Dilmun
Ang Dilmun o Telmun (Arabiko: دلمون) ay isang kabihasnan sa Golpong Persiko na binanggit ng mga kabihasnang Mesopotamiano bilang kasosyo sa kalalakan, isang pinagkukunan ng metal na tanso, at entrepôt ng ruta ng kalakalang Mesopotamia tungo sa kabihasnang Lambak Indus. Pinaniniwalan ng mga skolar na ang lokasyon nito ay sumasaklaw sa ngayong Bahrain, Failaka, Kuwait at mga karatig na baybaying silanganing Arabiano sa Golpong Persiko (Persian Gulf). Natuklasan kamakailan na noong 2000 BCE, ang mga Mesopotamiano ay tumira sa Failaka.[1] Ang Failaka ay naglalaman ng maraming mga gusaling may istilong Mesopotamiano na tipikal na matatagpuan sa Iraq noong mga 2000 BCE.[1]
Kinaroroonan | Eastern Arabia |
---|---|
Rehiyon | Northern Governorate |
Klase | Ancient |
Bahagi ng | Eastern Arabia |
Kasaysayan | |
Itinatag | circa late 4th millennium BC[kailangan ng sanggunian] |
Nilisan | c. 538 BC |
Kapanahunan | Bronze Age |
Ang Dilmun ay unang lumitaw sa mga tabletang Sumeryong kuneiporma na mula huli ng ikatlong milenyo BCE na natagpuan sa templo ni Inanna sa Uruk. Ang isa sa pinakamaagang mga inskripsiyon na nagbabanggit ng Dilmun ay ni haring Ur-Nanshe ng Lagash noong ca. 2300 BCE. Ang Dilmun ay binanggit rin sa dalawang liham noong pamumuno ni Burnaburiash (c. 1370 BCE) na nakuha sa Nippur noong panahong Kassite ng Babilonya. Ang mga liham na ito ay mula sa opisyal ng probinsiya na sina Ilī-ippašra sa Dilmun at kanyang kaibigang si Enlil-kidinni na gobernador ng Nippur.
Mitolohiyang Mesopotamiano
baguhinAng Dilmun ang lugar sa mito ng paglikha ng Sumerya kung saan si Ziusudra na nakaligtas sa isang malaking baha ay dinala ng mga Diyos upang mabuhay ng walang hanggan. Ang Dilmun ay binanggit sa epikong kuwento nina Enki at Ninhursag bilang ang lugar ng paglikha. Ang Dilmun sa Enuma Elish ang lugar kung saan ang halo ng alat tubig na kinakatwan ni Tiamat ay nagtagpo at naghalo sa sariwang tubig na Abzu. Ang Diyosang Sumeryo na si Ninlil ay nakatira sa Dilmun. Sa Enmerkar at ang Panginoon ng Aratta, ang mga pangunahing pangyayari na nakasentro sa pagtatayo ng mga ziggurat sa Uruk at Eridu ay inilalarawang nangyayari sa mundo "bago pa natirhan ang Dilmun".
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Traders from Ur?". Archaeology Magazine. Nakuha noong 28 Agosto 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)