Demokrasya
Ang demokrasya (Griyego: δημοκρατία, dēmokratiā, mula sa dēmos 'mga tao' at kratos 'pamamahalaan') ay isang uri ng pamamahala kung saan may awtoridad ang mga tao upang piliin ang kanilang namamahalang lehislasyon. Kung sinu-sino ang mga tao at kung paano hinahati ang awtoridad ang mga pangunahing suliranin para sa teorya, pagsusulong, at saligang batas ng demokrasya. Kabilang sa pundasyon ng mga suliraning ito ang kalayaang magtipon-tipon at magsalita, inklusibidad at pagkakapantay-pantay, pagkamamamayan, pagsasang-ayon, pagboboto, karapatang mabuhay at mga karapatan ng minorya.
Sa pangkalahatan, mayroong dalawang uri ng demokrasya: tuwiran at kinatawan. Sa tuwirang demokrasya, pinag-uusapan at pinagpapasiyahan ng mga tao mismo ang lehislatura. Sa kinatawang demokrasya, inihahalal ng mga tao ang mga kinatawan upang pag-usapan at pagpasiyahan ang lehislatura, tulad sa parlamentong o pampanguluhang demokrasya. Pinagsasama ng likidong demokrasya ang mga elemento nitong dalawang saligang uri. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, pinababago ang pangngalang "demokrasya" ng higit sa 3,500 pang-uri na nagmumungkahi na mayroon itong mga uri na nakaiiwas sa at nakaliligta ng dualidad na ito.[1]
Ang naging pinakakaraniwang kaparaanan sa pagpapasiya ng mga demokrasya ay panuntunan ng karamihan,[2][3] ngunit naging kasinghalaga rin ang mga ibang kaparaanan tulad ng supermayorya at pagkaisahan. Nagsisilbi ang mga ito sa napakahalagang layunin ng inklusibilidad at mas malawakang pagkalehitimo sa mga sensitibong paksa, na nagiging panimbang sa mayoritarismo, at sa gayon ay kadalasang nangingibabaw sa antas ng saligang batas.
Sa karaniwang uri ng demokrasyang liberal, ginagamit ang kapangyarihan ng karamihan sa loob ng balangkas ng isang kinatawang demokrasya, ngunit nililimitahan ng saligang batas ang karamihan at pinoprotektahan ang minorya, karaniwan sa pagtatamasa ng lahat ng mga tiyak na pansariling karapatan, hal. kalayaan sa pagsasalita, o kalayaan sa pakikisama.[4][5] Bukod sa mga ganitong uri ng demokrasya, mayoon pang napakaraming uri. Ang mga republika, bagaman madalas iniuugnay sa demokrasya dahil sa pagkaparehong prinsipyo ng pamamahala ng pagsang-ayon ng mga pinamamahalaan, ay hindi palaging demokrasya, dahil hindi tinutukoy ng republikanismo kung paano mamamahala ang mga tao.[6]
Ang demokrasya ay sistema ng pagpoproseso ng mga salungatan kung saan nakadepende ang mga kalalabasan sa ginagawa ng mga kalahok, ngunit walang nag-iisang puwersa na may hawak sa nangyayari at ang kanyang mga kalalabasan. Kalakip sa demokrasya ang kawalang-katiyakan sa mga kalalabasan. Pinipilit ng demokrasya na magpunyagi nang walang tigil ang lahat ng mga puwersa upang matanto nila ang kani-kanilang mga interes at inililipat ang kapangyarihan mula sa mga pangkat ng tao tungo sa mga alituntunin.[7] Itinuturing na nagmula ang Kanluraning demokrasya, iba sa umiral sa mga pre-modernong lipunan, sa mga estadong-lungsod tulad ng Klasikong Atenas at ng Republikang Romano, kung saan nakita ang iba't ibang pamamaraan at antas ng pagbibigay ng karapatan sa malayang populasyon ng kalalakihan bago ito nawala sa Kanluran sa simula ng hulihan ng antikwidad.
Talasanggunian
- ↑ "Gagnon, Jean-Paul. 2020. "Democracy with Adjectives Database, at 3539 entries". Latest entry April 8. Provided by the Foundation for the Philosophy of Democracy and the University of Canberra. Hosted by Cloudstor / Aarnet / Instaclustr". Nakuha noong 15 Abril 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Definition of DEMOCRACY". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Hulyo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Locke, John. Two Treatises on Government: a Translation into Modern English. Quote: "There is no practical alternative to majority political rule – i.e., to taking the consent of the majority as the act of the whole and binding every individual. It would be next to impossible to obtain the consent of every individual before acting collectively ... No rational people could desire and constitute a society that had to dissolve straightaway because the majority was unable to make the final decision and the society was incapable of acting as one body."Google Books.
- ↑ Oxford English Dictionary: "democracy".
- ↑ Watkins, Frederick (1970). "Democracy". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 7 (ika-Expo '70 hardcover (na) edisyon). William Benton. pp. 215–23. ISBN 978-0-85229-135-1.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ R. R. Palmer, The Age of the Democratic Revolution: Political History of Europe and America, 1760–1800 (1959)
- ↑ Przeworski, Adam (1991). Democracy and the Market. Cambridge University Press. pp. 10–14.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika at Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.