago ng walang abiso dahil nakabase ito sa performance ng bawa’t manlalaro… na nuong 2006 season at hindi nakadisenyo upang kumatawan ng pangkalahatang listahan ng nararapat na kandidato para sa collegiate football awards na ipinagkakaloob ng Maxwell Football Club.

Noong 2006 season, Si Booty ay pumwesto na ika-10 sa pinakamahusay na quarterback sa college football ng PAC-10 mula sa Rivals.com.

Siya ay naging starter ng lahat ng laro ng USC Trojans bilang quarterback noong 2006. Si Booty ay kinilala din ng Rivals.com at mga coach ng Pacific-10 conference bilang 2006 All Pac-10 team First Team.

Noong ika-18 ng Setyembre taong 2006 ang director ng Sports Information ng University of Southern California na si Tim Tessalone ay nagpadala ng pormal na sulat sa ESPN at ng kopya nito sa Pacific Ten Conference na nagsasaad ng kanyang reklamo na si Brent Musburger ay naglabas ng natatanging impormasyon sa kanyang pagpapahayag nuong iks-16 ng Setyembre taong 2006 sa laro ng football sa NCAA na kung saan ang USC Tojans ang siyang nag host ng Nebraska Cornhuskers. Sinabi ni Mushburger na nalaman niya mula sa pakikipag-usap niya kay Booty bago pa naganap ang laro ang signal na gagamitin ni Booty kapag ito ay magpapasa sa mga receivers. Sinabi ng USC na ang impormasyon na ito ay para sa pribadong layunin lamang.

John David Booty ay nanguna sa mga Tojans sa panalo nito sa laban sa Michigan sa 2007 Rose Bowl kung saan siya ay nagpukol ng 391 yards at apat na touchdown.

Si Booty ay bumalik sa 2007 season at pinalampas ang NFL Draft. Ang Rivals.com ay pinangalanan siya na isa sa nangungunang sampung quarterbacks para sa 2007 season, gayundin ang Sports Illustrated na pumili sa kanya na kabilang sa nagungunang dalawampung manlalaro ng Football para sa taong 2007, at siya rin ay kinokonsidera na mangunguna para sa 2007 Heisman Trophy.

Si Booty ay napili din na 2007 preseason All-American ng Athlon, The Sporting News at ng Blue Ribbon at siya rin ay nakasama sa watch list para sa Maxwell Award at Manning Award. Noong summer bago nagsimula ang season, siya ay nag work-out sa quarterback ng Indiana Colts na si Peyton Manning.

Karera sa hayskul

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Booty ay nagsimula ng high school sa Evangel Christian Academy sa Shreveport, Louisiana ngunit umalis pagkatapos ng halos isang taon ng ang kanyang ama (na noon ay coach ng quarterbacks ng koponan) ay iniwan ang koponan, matapos siyang magkaroon ng sapat na credits para makapagtapos. Sa kabila ng kanyang pag-alis matapos ang kanyang junior year, Si Booty ay may kabuuang passing stats na 8,474 yards mula sa 555 ng 864 attempts (64.2%), 88 na touchdowns at 26 na intersepsyon. Si Booty ay pumalit sa kanyang kapatid na si Josh, sa dating quarterback ng Miami na si Brock Berlin at ang dating quarterback ng Texas A&M na si Reggie Mac Neal bilang quarterback ng Evangel Christian. Noong taong 2001 at 2002 pinangunahan niya ang Evangel Christian Academy sa panalo nito sa state-championship na ginanap sa Louisiana Superdome sa New Orleans.

Pinaniwalaan na si Booty ang kauna-unahang manlalaro sa high school na aalis ng maaga ng isang taon upang maglaro sa college football.

  • Siya ang nakababatang kapatid ng dating quarterback ng Oakland Raiders na si Josh Booty (na nagpukol ng 3,951 yards at 24 na touchdowns sa kanyang dalawang taon paglalaro ng football sa koponan ng LSU) at dating wide receiver ng LSU na si Abram Booty (na nagtala ng 117 passes para sa 1,768 yards sa kanyang tatlong taong paglalaro sa LSU.
  • Siya ay nagmula rin sa bayan nina Terry Bradshaw at Tommy Maddox.
  • Si Booty ay naging kasama sa kwarto ang noon ay sentro ng USC na si Ryan Kalil nuong 2006 season.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]