Ang bahay kubo (Ingles: nipa hut) o kubo ay isang tradisyonal na bahay sa Pilipinas. Kinikilala ang bahay kubo bilang pambansang bahay ng Pilipinas. Ito ay gawa sa lokal na mga materyales, ang dingding nito ay kadalasang gawa sa kawayan, kahoy, kogon o pawid at ang bubong sa dahon ng nipa o anahaw. [1] Angkop ito laban sa hangin at ulan, dahil magaan ito at kung masira man ay madaling palitan.

Isang bahay kubo ng mga T'boli.
Isang klase ng modernong kubo na gawa sa Bulacan.

Ang bahay kubo ay ang kauna-unahang bahay ng mga katutubong Pilipino bago dumating ang mga Espanyol. Madalas na makikita ito sa bukirin ng may iba't-ibang disenyo ng arkitektura ayon sa nais ng iba't-ibang kultura sa bansa.

Napapasailalim ang bahay kubo sa Austronesian architecture. Ito ang dahilan kung bakit mayroon ring ibang bersyon ng bahay kubo na matatagpuan sa karatig bansa tulad ng Indonesia, Malaysia, Palau, at ang Mga Pulo ng Pasipiko.

Etimolohiya

baguhin

Ang salitang bahay kubo ay mula sa dalawang salita. Ang "bahay" ay nanggaling sa Proto-Malayo-Polynesian na balay o pampublikong estruktura[2], at "kubo" na galing din sa katagang Proto-Malayo-Polynesian kubu o iisang kwarto.[3]

Mayroong tatlong Ingles na salita para sa bahay kubo: nipa hut, nipa shack at cube house.

Ang cube house ay maaring nagmula sa wikang Espanyol na 'cubo'. [4] Ang nipa hut at nipa shack naman ay nabigyang pansin noong Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano, mulas sa kanilang materyales. Ginamit rin ang wikang nipa "shack" para mabigyang diin ang mababang antas ng mga Pilipino noong inilunsad ang programang "Benevolent Assimilation Proclamation"[5]

Mga Katangian

baguhin

Iba-iba ang laki ng bahay kubo, madalas itong mayroong parisukat na hugis. Ang isa o dalawang silid ay isang malaking espasyo na ginagamit bilang sala, kusina at silid-tulugan. Karaniwan na ang tanging nakahiwalay na silid o celda ay ginagamit sa pagsantabi ng mahalagang kagamitan o pangpribadong gawain (e.g. pagligo, pagpalit ng damit).[4]

Ang haligi ay yari sa malalaki at matitigas na kahoy. Ang mga ito ay nakabaon nang may tatlong talampakan ang ilalim sa lupa at nakapatong sa malaking patag na bato. Nilalagyan din ng bato ang paligid ng haligi upang maging matatag ito. Mga maiikling poste na umaabot sa sahig ang inilalagay sa ilalim ng bahay bilang dagdag suporta.

Silong

baguhin

Bukod sa pagkakaroon ng bawat haligi upang maiwasan ang basang lupa, baha at pagpasok ng peste at hayop sa bahay kubo, mayroon ring silong ang mga ito upang mabigyang lugar ang mga alagang hayop at ang pangaraw-araw na mga kagamitan.

Kalaunan ay nagamit ang mga katangiang ito sa pagsasagawa ng bahay na bato. Ang "raised" na espasyo ay napanatili at ang zaguan o "ground floor" ay ang silong na ginamit parin sa pagsantabi ng mga kagamitan at karwahe.[4]

Dingding

baguhin
 
Amakan, dingding na maaring gawa sa kawayan o kahoy

Ang pangloob na dingding ng bahay kubo ay maaring maging gawa sa amakan na tinatawag ring sawali o kalakat. Tradisyonal na inihabi mula sa kawayan, mayroong itong iba't ibang disenyo tulad ng zigzag, diagonal at hugis diamante.

Likas na ginagamit ang materyales na ito sa bahay kubo dahil sa gaan at dali ng pagpasok at paglabas ng hangin. Nabibigyang balanse rin ng dingding na ito ang presyon dala ng malakas na hangin tuwing bumabagyo.[6]

Bago magamit ang amakan, nangangailangan ito ng pangunahing paghahanda o pre-treatment bago mai-pako sa kahoy o kawayan na dingding. Kadalasan sa pamamagitan ito ng pagbabad sa tubig alat at pagbilad sa araw. [7]

Dungawan

baguhin

Ang dungawan o bintana ay ang parte ng bahay kubo na nagpapasok ng liwanag at hangin. Sa kasalukuyang panahon, iba-iba ang estilo nito. Ang tradisyonal na dungawan ay isang malaking bintana na may tukod sa bukasan. Sa ibang kabahayan, sliding na ang estilo ng bintana at kadalasan gawa ito sa simpleng kahoy o magarbong lampirong o capiz shell.

Makikita pa rin ang impluwensiya ng dungawan sa mga bahay na bato, partikular sa mga ventanillas.

Awiting "Bahay Kubo"

baguhin

Ang bahay na kubo ay paksa sa katutubong awitin na "Bahay Kubo" na kung saan isinasalarawan ang isang munting bahay kubo na napapaligiran my sari-saring halaman. Inaawit ito ng ilang mang-aawit kabilang na si Sylvia La Torre noong 1966. Ito ay paboritong awitin ng mga batang Pilipino.

Impluwensiya

baguhin

Sinasabing si William Le Baron Jenney, isang Amerikanong arkitekto at inhinyero, ay napadako ng Pilipinas ng tatlong buwan, taong 1850.[8][9] Nakita niya sa kanyang bisita ang isang bahay kubo sa kalagitnaan ng bagyo at napaghalataan niya kung gaano ka-gaan at flexible ito sa panahon.Nabigyan siya ng inspirasyon na gayahin ito noong 1879 habang siya ay gumagawa ng kauna-unahang lighter building.

Kalaunan naisama niya ang konsepto na ito noong 1884, sa kanyang pagsasagawa ng Home Insurance Building sa Chicago. Ito naman ay nakilala bilang first metal-framed skyscraper sa Estados Unidos. Dahil rito, nakilala si Jenney bilang "Ama ng Modernong American Skyscraper", na sa hanggang ngayon ay ginagamit paring modelo ng mga modernong skyscraper sa buong mundo.

Sinasabing ang bahay kubo ay nagbigay inspirasyon sa mga lokal na arkitekto tulad nina Francisco Mañosa at Leandro Locsin na nagsama ng mga disenyo sa kanilang pagsasagawa ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, National Arts Center, Coconut Palace, at estasyon ng Light Rail Transit.[10]

Kahalintulad

baguhin

Dahil sa impluwensiya ng arkitekturang Austronesian sa disenyo ng bahay kubo, maari rin tayong makakita ng ibang halimbawa ng katutubong arkitekturang pang-Austronesian sa Philippines tulad ng: fayu at katyufong sa Bontoc; bale at abong ng mga Ifugao; binayon ng Kalinga; binangiyan ng Kankanai; jin-jin ng Mga Ibatan; baley ng mga Matigsalug; binanwa ng Ata; bolloy ng Klata; baoy ng Ovu-Manuvo; bale ng mga Bagobo Tagabawa; bong-gumne ng Blaan; uyaanan ng Mansaka; gunu-bong ng T'boli; lawig, mala-a-walai, langgal, lamin at torogan ng mga Maranao; bay-sinug ng Tausug; lumah ng Yakan; at iba pa.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Bahay kubo, Glossary of Filipino Terms and Phrases". Flavier, Juan M., "Doctor to the Barrios" (New Day Publishers). 1970.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Blust, Robert; Trussel, Stephen (2013). "*balay". The Austronesian Comparative Dictionary: A Work in Progress. pp. 493–523. doi:10.1353/ol.2013.0016. S2CID 146739541
  3. Blust, Robert; Trussel, Stephen (2013). "*kubu". The Austronesian Comparative Dictionary: A Work in Progress. pp. 493–523. doi:10.1353/ol.2013.0016. S2CID 146739541.
  4. 4.0 4.1 4.2 "Lean Interpretations from the Philippine Vernacular Architecture". Lean Urbanism. Nakuha noong Nobyembre 24, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Yamaguchi, Kiyoko (2006). "The New "American" Houses in the Colonial Philippines and the Rise of the Urban Filipino Elite". Philippine Studies: 412–451 – sa pamamagitan ni/ng JSTOR.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Use of Indigenous Filipino Materials and Methods in Building Green Homes". Buensalido + Architects. Oktubre 16, 2015. Nakuha noong Nobyembre 24, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. "Plywood" (PDF). Global Shelter Cluster. Oktubre 2014. Nakuha noong Nobyembre 24, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Chicago Architecture Center". www.architecture.org. Nakuha noong Nobyembre 24, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. "William Le Baron Jenney". www.encyclopedia.com. Nakuha noong Nobyembre 24, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Mauricio-Arriola, Tessa (Pebrero 20, 2019). ""UPDATE: National Artist Mañosa, 88"". The Manila Times. Nakuha noong Nobyembre 24, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)