Deklinasyon

(Idinirekta mula sa Declination)

Sa astronomiya, ang deklinasyon o declination (pinapaikli bilang dec o δ) ay isa sa dalawang koordinado ng sistemang ekwatoryal ng mga koordinado, isa rito ang kanang asensiyon o oras anggulo. Maaaring ikumpara ang Deklinasyon ng astronomiya sa heograpikong latitud, subalit inilalapat sa panlangit na timbulog. Sinusukat ang deklinasyon sa hilaga at timog degree ng panlangit na ekwador. Mayroong positibong deklinasyon ang mga puntong nasa hilaga ng panlangit na ekwador samantalang negatibong deklinasyon naman ang mga nasa timog nito.

  • Mayroong deklinasyon na 0° ang mga bagay na nasa panlangit na ekwador.
  • Mayroong deklinasyon na +90° ang mga bagay na nasa panlangit na hilagang polo.
  • Mayroong deklinasyon na −90° ang mga bagay na nasa panlangit na timog polo.

Mga bituin

baguhin

Nakaposisyon ang isang bituin sa malapit na hindi nagbabagong direksiyon na makikita sa Mundo, na may deklinasyong hindi nagbabago taon-taon, subalit ang kanang asensiyon at deklinasyon ay maaaring magbago dahil sa presisyon ng mga ekinoks, tamang mosyon, at taunang paralaks. Mabilis magbago ang deklinasyon ng lahat ng mga bagay sa sistemang solar kaysa sa mga bituin[1].

Deklinasyon ng mga bituin na makikita sa Hilagang Hemispero batay sa latitud ng tagatingin
Latitud Sirkumpolar Hindi Sirkumpolar Hindi Nakikita Talababa
90° +90 hanggang 0
N/A
0 hanggang -90 Hilagang polo
66.5° +90 hanggang +23.5 +23.5 hanggang -23.5 -23.5 hanggang -90 Bilog ng Artiko
45° +90 hanggang +45 +45 hanggang -45 -45 hanggang -90 kalagitnaan
23.5° +90 hanggang +66.5 +66.5 hanggang -66.5 -66.5 hanggang -90 Tropiko ng kanser
N/A
+90 hanggang -90
N/A
Ekwador

Para sa Timog Hemispero, pagbaligtarin lamang ang palatandaan (+/-). Maaaring makita ang mga bituing na hindi sirkumpolar sa ilang araw lamang o pana-panahon ng taon[2].

Talababa

baguhin
  1. Sproul, Alistair B. "Derivation of the solar geometric relationships using vector analysis" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-06-16. Nakuha noong 28 Pebrero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. J. W. Spencer (1971). "Fourier series representation of the position of the sun". {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.