Aklat ng Genesis
Mga Aklat ng Bibliya |
---|
|
Ang Henesis o Genesis[1] (Griyego: Γένεσις, kahulugan: "pagkasilang", "paglikha", "sanhi", "simula", "pinaghanguan", "ugat", o "pinagmulan") ay ang unang aklat ng Torah, Tanakh at ng Kristiyanong Lumang Tipan. Tinatawag din itong Unang Aklat ni Moises, ayon sa tradisyong Hudyo, dahil pinaniniwalaang sinulat ito ni Moises. Laganap na pananaw na Abramahiko na inspirado ito ng "Banal" o "isinulat mismo ng Diyos sa pamamagitan ng mga tao," kaya pinaniniwalaan ring may tiyak na katotohanan at walang pagkakamali ang aklat na ito.
Sa Ebreo (o Hebreo), tinatawag itong B'reshit o Bərêšîth (בראשית, mula sa unang salita ng tekstong Ebreo) na nangangahulugang "sa simula". Katulad rin ng pagpapangalan sa Henesis ang ginawang pagbibigay ng pamagat para sa iba pang apat na mga aklat ng Pentateuko.
Mga nilalaman
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bereishit, Genesis 1-6: Paglikha ayon sa Genesis, Hardin ng Eden, Adan at Eba, Cain at Abel, Lamech, kasamaan
- Noach, Genesis 6-11: Arko ni Noe, Malaking Baha, pagkalasing ni Noe, Tore ng Babel
- Lech-Lecha, Genesis 12-17: Abraham, pagpapakasal ni Sarah sa kanyang kalahating kapatid na si Abraham, Lot, tipan, pakikipagtalik ni Abraham kay Hagar at panganganak ni Hagar kay Ismael, pagtutuli
- Vayeira Genesis 18-22: Mga bisita ni Abraham, Sodomita, mga bisita ni Lot at paglisan, pakikipagtalik ni Lot sa kanyang mga anak, pagpapatalsik ni Abraham kay Hagar, pagbibigkis kay Isaac
- Chayei Sarah, Genesis 23-25: Inilibing si Sarah, Rebekah kay Isaac
- Toledot, Genesis 25-28: Esau at Jacob, karapatang pang-anak ni Esau, pagpapala kay Isaac
- Vayetze, Genesis 28-32: Poligamiya ni Jacob, Paglisan ni Jacob, Rachel, Leah, Laban, mga anak ni Jacob at paglisan
- Vayishlach,Genesis 32-36: Muling pagkikita ni Jacob kay Esau, panggagahasa kay Dinah
- Vayeshev, Genesis 37-40: mga panaginip ni Joseph, pang-aalipin, Judah at Tamar, Joseph at Potiphar
- Miketz, Genesis 41-44: panaginip ni Faraon, si Joseph sa pamahalaan ng ehipto, pagbisita ng mga kapatid ni Joseph sa Ehipto
- Vayigash, Genesis 44-47: Inihayag ni Joseph ang kanyang sarili sa mga kapatid, si Jacob ay lumipat sa Ehipto
- Vayechi, Genesis 47-50: mga pagpapala ni Jacob, kamatayan ni Jacob at Joseph
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsisimula ang Genesis sa paglalarawan ng paglikha ng Diyos sa mundo, kay Adan at Eva, at ng kanilang pagdidistiyero sa Halamanan ng Eden, sa kuwento ni Cain at Abel, at sa kuwento tungkol kay Noe at ang malaking baha.
Nagsisimula ang kapitulo labindalawa sa pagtawag ng Diyos kay Abram (na naging Abraham) at sa kanyang baog na asawang si Sarai (na naging Sarah) mula sa Ur ng Sumerya, patungong Canaan (o Palestina). Naglalaman din ito ng pagtanggap ng Diyos kay Abraham. Nangako ang Diyos na sa pamamagitan ng binhi ni Abraham, mababasbasan ang lahat ng tao sa mundo (Genesis 22:3). Nakatala rin sa Genesis ang mga gawain ni Isaac, anak ni Abraham; at ng mga apo niyang sina Esau at Jacob (na naging Israel), at ng kanilang mga pamilya. Nagwawakas ang aklat sa salaysayin hinggil sa mga inapo ni Abraham - ang mga Israelita - na nanirahan sa Ehipto, ayon sa kagustuhan ng Paraon.
Nilalaman ng Genesis ang sinasapantahang kasaysayan at batayan ng mga pambansang relihiyosong kaisipan at mga institusyon ng Israel, na nagsisilbing pambungad sa mga kasaysayan, batas, at kaugalian nito.
Komposisyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa higit ng ika-20 siglo, ang karamihan ng mga skolar ng Bibliya ay umaayon na ang unang aklat ng Lumang Tipan na Pentateuch (Aklat ng Genesis, Aklat ng Exodo, Aklat ng Levitico, Aklat ng Bilang at Deuteronomiyo) ay nagmula sa apat na pinagkunan na Yahwist, Elohist, Deuteronomist at Pinagkunang pangsaserdote (priestly source) na ang bawat isang mga ito ay naghahayag ng parehong pundamental na kuwento at pinagsama ng iba ibang mga editor.[2] Simula 1970, nagkaroon ng rebolusyon sa skolarship ng Bibliya kung saan ang pinagkunang Elohist ay malawak nang tinuturing na isa lamang bariasyon (uri) ng Yahwist samantalang ang Pinagkunang pangsaserdote (priestly source) ay palagong nakita bilang isang katawan ng mga rebisyon (pagbabago) at pagpapalawig ng Yahwist (o hindi-pangsaserdoteng) materyal. Ang pinagkunang Deutoronomista ay hindi lumilitaw sa Aklat ng Genesis.[3]
Sa paglikha ng kasaysayang Patriyarkal, ang Yahwist ay humugot sa apat na magkakahiwalay na mga bloke ng tradisyonal na kuwento tungkol kay Abraham, Jacob, Judah at Joseph at isinama ang mga ito sa mga henealohiya, mga iteneraryo, at ang tema ng "pangako" upang lumikha ng isang nagkakaisang buong kuwento.[4] Sa parehong paglalarawan, nang ang Yahwist ay lumikha ng "kasaysayang primebal" (panimulang kasaysayan), ito ay humugot sa mga pinagkunan o materyal na Griyego at Mesopotamyano, binago at dinagdagan ang mga ito upang lumikha ng isang nagkakaisang akda upang umayon sa kanyang teolohikal na ahenda (hangarin).[5] Ang akdang Yahwistiko ay binago naman at pinalawig sa isang huling edisyon ng mga may-akda ng pinagkunang pangsaserdote (priestly source).[6]
Ito ay nag-iiwan sa tanong na kelan ang mga akdang ito isinulat. Ang mga skolar sa unang kalahati ng ika-20 siglo ay dumating sa konklusyon na ang Yahwist ay nilikha sa yugtong monarkiko (panahon ng mga hari sa Israeli) na spesipikong sa korte ni Solomon at ang akdang pinagkunang pangsaserdote (priestly source) ay niliha sa gitna ng ika-5 siglo BCE na ang may-akda ay tinukoy na si Ezra ngunit ang mas kamakailang pananaw ay ang Yahwist ay isinulat bago o habang nangyayari ang pagkakatapon sa Babilonya noong ika-6 siglo BCE at ang huling edisyong pangsaserdote (priestly) ay ginawa sa huli ng yugto ng pagkakatapong ito sa Babilonya o sa sandaling panahon pagkatapos nito.[7]
Sa kung bakit ang aklat na ito ay nilikha, ang isang teoriya na nagkamit ng labis na interest sa skolarship ng Bibliya bagaman nanantaili pa ring kontrobersiyal ang "autorisasyong pang-imperyong Persa (Persian)". Ito ay nagmumungkahing ang mga Persian pagkatapos ng kanilang pananakop sa Babilonya noong 538 BCE ay pumayag na bigyan ang Jerusalem ng isang malaking sukat ng lokal na autonomiya (sariling pamahalaan) sa loob ng Imperyong Persa (Persian) ngunit nag-atas sa mga lokal na autoridad na lumikha ng isang kodigo ng batas na tinatanggap ng buong pamayanan. Ang dalawang makapangyarihang mga pangkat na bumubuo ng pamayanan, ang mga pamilyang pangsaserdote (priestly) na kumokontrol sa Templo at tumunton ng kanilang saligan na mito (myth) ni Moises at paglalakbay sa ilang at ang pangunahing nagmamay-ari ng lupaing mga pamilya na binubuo ng mga "matatanda" (elders) na tumunton ng kanilang pinagmulan kay Abraham na nagbigay sa kanila ng lupa. Ang dalawang mga pangkat na ito ay may alitan sa loob ng maraming mga siglo sa iba't ibang mga isyu at ang bawat isang ito ay may kanya kanyang "kasaysayan ng pinagmulan" ngunit ang pangako ng imperyong Persian ng papalaking lokal na autonomiya para sa lahat ng mga sinakop na ito ay nagbigay ng makapangyarihang pampasigla upang magkaisa ang dalawang mga pangkat na ito sa pagbuo ng isang teksto.[8]
Genre
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Aklat ng Genesis ay tila mahusay na makikita bilang isang halimbawa ng "makalumang kasaysayan" (antiquarian history) na isang uri ng panitikan na naghahayag ng unang paglitaw ng mga tao, mga kuwento ng mga ninuno at mga bayani at pinagmulan ng mga kultura, siyudad at iba pa.[9] Ang pinakakilalang mga halimbaw ng panitikang ito ang makikita sa akda ng mga historyan na Griyego noong ika-6 siglo BCE. Ang layunin ng mga may-akdang ito ay i-ugnay ang mga kilalang pamilya ng kanilang panahon sa nakaraang malayo at makabayani. Sa paggawa nito, ang mga may-akdang ito ay hindi nagtatangi ng mito (myth), alamat at mga katotohanan (facts).[10] Tinawag ng propesor na si Jean-Louis Ska ng Pontifical Biblical Institute ang pundamental na patakarang ito ng antikwaryanong manunulat ng kasaysayan na "batas ng konserbasyon" na lahat ng luma ay mahalaga at walang inaalis.[11] Tinukoy rin ni Ska na ang layunin sa likod ng mga kasaysayang makaluma (antiquarian) ay ang pagiging luma (antiquity) ay kailangan upang patunayan ang halaga (worth) ng mga tradisyon ng Israel sa ibang mga kapitbahay na bansa nito sa simulang Palestinong Persian at upang pagkasunduin at pagkaisahin ang iba't ibang mga paksiyon (pangkat) sa loob mismo ng Israel.[11]
Mga anakronismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga pagkakatuklas na arkeolohikal tungkol sa lipunan at kultura sa Sinaunang Malapit na Silangan (Ancient Neart East) ay nagpakita ng ilang mga anakronismo o hindi angkop na konsepto sa mga salaysay ng Aklat ng Genesis. Ang mga anakronismong ito ay nagmumungkahing ang mga salaysay na ito isinulat noong ika-9 at ika-7 silgo CE [12] imbis na sa panahon ni Moises na ayon sa tradisyong Hudyo ang sumulat ng Pentateuch kabilang ang Aklat ng Genesis at ayon sa tradisyon ng Hudyo ay umiral noong 1391–1271 BCE.
- Ang mga Arameo ay kalimitang binanggit ngunit walang sinaunang teksto ang bumanggit sa mga ito hanggang mga 1100 BCE at ang mga ito ay nagsimula lamang magkaroon ng kontrol sa hilagang mga hangganan ng Israel pagkatapos ng ika-9 na BCE.[13]
- Ang Aklat ng Geneis ay naglalarawn ng simulang pinagmulan ng kapitbahay ng Israel na kaharian ng Edom ngunit ang mga rekord ng Asirya ay nagpapakitang ang Edom ay umiral lamang pagkatapos ng pananakop ng Asirya sa rehiyong ito. Bago nito, ito ay walang mga namumunong mga hari, hindi bukod na estado at ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakitang ito ay kakaunti lamang.[14]
- Ang kuwento ni Joseph ay tumutukoy sa mga mangangalakal na gumagamit ng mga kamelyo na nagdadala ng mga "gum, balm, at myrrh" na hindi malamang na mangyari bago ang unang milenyo dahil ang gawaing ito ay naging karaniwan lamang sa ika-8 hanggang ika-7 siglo BCE nang ang hegemonyang Asiryano ay gumawa sa pangangalakal na Arabian na ito na yumabong bilang isang pangunahing industriya.[15]
- Ang lupain ng Goshen ay may pangalang nagmula sa pangkat Arabiko na nagdomina lamang sa Nile Delta noong ika-6 hanggang ika-5 siglo BCE.[16]
- Ang Faraon ng Ehipto ay inilalarawan na natatakot sa pananakop mula sa silangan bagaman ang teritoryo ng Ehipto ay sumaklaw sa hilagang mga bahagi ng Canaan na ang pinaka banta nito ay mula sa hilaga hanggang ika-7 siglo CE.[17]
- Ang mga sumusunod na talata tungkol kay Moises na hindi maaaring isulat mismo ni Moises.
Si Moises naman ay isang taong mapagpakumbaba higit kaninumang nabuhay sa ibabaw ng lupa.Aklat ng mga Bilang 12:3
Ayon kay Richard Friedman na propesor ng Hebrew and Comparative Literature sa University California, normal na hindi mo aasahang ang pinakamapagpakumbabang tao sa mundo ay magtuturo na siya ang pinakampapagpakumbabang tao sa mundo.
Bukod dito, may mga talata ring nagsasalita tungkol kay Moises na tila siya ay matagal nang namatay. Ang ilan sa mga ito ang:
Sa katunayan, si Moises ay dinakila sa buong Egipto, maging ng mga tauhan ng Faraon at ng buong bayan.Exodo 11:3
Mula noon ay wala nang lumitaw sa Israel na propetang katulad ni Moises na nakipag-usap nang harap-harapan kay Yahweh.Deuteronomiyo 34:10
At si Moises na lingkod ni Yahweh ay namatay sa lupain ng Moab, tulad ng sinabi ni Yahweh. Inilibing siya ni Yahweh sa isang libis sa Moab sa tapat ng Beth-peor, ngunit hanggang ngayo'y walang nakakaalam ng tiyak na lugar. Siya'y sandaa't dalawampung taong gulang nang mamatay. Hindi lumabo ang kanyang paningin at hindi rin nanghina ang kanyang pangangatawan. Tatlumpung araw siyang ipinagluksa ng Israel sa kapatagan ng Moab.Deuteronomiyo 34:5-8
Ang pananaw na ito ay umaayon sa hipotesis na dokumentaryo na nagmumungkahing ang pentateuch (unang limang aklat ng Lumang Tipan) ay isinulat sa pagitan ng ika-8 at ika-6 na siglo BCE at hindi isinulat ni Moises.[18]
Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Abriol, Jose C. (2000). "Genesis". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gooder (2000), pp.12-14
- ↑ Van Seters (2004), pp.30-86
- ↑ Van Seters (1998), p.33
- ↑ Van Seters (1992), pp.188-189
- ↑ Van Seters (2004) p.114
- ↑ Davies (1998), p.37
- ↑ Ska (2006), pp.169, 217-218
- ↑ Van Seters (2004) pp.113-114
- ↑ Whybray (2001), p.39
- ↑ 11.0 11.1 Ska (2006), p.169
- ↑ The Bible Unearthed, p. 38.
- ↑ The Bible Unearthed, p. 39.
- ↑ The Bible Unearthed, p. 40.
- ↑ The Bible Unearthed, p. 37.
- ↑ The Bible Unearthed, p. 66–67.
- ↑ The Bible Unearthed, p. 67.
- ↑ The Bible Unearthed, p. 36.
Panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Aklat ng Genesis, mula sa Ang Dating Biblia (1905)
- Aklat ng Genesis, mula sa Ang Biblia, AngBiblia.net