Demokrasya
Ang demokrasya, sa literal na kahulugan, ay ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala"). Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga tao", ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang pampolitika na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala.
Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. Isinasagawa nila ito sa maraming pagkilos o mga pagpupulong na pambayan. Di-tuwiran, kinatawan o republikano kapag ang mamamayan ay pinamamahalaan mga taong hinalal o pinili nila. Ang Switzerland ay may tuwirang demokrasya samantalang ang Pilipinas ay isang demokratikong kinakatawan ng mga halal ng bayan. Ang demokrasya ay nangangahulugan rin na nasa taong bayan ang kapangyarihan na ang pinahihiwatig ay nasa taong bayan ang kapangyarihang pumili ng magiging lider para sa isang lugar o sa bansa man . Ito ay isa rin sa mga uri ng ideolohiya kung saan nangangahulugang agham ng kaalaman o ideya.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Politika at Pamahalaan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.