Pumunta sa nilalaman

William Shakespeare

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si William Shakespeare.

Si William Shakespeare (ipinanganak Abril 26, 1564 - namatay Abril 23, 1616) ay isang manunulat ng Ingles. Maraming tao ang nagsasabing siya ay isa sa mga dakilang manunulat sa lahat ng panahon. Sumulat siya ng mga magagandang kwento ng trahedya, mga nakakatuwang komedya at walang katumbas na kasaysayang kwento ng Ingles. Ang kanyang mga tula at palabas ay patungkol sa mga nararamdam ng mga tao tulad ng pag-ibig, pagka-inggit, galit at marami pang iba. Siya ay pinag-aaralan ng mga bata sa mga paaralan sa buong mundo. Sinulat niya ang kanyang mga likha sa pagitan ng 1585 at 1613.

Talambuhay

Ipinanganak si William Shakespeare sa Stratford-upon-Avon, Inglatera, noong Abril 1564, ang anak nila John Shakespeare at Mary Arden. Mayaman ang ama ni Shakespeare ng siya ay ipinanganak, ngunit nawala ang kahalagahan nito ng ibenta ang wool laban sa batas.

Naging asawa ni Shakespeare si Anne Hathaway, na mas matanda sa kanya ng walong taon, noong Nobyembre 28, 1582 sa Temple Grafton, malapit sa Stratford. Tatlong buwang buntis noon si Anne. Noong Mayo 26, 1583, isinilang ang unang anak ni Shakespeare na si Susanna, at bininyagan sa Stratford. Sumunod ang kambal na anak nito na sina Hamnet, at Judith, ay bininyagan noong Pebrero 2, 1585. Namatay si Hamnet noong 1596 at inilibing noong Agosto 11.

Mga naisulat

Kasaysayan ng mga Ingles

Komedya

Trahedya

Mga tula

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link FA Padron:Link GA Padron:Link GA