Atreus
Sa mitolohiyang Griyego, si Atreus (Ἀτρεύς) o Atreo ay isang hari ng Mycenae, na anak na lalaki nina Pelops at Hippodamia. Siya ang ama nina Agamemnon at Menelaus. Sa pangkalipunan, ang mga kaapu-apuhan niya ay nakikilala bilang ang Atreidai o Atreidae.
Si Atreus at ang kaniyang kakambal na kapatid na si Thyestes ay pinalayas ng kaniyang ama dahil sa pagpatay nila sa kanilang lalaking kapatid sa magulang na si Chrysippus dahil sa kanilang kagustuhan na makamtan ang trono ng Olympia. Nagpunta sila sa Mycenae, kung saan nalagay sila sa trono habang wala si Haring Eurystheus dahil nakikipaglaban ang haring ito laban sa Heracleidae. Dapat na pansamantala lamang ang pangangasiwa nina Atreus at Thyestes subalit naging permanente ito pagkaraan ng pagkamatay niya sa labanan.
Ayon sa halos karamihan ng sinaunang mga sanggunian, si Atreus ang ama Plisthenes, subalit ayon sa ilang mga makatang liriko, katulad ng sa mga isinulat nina Ibycus, Bacchylides, ang pangalang Plisthenides (anak na lalaki ni Plisthenes) ay ginagamit bilang isang pangalang pamalit para kay Atreus.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.