Reseta

(Idinirekta mula sa Rx)

Ang reseta o preskripsiyon (Ingles: medical prescription) na may simbolong ℞ ay isang programa ng pangangalaga ng kalusugan na ipinapatupad ng isang medikal na doktor o iba pang tagasanay medikal sa anyo ng mga instruksiyon na nangangasiwa sa plano ng pangangalaga para sa isang indibidwal na pasyente. Ang mga reseta ay maaaring kabilangan ng mga utos na isasagawa ng pasyente, tagapangalaga, nurse, o parmasista o iba pang mga terapista. Sa karaniwang paglalarawan, ang terminong reseta o preskripisyon ay ginagamit upang pakahulugan ang utas na uminom ng ilang mga medikasyon (gamot). Ang mga reseta ay may legal na implikasyon dahil ang mga ito ay maaarign tumukoy na ang nagrereseta ay nagpapasan ng responsibilidad para sa klinikal na pangangalaga ng pasyente at sa partikular para sa pagmomonitor ng pagiging epektibo at kaligtasan nito. Dahil sa ang mga gamot ay tumataas na nagiging nakalagay na sa mga pakete (pre-packaged) na mga minanipakturang mga produkto at ang pagsasanay medikal ay naging mas komplikado, ang saklaw ng kahulugan ng terminong "reseta" ay lumawak upang kabilangan ng mga pagtatayang klinikal (mga clinical assessment), pagsubok sa laboratoryo (mga laboratory test) at mga pag-aaral ng larawan na nauugnay sa pagpapataas ng kaligtasan o pagiging epektibo ng paggamot medikal.

Simbolo ng reseta o preskripsiyon

Medisina Ang lathalaing ito na tungkol sa Panggagamot ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.