Apries
Si Apries (Sinaunang Griyego: Ἁπρίης) ang pangalan na ginamit ni [Herodotus]] (ii. 161) at Diodorus Siculus (i. 68) kay Wahibre Haaibre na isang paraon ng Sinaunang Ehipto ng Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto.[2] Siya ay tinawag na Hophra sa Aklat ni Jeremias 44:30.[3] Namana ni Apries ang trono sa kanyang amang si Psamtik II noong Pebrero 589 BCE.[1] Itinayo ni Apries ang dagdag sa mga templo sa Athribis (Tell Atrib), Bahariya Oasis, Memphis, Ehipto, at Sais, Ehipto."[4] Sa kanyang ikaapat na taon ng paghahari, ang kanyang kapatid na babae na si Ankhnesneferibre ay ginawang bagong asawa ng Diyos na si Amun sa Thebes, Ehipto.[4] Sa kanyang pamumno, nagkaroon ng mga panloob na problema, Noong 588 BCE, pinadala ni Apries ang isanng puwersa sa Herusalem upang protektahan ito mula sa mga puwersa ng Imperyong Neo-Babilonya na ipinadala ni Nabucodonosor II ayon sa Aklat ni Jeremias 37:5; 34:21). Umurong ang kanyang mga puwersa na umiwas sa komprontasyon sa mga Babilonyo.[5] Ang Kaharian ng Juda ay winasak ng Imperyong Neo-Babilonya noong 587/586 BCE. Tinangka ni Apries na manghimasok sa politika ng Kaharian ng Juda ngunit nabigo ito na sinundan ng pag-aalsa ng mga sundalo sa mahalagang stratehikong Aswan garrison.[1][5]
Apries | |
---|---|
Wahibre | |
Pharaoh | |
Paghahari | 589–570 BCE (Ikadalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto) |
Hinalinhan | Psamtik II |
Kahalili | Amasis II |
Anak | Khedebneithirbinet II |
Ina | Takhuit |
Namatay | 567 BC |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Clayton, Peter A. (2006). Chronicle of the Pharaohs: The Reign-by-Reign Record of the Rulers and Dynasties of Ancient Egypt (ika-Paperback (na) edisyon). Thames & Hudson. pp. 195–197. ISBN 0-500-28628-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Chisholm, Hugh, pat. (1911). . Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 2 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 230.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Cf. Theis, Christoffer (2011). "Sollte Re sich schämen? Eine subliminale Bedeutung von עפרח in Jeremia 44,30". Ugarit-Forschungen (sa wikang Aleman). 42: 677–691. ISSN 0342-2356
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) for the writing of this particular name. - ↑ 4.0 4.1 Shaw, Ian; Nicholson, Paul (1995). The Dictionary of Ancient Egypt. Harry N. Abrams. pp. 36–37. ISBN 0-8109-3225-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Miller, J. Maxwell; Hayes, John H. (1986). A History of Ancient Israel and Judah (ika-Hardback (na) edisyon). Westminster Press. p. 414. ISBN 0-664-21262-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)