480i
Ang 480i ay ang simple o pinapayak na pangalan para sa mode ng bidyo na gumagamit ng standard-definition na digital na telebisyon. Ginagagamit ang 480i sa Karibe, Myanmar, Hapon, Timog Korea, Taiwan, Pilipinas, at karamihan ng mga bansa sa Timog at Hilagang Amerika (maliban sa Arhentina, Paraguay at Uruguay). Tumutukoy ang 480 sa patayong resolusyon na nangangahulugang 480 mga linya, at tumutukoy naman ang i sa resolusyong interlaced.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.