Likurang patinig

patinig na nagagawa mula sa likurang bahagi ng bibig
(Idinirekta mula sa Back vowel)

Likurang patinig (Ingles: back vowel) ang mga patinig na sinasalita sa pamamagitan ng pagpuwesto ng pinakamataas na bahagi ng dila sa likurang bahagi ng bibig nang hindi gumagawa ng pag-ipit kagaya ng sa mga katinig.[1] Tinatawag din minsan ang mga likurang patinig bilang mga madidilim na patinig (Ingles: dark vowel) dahil sa pagiging mas "madilim" nito (kung papakinggan) kesa sa mga harapang patinig. Sa wikang Tagalog, [u] (hal. ulo) at [o] (hal. suntok) ang mga likurang patinig.[2]

Isang uri ng mga likurang patinig ang mga halos likurang patinig (Ingles: near-back vowel). Walang wika sa mundo ang gumagawa ng isang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga likuran at halos likurang patinig.

Artikulasyon

baguhin

May dalawang kategorya ang mga likurang patinig ayon sa relatibong artikulasyon nito: nakaangat at nakaurong.

Nakaangat

baguhin

Nakaangat na patinig (Ingles: raised vowel) ang mga patinig na nabubuo sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila paangat sa likurang bahagi ng bibig, patungo sa ngala-ngala o dorsum.[3]

[u ɯ] ang mga pinaka-nakaangat na mga patinig. Medyo nakaangat din ang mga patinig na [ʊ], [o ɤ], gayundin ang [ʉ ɨ].

Nakaurong

baguhin

Nakaurong na patinig (Ingles: retracted vowel) ang mga patinig na na nabubuo sa pamamagitan ng pagpuwesto ng dila nang pahila sa likurang bahagi ng bibig, patungo sa ngala-ngala at lalamunan.[3]

[ɑ ɒ] ang mga pinaka-nakaurong na patinig: nakadikit na halos ang dila sa epiglotis at sa dingding ng lalamunan. Nakaurong din ang mga patinig na [ʌ ɔ].

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "back vowel" [likurang patinig]. Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Abril 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Llamzon, Teodoro A. (Enero 1966). "Tagalog phonology" [Ponolohiyang Tagalog]. Anthropological Linguistics (sa wikang Ingles). 8 (1): 30–31. Nakuha noong 21 Abril 2023.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Moisik, Scott; Czaykowska-Higgins, Ewa; Esling, John H. (2012). The Epilaryngeal Articulator: A New Conceptual Tool for Understanding Lignual -Laryngeal Contrasts [Ang Artikulator na Epilaryngeal: Isang Bagong Konseptong Kagamitan para sa Pag-unawa sa mga Pagkakaibang Lingual-Laryngeal] (PDF) (sa wikang Ingles).{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)