Ang Banjul (NK /bænˈl/,[1][2] EU /ˈbɑːnl/),[1][2][3][4] opisyal ang Lungsod ng Banjul, ay ang kabisera at ang ikaapat na pinakamalaking lungsod sa Gambia. Ito ang sentro ng eponimong dibisyong administratibo kung saan tahanan sa tinatayang 400,000 residente, na ginagawang pinakamalaki at pinakamataong kalakahang lugar sa Gambia. Matatagpuan ang Banjul sa Pulo ng St Mary (Pulo ng Banjul), kung saan pumapasok ang Ilog Gambia sa Karagatang Atlantiko. Ang populasyon sa looban ng lungsod ay 31,301, kasama ang Kalakhang Lugar ng Banjul, na kinabibilangan ng Lungsod ng Banjul at ang Konseho ng Munisipyo ng Kanifing, sa isang populasyon na 413,397 (senso noong 2013).[5] Nakakonekta ang pulo sa pangunahing kalupaan sa kanluran pati ang natitirang bahagi ng Kalakhang Lugar ng Banjul sa pamamagitan ng mga tulay. May mga lantsa din ang nagkakabit sa Banjul sa pangunahing kalupaan sa kabilang banda ng ilog.

Banjul
lungsod, region of the Gambia
Watawat ng Banjul
Watawat
Eskudo de armas ng Banjul
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 13°27′11″N 16°34′39″W / 13.4531°N 16.5775°W / 13.4531; -16.5775
Bansa Gambia
LokasyonGambia
Itinatag1816
Lawak
 • Kabuuan12.2 km2 (4.7 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2013, Senso)
 • Kabuuan31,356
 • Kapal2,600/km2 (6,700/milya kuwadrado)
Kodigo ng ISO 3166GM-B

Kultura

baguhin

Kabilang sa atraksyon ng lungsod ang Pambansang Museo ng Gambia, Palengke ng Albert, Bahay Estado ng Banjul, Bahay Korte ng Banjul, at Museo ng Pamanang Aprikano.[6]

Ekonomiya

baguhin

Ang Banjul ay ang sentro ng bansa sa ekonomiya at pamamahala at kabilang dito ang Bangko Sentral ng Gambia. Pagproseso ng mani ang pangunahing industriya ng bansa, subalit naipapadala dito ang pagkit ng bubuyog (o mantika de papel), palma, langis ng palma, at balat at kayo ng hayop mula sa daungan ng Banjul.[7]

Tahanan din ang Banjul ng Gambia Technical Training Institute (GTTI) na sangkot sa pakikisosyo sa di-kumikitang organisasyon na Power Up Gambia upang gawin ang isang programang pagsasanay sa enerhiyang solar.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "Banjul". Collins English Dictionary (sa wikang Ingles). HarperCollins. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Abril 2019. Nakuha noong 12 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Banjul" Naka-arkibo 2019-04-12 sa Wayback Machine. (Estados Unidos) at "Banjul". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press. Nakuha noong 12 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Ingles)
  3. "Banjul". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. 2014. Nakuha noong 12 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Banjul". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 12, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Gambia 2013 Population and Housing Census Preliminary Results" (PDF) (sa wikang Ingles). Gambia Bureau of Statistics. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2018-07-13. Nakuha noong 2017-12-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Banjul Travel information". HappyTellus (sa wikang Ingles). 2009-06-14. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-04. Nakuha noong 2012-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Gambia, The". State.gov. 2012-07-03. Nakuha noong 2012-10-29.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)