Glipo
Ang glipo (mula sa Ingles na glyph at Kastilang glifo) ay isang sagisag, simbolo, o pigura na may layunin.[1] Sa tipograpiya, ang isang glipo ay "espesipikong hugis, disenyo, o representasyon ng isang karakter".[2] Ito ay isang partikular na grapikal na representasyon, sa isang partikular na tipo ng titik, ng isang elemento ng wikang pasulat. Ang isang grapema, o bahagi ng isang grapema (tulad ng isang tuldik), o minsan mararaming grapema sa kombinasyon (isang glipong nabubuo)[a] ay maaaring katawanin ng isang glipo.
Mga glipo, grapema, at karakter
baguhinSa karamihan ng mga wikang pasulat sa anumang barayti ng alpabetong Latin, karaniwan ang paggamit ng mga tuldik para ipakita ang isang mutasyon ng katinig. Halimbawa, kinakailangan ng grapemang ⟨à⟩ ang dalawang glipo: ang basikong Padron:Char at ang paiwang Padron:Char. Sa pangkalahatan, ipinalalagay ang isang tuldik bilang isang glipo,[3] maski dikit sa natitirang bahagi ng karakter, bilang sedilya sa Pranses, Katalan, o Portuges, ogonek sa mararaming wika, o guhit sa Polakong "Ł". Ang mga itong gatla ay orihinal na walang independiyenteng kahulugan, ngunit mamayang kumuha ng mga kanilang kasulukuyang kahulugan, hindi lang sa lingguwistika, kundi sa mga sangay tulad ng matematika at pagkukuwenta.
Sa kabilang banda, sa mga wika ng Kanlurang Europa, ang tuldok sa isang maliit na ⟨i⟩ ay hindi isang glipo kasi hindi nangangahulugan ng anumang katangian, at ang isang ⟨ı⟩, kung saan ang tuldok ay aksidental na nakaligtaan, ay tamang kikilalanin pa. Gayunman, sa Turko at katabing mga wika, ang itong tuldok ay nga isang glipo kasi sa wikang iyon may dalawang natatanging bersyon ng titik na i: İ i at I ı.
Sa mga Hapones na silabaryo, ang ilang mga kana ay gawa sa mararamihang gatla, pero sa pangkalahatan ang itong natatanging mga gatla ay hindi glipo dahil kapag nag-iisa walang kahulugan. Gamitin natin ang pantig ng hiragana na は [ha] bilang halimbawa. Ang は ay isang glipo (isang natatanging yunit), pero ang dalawang kalahati ng kana ay walang kahulugan, at kaya hindi glipo. Pero kung dumadagdag ka ng ゛ sa は, kumukuha ka ng ば [ba], kaya ang ゛ ay nga isang glipo (sa ating halimbawa, nagpapahiwatig ang glipo ng isang may tinig na katinig) kasi tinutupad ang papel ng isang tuldik.
Ang ilang mga karakter, tulad ng "æ" sa Islandes at "ß" sa Aleman ay maaaring ipalagay bilang mga glipo. Ang mga ito ay orihinal na tipograpikong mga ligatura, pero sa paglipas ng panahon ay naging mga karakter sa kanilang sariling karapatan. Sa itong mga wika ipinalalagay ang mga titik bilang natatanging. Gayunman, ang isang ligatura tulad ng fi, na ipinalalagay sa ilang mga tipo ng titik bilang nag-iisang yunit (sa Unicode ini-eencode bilang fi U+FB01), ay hindi laging isang glipo, kundi madalas na isang tipograpikong pili sa disenyo ng tipo ng titik, sa esensya isang alograpikong katangian, at sumasaklaw ng higit sa isang grapema.[3] Sa normal na sulat-kamay, kahit ang mahahabang salita ay sinusulat nang "pinagsasanib", at ang porma ng kada titik ay madalas na magkakaiba depende sa mga titik na nauuna at nasusundan, pero ang salita ay pa isang salita, hindi isang nag-iisang glipo.
Kinailangan ng mga mas lumang modelo ng makinilya ang paggamit ng mararaming glipo para maglarawan ng nag-iisang karakter, halimbawa, ang isang kudlit at isang tuldok ay naglarawan ng isang padamdam. Kung may higit sa isang alograpo sa isang yunit ng pagsusulat, at ang pili sa pagitan ng mga ito umaasa sa konteksto o sa kursunada ng may-akda, ngayon dapat tratuhin nila na parang natatanging mga glipo, dahil dapat magamit ang mekanikal na mga kaayusan para itangi sila at para maimprenta ang kailangan.
Sa pagkukuwenta at saka tipograpiya, tinutukoy ng terminong "karakter" ang isang grapema, o isang yunit ng teksto parang grapema, bilang hinahanap sa mga sistema ng pagsulat (kumbaga, mga iskrip) ng mga natural na wika. Sa tipograpiya at pagkukuwenta, ang saklaw ng mga grapema ay mas malapid sa ibang mga paraan din: madalas na dapat atupagin ng isang tipo ng titik ang isang barayti ng mga wika, na nag-aambag ng kanilang natatanging sariling mga grapema, at puwedeng kailangan din ang pag-imprenta ng mga di-lingguwistikong sagisag tulad ng mga dingbat. Gayon din dumadami ang saklaw na kailangang mga glipo. Kumbaga, sa tipograpiya at pagkukuwenta, ang isang glipo ay isang grapikal na yunit.[3]
Tingnan din
baguhinTala
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Gaboy, Luciano L. Glyph - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ Ilene Strizver. "Confusing (and Frequently Misused) Type Terminology, Part 1". fonts.com (sa wikang Ingles). Monotype Imaging. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Disyembre 2011.
the specific shape, design, or representation of a character
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Ken Whistler; Mark Davis; Asmus Freytag (2008-11-11). "Characters Vs Glyphs" (sa wikang Ingles). Unicode Consortium.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na kawing
baguhin- May kaugnay na midya ang Glyphs sa Wikimedia Commons